Dialogue with Partner Communities of the NHA
The NHA event was anchored on the theme “Pabahay: Tunay na Pagbabago ng Pamayanan sa Tinig ng Mamamayan” that aims to recognize the voices of different sectors involved in providing shelters to Filipino families, allow the development of responsive housing policies and programs, and involve different sectors in validating proposed policies and program directions for key shelter agencies.
The Chief Executive was accompanied in the event by Secretary Evasco, Jr., National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza, NHA General Manager Marcelino Escalada, and other key officers from the government’s housing sector.
SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE DURING THE NATIONAL HOUSING AUTHORITY SUMMIT: DIALOGUE WITH PARTNER COMMUNITIES
National Housing Authority (MHA) Multi-Purpose Covered Court
Elliptical Road, Diliman, Quezon City
February 8, 2017
Maupo po kayo. Salamat po.
You know, in every event that I am invited to, they usually prepare a speech para basahin ko and it’s only two pages. In about three minutes, mag-uwian na tayo. (laughter)
So, I—you know, I am not adept in reading speeches since I became a worker of government because it does not really reflect— Well, of course, the speech is very civil. Maamo, courteous, lahat. Eh hindi ako makamura dito. (laughter)
At I am not good if I do not— You know, I’m—you know, you should listen to Secretary Evasco. I’m not trying to be funny but from whereof he is talking, alam niya ang trabaho niya.
Many, many years ago I was a prosecutor. And there were two priests that were arrested on that day and dalawang pari and I was an inquest fiscal. Prosecutor kasi ako noon.
And you know what? Dalawang pari, nahuli: Father Tison of Leyte and Father Evasco of Bohol. Pari ‘yan silang dalawa. At Philippine Constabulary pa noon. Eh nahuli sila ‘ata, gabi na; tapos, tumawag sila because we were required then by President Marcos, ‘pagka ‘yung mga komunista, there has to be an inquest fiscal.
Marcos was never really also a killer. He would have wanted processes to be followed. That is why, I was appointed an inquest, tatlo lang ang kaso ko na hinahawakan. Cases against the military and the police, cases against the rebels, at ‘yung mga kidnapping.
So medyo hindi naman ako nagyayabang. Takot ‘yung ibang fiscal and he would not even touch the case with a ten-foot pole.
Ako ‘yung napili. Tinawagan nila ako ng alas-kwatro, sabi nila na “may pari dito.” Sabi ko, “patayin na ninyo ‘yan, inaantok ako.” (laughter)
Tapos, sinabi ko, “sino ‘yang pari na ‘yan?” Sabi nila, “taga-Bohol, isa ‘yung Waray, taga-Leyte.” Eh ang nanay ng tatay ko, taga-Bohol. Sabi ko, “baka pinsan ko ‘to. Huwag na lang, pupunta na ako diyan.”
So we conducted the investigation and Father Evasco was in prison for almost— ilan taon ka? Three years. Sa barracks, doon sila, binigyan sila ng magandang kubo, dalawa silang pari, and I was prosecuting them in court.
Unfortunately, or fortunately though, Cory won the revolution. So, I don’t know kung ilan ang na-preso doon. Liza, magsabi ka nang totoo. Nakulong ka? O nahuli ka?
Alam mo, puro komunista itong kaharap ninyo ha? (laughter) Pati ‘yung nagsasalita. (laughter) Totoo. I’m a Leftist, actually. I’m not a member of the Communist Party of the Philippines but I am more of the social— Alam mo ‘yung, puro lang kami mahirap eh.
We were the migrants of Mindanao. It was a hard life. So, lumaki ako ng— In 1954, just at the back of Ateneo de Davao University, in front of—‘yung Marco Polo Hotel, eh puro cogon iyan, ‘yung—hindi kugon, kumpay, tawag sa Bisaya. Iyong pagkain ng horse, ‘yung malalaki ‘yung stem na medyo malambot.
May bahay kami doon, pagdating namin sa Davao. And would you believe it, we also suffered a demolition. Gusto kong i-kwento sa inyo para magkaintindihan tayo, pareho lang tayo dito. Iyang mga pa-Ingles-Ingles, wala na ‘yan. (laughter)
Sabihin ko na sa inyo ang totoo, marunong ako magbasa pero wala man ito. But in Davao, kami ‘yung siyudad with the largest acquisition of relocation. Until now. At kung housing-housing lang, I think Inday, my daughter, who’s the Mayor now would also… yung kanya bahay. And papatulong siya ng grant kung saan.
Anyway, ang policy ko noon sa Davao, since we’re also once upon a time ousted from a land which is not ours, eh tubig ‘yun, sino namang maniwala na may titulo ‘yung yawa na ‘yun.
But you know, funny of all the funniest things, napaalis rin kami. So that is why, when I was mayor, it was almost my passion. Kaya doon sa Davao, we had this— and we are very consistent that I told the people, “there will be no relocation, no demolition.” (applause) ‘Pag walang mapalitan ang bahay, tao, there will be no demolition kasi hindi naman aso ‘yan.
So that was the— Sinabi ko ‘yung mga investors na pumupunta ng Davao and they happened to buy a land; tapos, may informal settlers, I would always ask them, “how much are you buying for the land?” Sabi, “28 million.” O sabi ko, “Sige, dagdagan mo na lang. Invest on something to avoid trouble, 28, gawain mong 38. Tapos ‘yang 10 million, ibigay mo sa mga tao kasi may lupa naman akong nabili at para may magamit sila para pambahay.”
