Duterte Times

Philippine alternative social news website

Licensed under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License (CC BY-SA).
You are free to copy, reproduce, distribute, display, and make adaptations but you must provide proper attribution. Visit https://creativecommons.org/ or send an email to info@creativecommons.org for more information about the License.

Transcript of Speech to Army 9th Infantry Spear Troopers

Date: Thu 22 September 2016

SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING HIS TALK TO THE SPEAR TROOPERS
OF THE PHILIPPINE ARMY’S 9th INFANTRY DIVISION (9ID)
Camp Elias Angeles, Pili, Camarines Sur
September 21, 2016

  Magandang hapon po.

Sorry, I wanted to be early to talk to you but I had so many things to discuss with your officers.

Secretary Delfin Lorenzana; Undersecretary Tabaquero; Lieutenant General Miranda; Lieutenant General Año; Lieutenant General Quidilla; Major General Orense; the officials, men and women of the Armed Forces of the Philippines; my beloved countrymen.

Ang pinag-usapan namin na una is the drug problem. When I was a mayor of Davao may problema ako, a bit—matindi, but it became peaceful because I was a hardliner. Noon sa Davao na mayor ako, I was beset with so many fronts—Komunista, hold-uppers, criminals and all of the guys and the droga. But I talk a hard line—

Could you give the Tikas pahinga for the troops, sir.

Sabi ko sa mga kriminal, hindi naman ito pagyayabang, kasi totoo naman. Sabi ko, “Umalis kayo dito, kung hindi papatayin ko kayo.” And I succeeded a little bit, okay ang Davao, one of the most peaceful. Ang problema noong—I was promising the people where I was campaigning for the presidency. Sabi ko, iyong una nating problema is drugs. I thought na hanggang diyan lang, kalabas-labasan nito, noong piniga ko na nang piniga, noong presidente na ako, talagang piniga ko lahat na magtrabaho at magbigay ng resulta sa trabaho, di nalaman ko na ngayon to my horror, hindi ko alam ganun kalala.   Ang sabi ni General Santiago noon sa PDEA, when he was the incumbent, na there would be something like 3 million, iyong mga iba nagsabi, masyadong marami iyan. I mean the numbers are just one too many, ika nga.

Ngayong presidente na ako, I realized that hindi lang talaga nagsasabi ng totoo si General Santiago, the hundreds of thousands, iyong 700, nag-ano, nag-surrender, pare-pareho na ngayon sa Indonesia. When I was in Indonesia during the summit, nag-usap kami ni Widodo, hardliner rin. Sabi niya na he has 4 million contaminated citizens. It appears now that we are nearing that number, hindi ko talaga akalain, kaya ako, sabi ko, “3 to 6 months.”   I thought nung pagka-raid noon ng mga bangketa diyan, I did not realize na tinamaan tayo ng lahat, pati lahat.

Now, what is very disturbing in this country now, among other headaches that you have to face and to fight and maybe to die: Ang droga. Kasi ang droga is within government na ang away na ngayon, okay?

I gave this to Secretary Lorenzana kasi noon, by region, tsaka may mga nasali dito na diskumpiyado ako