That was the policy for the last 23 years when I was mayor. Eh itong si Jun, pati si Escalada. Alam nila ang trabaho nila. Pati si Roy Lopez, also sa housing. Nakulong rin ‘yan nang matagal kasi komunista. (laughter) Magkasama ‘yan sila. Totoo, tanungin mo. Maraming nasabit doon.
So kung ang hinahanap lang ninyo, ano ba ‘to? You know, you read speeches and then you— just run of the mill grid ‘yung sinasabi.
But kailangan ninyong maintindihan ‘yung mga tao. Sanay ito. Panahon pa ni Marcos ‘yang si Roy doon. Kaya lang, nakulong. Kaya iyan o. Huhulihin pa ‘yan siguro, may pulis. Ano bang kasalanan mo?
So itong mga tao na nagdala dito, alam nila ang trabaho nila. At alam nila ang puso nila. So when there was this revolution of Corazon Aquino and she won, she ordered the release of all political prisoners.
So na-released ‘yan sila Evasco and the rest. So ako ‘yung nasa korte, nagpo-prosecute sa kanila. Noong na-appointed ako, vice mayor, OIC; nagpuntahan ‘yan sila lahat. Ang asawa ni De Vera, ‘yung mga founding members ng Communist Party. Sila Kintanar, ‘yung namatay, ‘yung leader ng NPA, na-assassinate dito.
Iyan sila, ‘yung mga asawa nila, nagpuntahan sa opisina ko. Naghingi ng trabaho. Eh ‘yung mayor naman limitado, I could only appoint them technical assistant, casual, and—
Pero binigyan ko sila trabaho. Then, I became mayor tapos si Evasco was— Eh bright sa mobilization eh. Alam mo ‘yung pari, maraming hinahawakan, Knights of Columbus tapos ‘yung mga Legion of Mary. They are there. Tapos ‘yung nag-o-organize sa parish. Marunong magdala ng tao.
So he became my chief of staff for the longest time. And since I was mayor, I said for 22 years, there was a time that I was really pissed off with the corruption. Kagaya nito. Ito, ito, itong NHA ninyo.
So ginawa ko siyang city engineer. Pari ‘yan. Hindi naman nagmimisa doon. Basta sabi ko, city engineer ka just to stop the corruption in various—
Noong na-presidente ako, bitbit ko siya. Ngayon, ang ex-convict, secretary na. Ayaw mo pa yan? (laughter/applause)
So ang ibig kong sabihin, alam nila ang trabaho nila. Although, in so many words, they say, they describe what they do, but ako na ‘yung mag-transmit ng— the inner message of this administration.
We do not pretend to know everything, wala namang masyadong pera, but you can rest assured, ako ‘yung mayor ng tao talaga.
Hindi ako ‘yung— I am not the mayor of— I don’t want to— worker of government lang ako. I do not want to address myself as any other title. Kita mo, pag-introduce: “Mayor Rodrigo Duterte.” Dinadagdagan lang nila ng “Presidente.” But I’d prefer to be addressed as “Mayor” because nasanay na ako for 23 years. And besides, hindi ko masyado type ‘yang “Presidente- Presidente.”
“Mayor” lang para pagka pumalpak, “Mayor lang kasi siya eh.” (laughter) “Hindi naman siya Presidente.” (applause)
The higher you address yourself, pagka pumalpak ka, malakas ang putok niyan. (laughter) I can always go to you and say, “Alam mo, pasensya na po kayo, Mayor lang talaga ako.”
Ang ugali ko talaga pati magsalita, even in any crowd, is just the mayor. I do not pretend to be with credentials. Wala ako niyan.
Wala ako kagaya ng mga Cabinet members ko. They are all halos valedictorians: Pernia; si Briones, the National Treasurer before; Evasco; si Defense Secretary ko, he was a valedictorian sa— sabi ni Quiboloy, doon sa Cotabato noon, he was the valedictorian sa klase niya sa PMA.
Sonny Dominguez, kababata ko ‘yan. Noong maliliit pa kami, hawak na niya ang maraming pera. Ngayon (expletive) matanda na kami, humahawak pa rin ng pera nang marami. (laughter) Finance Secretary eh.
Kami noon, banana chips lang; siya, ham and egg. Mayaman eh, so nakapag-aral sila ng— Eh ako naman hanggang 75 lang talaga. Iyan lang ang kaya ko, ang maestra ko, nanay lang. Sabi niya, “Rodrigo, hindi na ba ito talaga aakyat, maski 80?” (laughter)
Sabi ko, “Ma, tama naman ‘yang 75 kasi mag-akyat man rin ako. Pareho lang, man.” (laughter) Inuuna ko— I used to— I’m an addict sa hunting kasi. Pag-uwi ko sa klase, kunin ko kaagad ‘yung 22 ng tatay ko, I go to—yung Davao noon, forest pa. ‘48, ‘49 it was really a forest.
But anyway, maliit pa rin ako but I grew up there. Iyong shrine na ‘yan, if you were in Davao, there was a place there I used to hunt monkeys. Yun ang trabaho ko. Ayaw ko masyado ‘yung mag-aral. Kaya, it took me seven years to finish high school.
Okay lang man, kasi sila, mga classmate ko, ‘yung mga abugado na. Ako, dahan-dahan lang, kasi okay lang man ‘yang ano. Sa College of Law, namatay ang tatay ko, so overtime ako.
Doon na ako nakatikim ng mga paminsan-minsan lang naman, mga 90. Pero sa awa ng Diyos, alam mo, sa totoo lang, yung Vit Aguirre na ‘yan was our— Tugade was our class valedictorian. Vit Aguirre was— cum laude ‘yan. Ako, wala, 78 lang eh.
Okay lang pero trabahante ko ‘yan sila lahat. (laughter/applause) Kaya mga komunista pati ‘yung mga bright na right, trabahante ko lang, inuutusan ko lang sila na, “Sige gawain niyo ito.” (laughter)
But you know when— I’m trying to be serious now.
December, nagpunta ako sa Tacloban. Tinanong ko si—sila, but I had an earlier information that the relocation was so ever slow na hindi kaagad ako umakyat sa stage. Dinala ko sila sa truck.
Sabi ko sa kanila, “Ano ba ‘to?” Eh kami na ang nandito ngayon so, who else ang mabulyawan ko?
Sabi niya, ganito ang sitwasyon: Corruption: ito, number one halos ito, grabe ang corruption dito. Kung walang corruption dito, mas marami, hindi naman lahat Pilipino pero mas maraming nagawa ang gobyerno para sa inyo.
So ito talaga ang inuna ko, ito ‘yun sila ang housing ng Davao City at si Jun, nilagay. Sabi ko, “Jun, ilagay kita diyan. Kindly. Walang corruption ha?”
Although, I know him to be not corrupt but I reminded him again. Sila, si Escalada.
Magkaibigan tayo, I want you to coast along with me for five more plus, plus months at sabi ko, avoid corruption sa lahat ng—pati ‘yung Gabinete na. Magkaibigan tayo pero when it comes to the welfare of my nation, wala talagang areglo ‘yan.
So I invited sila Liza because hindi naman talaga ako ‘yung— hindi ako graduate ng Wharton. Watson, pumupunta ako kung mag-grocery kami ng asawa ko. Ano lang ako, ordinaryo lang ako na tao, so ang paningin ko talaga, ordinaryo lang.
So I learned that there were only about 28 relocatees who were placed doon sa ano. Kaya sabi ko, this December, late January, last week of November rather, sabi ko, “I’ll be back, December. ‘Pag wala pa ‘yang mga tao, naglipat diyan, maghanap kayo ng ibang trabaho.” Pati sila.
So there I learned, hindi naman talaga sila, kasi nagtatrabaho talaga itong mga ‘to, na ‘yung conversion sa DENR, it takes forever; tapos, maghingi pa, sinong hingian ng mga (expletive)? Na wala naman, puro government to government ‘to.
So, alam mo, sabi ko, dapat ikaw, ‘pag DENR ka, ‘pag tinawag ka ng Housing that there is a problem there, ‘yung director mismo must husband the papers. Siya ‘yung mag-alalay. And because of this, and even sa NEDA, takes forever, two years, one year. Malaman mo ‘yung panahon na dumaan. Kita naman ninyo.
Dito ngayon, each department is only given one month to process all papers on your table. (applause) Ang mga director and I’m warning you, you only have 15 days.
‘Pag may dumating na papel diyan, ikaw mismo ang magpatakbo ng papel. Huwag mong ibigay sa assistant mo, kasi ‘pag nagka-leche-leche ‘yan, ikaw ang tatamaan ko. (applause)
So ikaw mismo must be conscious, may ledger diyan, noong pumasok ang papel at kailan lalabas ‘yan.
Ang sa local government, I have ordered them to obey, ‘yung mga permit, kailangan three days. Sa Davao, three days lang eh.
Itong mga electrical, tinanggal ko na ‘yan sa bumbero. Kasi ‘pag madaan ka diyan sa bumbero sa housing permit, bago magpirma ‘yang buang na ‘yan, pabilhan ka ng fire extinguisher. (laughter) Sabi ko, kakainin ninyo ‘yan.
At huwag kayong magkumpiyansa sa akin, sinabi ko, “I am not the man that was crafted for a presidency. I was just crafted by God to be just what I am.”
But if I want na mag-binastos ako in front of people, whatever the crowd, ‘pag gusto kong murahin presidente ka ng ano, (expletive) ka, ke itim-itim mo, yab—ang pangit mo. O ‘di ngayon, sabi ko, para kaming patay-gutom dito, every time you talked about—do not do that to me. Huwag mo akong ganunin.
Dito naman sa mga pulis na gusto kong i-machine gun kahapon sa Pasig. Gusto kong palinisin sa Pasig, kasi every time I cross, medyo mahina ‘yung tugboat ko. Eh may butas pa, maraming water lily. Sa tingin ko, ipalinis ko sana sa kanila. Eh malinis, sabi ko, “Sige diyan kayo. Huwag kayong mag-ibang posisyon. (expletive), paglabas ko, sipain ko kayong lahat.”
You know, sabi ko eh, magkaibigan tayo. Alam mo sa mga—kung pagmahal ang— mga pulis sa Davao, walang problema. Sagot ko iyan kung mag-ano. Kaya sabi ko sa kanila, huwag na kayong maghingi-hingi. Kung may maitulong ako, sabihin mo.
Iyong isa, cancer ‘yung asawa or may namatay. Ganoon ba? Maghanap ako ng paraan. Gastos ng gobyerno. Eh ‘yon naman talagang dapat naman, tulungan natin iyang mga sundalo pati pulis.
Pero ‘pag pumasok kayo diyan sa (expletive) droga-droga pati ganyan, papatayin ko talaga kayo. Maniwala kayo. Hindi na bale, nakikinig ang buong bayan. (expletive), huwag ninyo akong— talagang yayariin ko kayo. Mauna kayo.
Baka akala ninyo na marami ng namatay ring pulis ha? Pero iyang extra judicial killing, extra judicial killing? Namatayan na nga ako ng 32 sundalo. Pati 27 na pulis. Extra judicial killing? Alam mo ‘yang mga (expletive) na iyan, binibigyan namin ng pera. That’s why, the PNP, sabihin ko sa iyo, they have 150 million intelligence fund. Ibinigay ko sa kanila iyan.
Kasi ang pulis, ‘pag inutusan mo sa illegal drugs campaign, they must have money in their hands because they have to buy shabu. ‘Pag walang pera iyan, walang trafficking. If there is no buy, there is no selling, then it is not trafficking of drugs. Could only be possession of a chemical that is prohibited by law. So ang penalty niyan is they can go to prison but they can post a bail and go out.
Kailangan talaga, hawak-hawak ng pulis ‘yung pera para i-offer niya na magbili siya. At ‘pag binayaran ‘yon, tapos nagbigay ‘yung shabu, that is the time, tawag na “buy bust operation”.
May mga pulis na hindi na ginastos ‘yung pera, kaharap niya ‘yung drug pusher, barilin niya, kunin niya ‘yung pera, pati ‘yung shabu, iiwanan diyan; tapos, aalis.
Sabi ko sa kanila, “Kayo ang isusunod ko.” Hayaan ko muna ‘yang ibang—. Kayong mga (expletive) ninyo, huwag mo ako ninyong—
Sabi ko sa inyo, I’m a mayor. Hindi ako Presi— Hindi ako kagaya ng ibang mga Maynila, naging Presidente na pitsugin ha? (expletive) ninyo, Mindanao ‘to.
Huwag ninyong— Do not (expletive) with me. Eh huwag, mahirap iyang style ninyo dito. Huwag ninyong gawain sa amin iyan. Pangkaraniwan lang ‘yang patayan sa amin.
Huwag ninyo akong, (expletive), talagang hihiritan ko kayo. That’s the reason why there was a failure. But they will continue. For as long as there is a drug pusher, for as long there is a drug lord, maski may isang tonelada na isang barko na shabu, kung hindi naman iyan mababa at hindi naipagbili na sa mga tao, sa mga bata, walang delikado yan.
Shabu kung nandiyan lang, huwag mo lang galawin, wala iyan. Pero once you start to sell it to the people, especially to the young ones, it becomes a huge problem.
There is about 4 million addicts now. What am I supposed to do with them? Four million addicts. You know what? You have reduced the human being into slaves. Mabuti pa ‘yung slaves sa Africa, bilihin mo, mapapatrabaho mo pa. (expletive) ito, they become slaves to a chemical, and he is supporting your billions in your pocket. Kaya sabihin mo, papalusutin kita? (expletive)
Mabuti, makinig na kayong lahat. Wala akong pakialam. Alam mo, slaves na iyan. And about certain period of use of drugs, sira na iyan. Kaya, may kilala kayo, nagsasalita, wala na. Nandiyan lang, payat na.
So, sa Davao I was very strict. But I did not know. They were already criticizing me pati ‘yung Amerika about killings of people. But when I became President, I did not realize that it was so widespread that everyday, makita ninyo sa TV, people by the hundreds of thousands surrendering.
Nabigla tayong lahat. At sinasabi nila, “Bakit si Duterte, bakit niya ipinapatay ‘yan? Hindi na lang niya i-rehab.” Estupido kayo. I became President midstream. ‘Pagpasok ko, wala ng pera. Eh ‘yung election, bottoms up sila eh. So I was only operating on a Maintenance and Operation. I did not have the money to buy or what.
Ngayon, may pera na ako. Bagong budget na eh. Kaya noon, hirap ako. Hindi ko— Itong mga countries like ‘tong America, instead of helping us, criticizing tuloy. Para sa akin, (expletive) You grieved for a life of a mayor, na sabi ninyo sinalvage doon sa presohan. Iyan, you grieve for that? An arrayed against their horizon or the four million Filipinos who are miserable and who cannot be a normal person forever.
Huwag ninyong— Sabi ko, ‘pag ganito, if it is really my country, the interest of my country at stake, sinabi ko sa Davao noon, look at Davao, pumunta kayo ng Davao. Nakapunta naman kayo ng Davao. Makapasyal kayo, malinis, walang pulis, humihingi; walang holdupper. Patay lahat. O ‘di mas mabuti. Ano bang problema niyang— Human rights?
Uunahin ko muna ng human rights ‘yang four million? Sabi ng America, 3,000, and so? Maraming namatay diyan dahil intriga. Yung mga pulis, sabihin niya, hulihin nila. “O raid kami.” “Pinait ko na ‘yung ano mo.”
O pagkatapos niyan ‘yung mga tao niyan, karibal, magpatayan sila. Yun ‘yung una. Meron talagang namatay ‘yung sa engkwentro. Pero ‘yung nakatali na ganun, wala akong—gago ka kung pulis ka, barilin kita kung ganun.
You shoot a person on bended knees, nakataas ‘yung kamay, tapos patayin mo. (expletive) ka ba? That’s the most stupid. Para kang hindi lalaki niyan.
Kaya kayo, huwag kayong masyadong mag— yung mga media-media, huwag maniwala diyan. Sabi nga ni Trump eh, “dishonest”.
Kita naman niyo ‘yung election. Tingnan mo anong binuhos ng mga TV, ABS-CBN, naniwala sila sa basura, 211 million. Kaya ‘nung nanalo ako, sinabi ko sa AMLC, (expletive) kayo. Sinibak— sisibakin ko kayong lahat. Eh hindi ko kayo appointee, pero pa-file-an ko kayo ng kaso. Bakit hindi ninyo sinabi ang totoo sa tao?
I only had five million, sobra ko ‘yun ‘nung congressman ako ng magbiyahe kami, bibigyan kami. So dineposito ko doon sa bangkong pinakalamalapit, saka nakatira ako San Juan eh.
Tapos, kung anong ginawang basura ng— Hindi lang man nila— Parang talagang sinasadya, pati ngayon, iniiba talaga nila ang— Tingnan mo ngayon, makinig kayo, ‘di ba ganun ‘yan. Kaya sinasabi ‘yung totoo. Kaya ako nagsawa—gusto ninyo, prangka-prangka?
Hala, ito, ito ang nangyari, ito ang gusto ko. O sige, anong gawain ninyo? Leksiyon ‘yan sa mga— They tend really to—
Biro mo, galing akong Laos, it was a long haul. Pagdating ko doon sa press con, ang itinanong sa akin na stupid na media, “na ikaw ba ay may ano na, desisyon na hindi ka magmura?” (expletive), kabiyahe-biyahe ko, ‘yun ang tanungin mo sa akin? Hindi ka magtanong anong nangyari sa Laos, anong development.
Ayaw kong mag-travel sa totoo lang, but I had to go to around because we are hosting the ASEAN Summit this year. And I have to go around and collect the data, kung ano ang gusto nilang pag-usapan namin.
Eh talagang scripted ‘yan, eh for the first time, mag-meet kayo; tapos, mag-debate pa kayo, walang mangyari.
So it was because, ako ‘yung host country, I had to go around. Sabihin nila, namamasyal, eh (expletive) ninyo. Sabi ko, I hate travel, matanda na ako eh. I hate to travel, totoo lang. Kalokohan.
Ang isa pa itong Tatad na halimaw, ‘yung nag-announce ng 1081, di ba? “I declared martial law.” Ngayon, he is trying regain respectability before the eyes of the nation.
Sabi niya, may cancer daw ako. Doon sa mga negosyante sa PCI eh. May nagtanong mga negosyante, “May cancer ka?” Sabi ko, “Sa awa ng Diyos, wala naman.”
“Ano yung sabi ni Tatad?” Sabi ko, “yang si Tatad, mauna pa ‘yang mamatay sa akin, tingnan mo.” (laughter) Oo totoo. Tingnan mo ‘yung mga ganun na tao.
Pumunta daw ako ng China, nagpagamot ako. Sa inis ko, sabi ko, “Oo, pumunta ako ng China, totoo ‘yan. Nagpa-ospital ako. Nagpatuli ako ulit. (laughter) Kasi ‘yung tuli ‘nung maliit, grade three lang ako, ganun lang man. (laughter) Pinalinis ko para round talaga. (laughter) (expletive) Tatad ka, baka ikaw ‘yung supot. (laughter)
‘Pag ginanun mo ako, maski anong crowd, babastusin talaga kita. I do not get—Eh ano, kung hindi ninyo nagustuhan. Sabi ko, oo ‘yan, patuli ako kasi ‘yung amin noon, palo lang eh. (laughter) ‘Pagkabuka wala na, maraming—carcass. O ‘di ipinalinis ko, ‘yung maganda. O at least ngayon, maski paminsan-minsan na lang, maganda na itsura (laughter). (expletive) Tatad na ‘yan.
I will leave by saying, you know, I made few promises. Noong una, sabi ko sa inyo, there will be no corruption in my government; at asahan ninyo, there will be none. Talagang wala. Tanungin na lang ninyo mga negosyante, nandito man sila ‘yung—nandito sila ngayon. Tanungin ninyo kung matagal na ‘yan silang pumasok ng Davao. Kung nanghingi ba ako maski piso.
Kaya sabi ko, gusto ninyo mahinto itong corruption ng gobyerno, all you have to do is to be assertive. ‘Pag may nag-hingi sa inyo, magkuha ka ng permit o dumating ka ng airport at binuksan ‘yung bag mo, ibinabawal ko na ‘yan ngayon.
Kasi nakikita ko, kaming mayor, congressman noon, galing kaming Hongkong, tagli-limang bagahe, eh dalawa, tatlong araw ka lang naman at saka sa bagay, bili ka ng mga damit doon, mura eh.
Tapos, hindi naman kami sinisita. Sinasaluduhan pa kami paglabas. Eh samantalang ‘yung mga OFW, dalawa, tatlo buksan pa ‘yung bag, kukunin pa ‘yung anong mga bagay-bagay.
Eh di sana, kinuha na lang ninyo ‘yung mga congressman, pati senador, pati ako. Bakit ninyo kunin ‘yung mga mahirap?
Kaya ipinagbawal ko ‘yan, OFW huwag ninyong pabuksan ‘yung bag ninyo. At ang hinihingi ko lang sa inyo, huwag naman kayong magdala ng kontrabando. Alam naman ninyo, drugs, huwag ‘yan. Pero kung binuksan ‘yan, may kinuha sa bag mo, sampalin mo. Oo, you create a scene, kasi ‘pag—mabalitaan ko ‘yan eh. Lalabas sa news nagkagulo kasi ganun.
Maski ‘yung Register of Deeds, ‘yan lisensiya. They are supposed to act on it 15 days. Lisensiya ngayon, mas—eh doon kay Tugade, sabi niya, one day. One day lang lahat. Bakit mo pahirapan ‘yung tao? Huwag kayong bumigay, magalit kayo, mag-aral kayong— matutong magalit. Assertive, huwag kayong matakot.
Iyang mga pulis na ‘yan, kagaya ko, trabahante lang kami ng gobyerno. We serve the people, period. (applause)
There will never be time, tawagin ko ‘yan sila o ako, opisyal. ‘Pag tinanong ako, I am just a worker, pareho kaming lahat. Iyan dapat ang tingin ninyo sa amin. Trabahante ninyo kami.
Kaya kung pabalik-balikin ka, tapos pera, either sipain mo o sampalin mo, ako ang bahala, ako ang mag-depensa sa iyo. (applause) Sinabi ni mayor, pag-ginanun mo sa akin, sampalin daw kita, eh ‘di sampalin mo. ‘Pag magdemanda eh ‘di barilin natin. (laughter)
Ganito ‘yan eh, he who is the cause of the cause is the cause of them all. Kayong mga taga-gobyerno, huwag kayong mag-umpisa mag-hingi, kasi ‘pag nagkagulo, tapos mag-away, abot agad doon, masampal kita, masipa kita, tapos idemanda mo ako, ay (expletive) ‘yan. Eh kung pupunta lang naman ako doon sa korte ng sampalan, eh ‘di gawin ko na lang murder, pareho rin eh, wala pang— walang pang testigos.
Sinong may sabi sa iyo may sinampal? O ngayon may witness diyan, hilingin ko sa iyo, huwag kang sumali kasi ‘pag hindi, pati ikaw, isali kita. (laughter) Eh inumpisahan mo eh. He who is the cause is the cause of them all.
Kaya tanggapin mo ‘yan kung anong aabot sa iyo dahil inumpisahan mo. Ngayon, kung nagsha-shabu ka diyan, mapatay ka ng pulis, eh alang-alang naman ipakulong ko ‘yung pulis. Eh kalokohan ‘yan.
So ‘yung mga pulis nasabit diyan na lumaban, kasi ako mayor, ilang beses na ‘yan, talagang lumalaban. Paranoid ‘yan eh. Eh ‘di magdala talaga ng kutsilyo ‘yan o baril, maniwala kayo. Minsan, magkomprontahan sila, mabaril. Sabihin kaagad na binaril ng pulis, walang laban. Maniwala ka diyan.
Kaya ako, basta tama lang. Okay lang. Wala kayong problema. Ngayon, nasa shabu kayo, nasa hold-up kayo, mag-kidnap kayo tapos pinatay. Eh, mga pulis na— wala na ‘yan. Kulong yan.
I will see to it na kulong, ‘pag hindi, mapahiya ang gobyerno ko, ah tatapusin kita. Tatapusin talaga kita. Wala akong magawa.
Kasi rather na mapahiya ako, mapahiya ako sa— I will, so ganun ang istorya diyan. So I leave you with—on that note. Itong ito, huwag kayong ma-ano diyan. Sanay na ‘yang mga ‘yan. Si Lopez o, since martial law ‘yan, nandoon na sa— sa housing ‘yan sila. Tapos nakulong; Evasco, nakulong. Ewan ko kay Escalada. Nakulong ka ba? (laughter)
Aktibista man rin ito, si Liza Maza, aktibista, ngayon secretary na. Secretary Liza Maza, Secretary Evasco, si Chairman, si Escalada. Ayusin ninyo.
Kaya ‘nung bumalik ako sa Leyte recently, about two weeks ago, nandoon na lahat 1,200. Ngayon, ‘yung conversion, it behooves upon the director of the DENR of that place to work on it and give the conversion on time.
Huwag kang maghintay, (applause) because you are only given 15 days and magtawag sa akin pahirapan. Then I will ask you, tawagan kita or puntahan kita. Either sipain kita in public or sampalin kita at i-assign kita doon sa— gaya ‘ng mga pulis.
Noong kahapon, i-retraining, ano mang i-retraining ko sa inyo? (expletive) Ilang taon kayo diyan naggastos ng gobyerno nag-training? Punta kayo doon sa Basilan. Doon kayo mag-training, kasi doon, actual ang training. (laughter)
Matuto talaga kayo either matuto kayong (expletive) mabuhay o mamatay. Iyan ang mangyari sa inyo. Ngayon, kung nagtatrabaho ka, protektado kita. Hindi ako papayag na ang pulis, makulong na nagtatrabaho. Iyan talaga ang— huwag ninyong asahan ‘yan.
I will not allow people in government who are working and true to their oath of office, ‘yan ‘pag inutusan ko, ako ‘yung nag-order ng— I declared war against the drug industry.
Hindi ko sinabi na operation, war. Kako sirain ninyo ang organization kasi ‘yung mga kapitalista, pati ‘yung nandito, sabihan ninyo ‘yung mga mahihirap, pinagpapatay, ay anak ng—Kung hindi maghinto ito dito, hindi naman magalaw ‘yung supply.
So ang organization: may financier, may drug; ang baba, ang taga-distribute; minsan, ‘yung iba, pulis; tapos doon, sa mga pusher.
So gusto ninyong mahinto ang patayan ng Pilipinas? Drop the shabu, bitawan ninyo ngayong gabi. Bukas, wala ng— malinis na.
Gusto ninyong rehab? Meron doon, mamili kayo, doon sa Laur because I ordered the military to open their camps. Ang military lang kasi ang malalaking reservation. Nandoon, 10,000 ‘yung, good for 10,000. Doon kayo sa tingin mo, wala ng pag- asa, may isang ano doon, poste na malaki na maraming tali. Mamili ka lang ‘yung fiber talaga o ‘yung nylon. (laughter) Ilagay mo lang diyan sa leeg mo, tapos tumalon ka, malalim ‘yon, doon.
Choice the— pati ‘yung mga— anong tawag niyan sa Tagalog ‘yang yawa na ‘yan? Lubid ba ‘yan? O iyan ang lubid. May color: green, blue, red. Mamili ka lang kung anong gusto mong—
Huwag na yang pari, kasi ang pari diyan, ‘pag nandiyan magbasbas, lalo kang magpunta ng impiyerno.
At saka ‘yung tubig diyan, kinuha lang ‘yan diyan sa faucet. (laughter) Maniwala kayo. Totoo. Kung saan man kinuha ‘yan. Holy water. Water, tapos diyan sakristan, ganun o, tapos, basbas. Ano? Kalokohan. (laughter)
Alam mo, may Diyos talaga. Diretso ka sa Diyos, diretso ka sa Diyos. Huwag kang dumaan ng— Noon, nagkumpisal pa kami, asus. Baho ng bunganga nitong (expletive) pari na ito. (laughter) Sintensiyahan ka na ng 20 Our Fathers, buga-bugahan ka pa nang mabaho na bunganga. (laughter)
Noong bata pa kami sa Ateneo, pati kami ‘yan ha, ‘yung sexual, oo, hinahawakan talaga kami. Oo. Tingnan ninyo diyan sa ano ninyo, diyan sa— hanapin ninyo sa Google.
Father Harry— Falvey. Iyon ‘yung pari diyan, makita ninyo na binayad ng archdiocese ng LA kasi maraming nagdemanda, sexual abuse. Kami lahat, “Bless me, father, for I have sinned.” Pero nandoon na ‘yung kamay niya.
Hindi mo malaman kung ‘yung kasalanan ba ‘yang magtayo, eh hinahawakan ka na eh. Ang bata, maski sinong humawak, wala ‘yan. Totoo ‘yan ha?
May libro ka, aide? Ito, basahin lang ninyo. Pag nabasa ninyo ito, tapos sabihin ninyo, nagkamali ako, binastos ko ‘yung simbahan, mag-resign ako, pres—maniwala ka, I’ll give you the word.
Ikaw, Presidente binastos mo ‘yung Katoliko. Ateneo ako, San Beda ako, nag-graduate sa College of Law. “Altar Secrets”, sikreto sa mga altar. Iyan pari, nakatalikod. “Sex, politics and money in the Philippine Catholic Church.” Patay na ‘to, si Aries Rufo. Ang foreword nito, si Marites Vitug. Dito sa opening remarks, dito pa lang sa beginning, (expletive) Bacani na ‘yan.
Online ‘to, “Altar of Secrets”, ang foreword si Marites Vitug man ‘to. Nandyan lahat. Ang— Itong pari, every Sunday, Saturday, may misa na. Araw-araw, may misa. Koleksiyon, aabot ng bilyon. Wala man lang maski, maski limang kwarto na rehab.
Alam mo, dapat ang pari sa totoo lang, libutin niya ‘yang archdiocese niya. Magtanong siya diyan sa mga tao, sino ‘yung tinamaan ng droga. Yun ang i-gather nila, gastusan nila, pakainin nila at gamutin nila.
I released P1 billion last December. Ang masakit sa akin, ano? Para pambili ng medisina for those community-based rehab, ‘yung sa barangay lang muna. Kasi nagtatayo pa ako ng mga rehab centers.
Ngayon, may pera na ako. One billion, another one billion para sa mga tao na Pilipino na may reseta na hindi mo mabili. Punta ka lang sa DSWD, bilhin ‘yang medisina mo. (applause) Kung may anak ka na kailangan ng tranquilizer, sedatives; one billion, two billion galing PAGCOR funds, binitawan ko.
Iyon baka sabihin ninyo na pinapatay na lang lahat. Eh magpa-rehab? Okay. And I will release another one billion kung naubos na. Pero wala na yan, one year na gamit ng ganun? Wala na. Beyond redemption na ‘yan.
Pero wala akong ano— Ang pari kasi, it’s alright to talk about taking the life of a— kasi ‘yung iba, sumobra eh. Pati ‘yung mga babae ko na. Eh huwag ‘yang ganun, ke lahat ng— ikaw pati ako, pahero man tayo ng sakit.
Iyong mga babae diyan sa kumbento ninyo, nandito man. Iyong mga legion of ano, bantay kayo diyan. Iyan ‘yung mga asawa, mag-sirbi ng simbahan o. Ipalayo mo ‘yan. Totoo. Magsabi, may ano diyan sa simbahan na, pastoral, bantay ka diyan kasi—
Basahin muna ninyo ito. Iyon na lang ano, ito nandiyan. Panahon ni Gloria Arroyo, naghingi sila ng Pajero, Montero, lahat itong mga (expletive) obispo na ito. You know, there is a constitutional provision, separation of church and state. No money can be spent for a particular religion. Bawal talaga ‘yan. Naghingi, kasi binigyan sila. That is graft and corruption.
Hindi pa nag— Pwede mo pang i-demanda ‘yan sila. Lahat ‘yang mga obispo. Kaya kayo, Pilipino, nakikinig man kayo sa akin, kung gusto ninyong sumunod doon sa pari, mga obispo, basahin muna ninyo ‘to.
At kung ako, nagkamali, sabihin ninyo, magre-resign ako, so pagka ano ako ngayon. Isang salita lang ako. Ikaw, tanungin niyo ako. Ikaw ba, mayor, are you inordinately or excessively proud of being President?
Sagutin ko kayo buong Pilipinas: I do not need the position at this time of my life. Tapos na ako sa mga ganun. 23 years ako mayor, lahat ng tao magpunta, magpalakpak, tapos na, sawa na ako diyan. I don’t need it. I really do not need it. I do not need the honor. Napapagod na ako.
Galing lang ako sa Customs kasi problema rin ‘yung Customs, puro— kaya magpatino tayong lahat. Magsakripisyo. Ako magsakripisyo, kayo magsakripisyo. We just live with them.
It is when you crave for things. Gusto ninyo kotse, gusto ninyongbahay. Kaya ang mga pulis, marami kayo diyan. Ilan kayo? Ilan kayong may tig-dalawang asawa? Huu-u, bolahin mninyo, maniwala kayo, alam ko. Kasi ako, dalawa rin ang asawa ko. (laughter) Pare-pareho lang tayo.
Ito mga pari na ito. Iyan ‘yang kalokohan nila. Buti’t na lang, may isang Pilipino. Online. Iiwan ko na lang ito kung sinong may gusto. Tingnan mo pagka— Bukas, magkikita na tayo doon sa mga Born Against, hindi Born Again, Born Against. (laughter)
Di ako nagsisimba, pero ako, I have this deep and abiding faith in God. Ako, ni isang barangay captain dito sa Maynila; ni sa Tondo, wala ako. Wala akong congressman, kaya sinabi ko, pag-ano ko, kayong lahat, nagkampanya laban sa akin. But I won. Why? Dito tayo magkatalo. Destiny.
Wala akong pera. Wala akong— Hindi ninyo ako kilala. Destiny. Why? God.
Sabi ko, sa Diyos, “God what does this mean?” Ang alam ko, pang-gobyerno lang. Piskal ako noon, tapos naging vice mayor, mayor. Congressman ako, once upon a time. Sabi siguro ng Diyos eh, gawain mo lang ‘yan, anong dapat ibigay mo sa taong serbisyo. Yun lang. So ginagawa ko ngayon, ‘yung ginawa ko sa Davao.
Sa Davao, Davao, you would believe it. Davao has hit a growth, economic growth of nine percent. The highest in the country for the first time, 7, 6, 5, 4 lang ‘yan. Why? Nandon lahat sa Davao. Ang RH Builders, they’re building now a reclaiming an area.
Ni hindi nga nila ako mayaya maski kape. Iyan ‘yang mga developers na ‘yan dito, ni kape hindi nila ako mayaya, kasi ayaw kong ano ito.
Sabihin mo, actor ako, hindi. Marami rin akong—I have my faults in life. Plenty but money was never a part of it. Babae, eh kasi naman ‘yang mga girls eh. Sila naman ‘yung may gusto, (laughter) Ngayong matanda na, wala na ako. No more. (laughter) 72 years— Tatay, anong edad ninyo? Sabihin nito, “May sakit ka ba, Mayor?” Sabi ko, “Ilang taon ang tatay mo?” “65, 68”. “Hmm, kung ano ‘yung medisina niya, ‘yon ang medisina ko. Walang pagkaiba.”
Pero ‘yung sabihin mong cancer, itong si Tatad, nagda-drama. Kaya napilitan tuloy ako mag-admit na napa-repair ko ‘yung— (laughter)
Galit na galit ‘yung nanay ko. Kita niya ‘yung dugo ko doon paggising ko sa umaga. Sumigaw, “Ha, anong nangyari sa’yo?”
Sabi ko, “Sumama ako doon sa pila, ma.” ‘Pag ganun niya, “Pak!” Tapos, magkain ka ng bayabas, di ba? (laughter) Totoo, tatanungin ka nila. “Di ako dumaan ng doktor?” Napasali nga ako doon sa nagpila. “Sige, sige, kain ka. Ikaw, patuli ka, o sige, sige kain muna.” Guava ‘di ba? ‘Pag “pak!” Lagay kaagad doon; tapos, balutin. (expletive) kinaumagahan, nakita ng nanay ko ‘yun, nagwala. “Anak, saan ka nagpu—?” Sabi ko, “Doon, sumama ako, kasi kailangan daw, kailangan pagka lalaki ka, pila ka doon, para maging lalaki ka.”
Pero sa totoo lang, kung pabalikin, bahala na mabakla ako. (laughter) Okay lang, sakit ng (expletive). Hay buhay.
Maraming salamat po. (applause)
Iyong— ah okay. I’m sorry. Yung ano ba, housing ninyo, after a few years, you have to pay 200,000; yung Pablo pati ‘yung Yolanda. Basta ako pa ang Presidente, libre na ‘yan, no more. (applause)
Eh ‘di sa totoo lang, magbayad rin kayo? Eh libre na lang ‘yan kasi wala naman talagang magbayad. Pilipino? (applause) Eh pagdating ng kolektor, sabihin mo, “Sabi ni Dute—Kubrahin mo doon kay Duterte kung saan siya ngayon.” Libre na para walang ano. Okay. (applause)
I would like to— Magdi-dispensa po ako, may dalawa pa ako, actually. Galing akong— May dalawa pa akong pupuntahan.
So kung wala na akong ano sa inyo, aalis na po ako.
Ah photo opportunity. ●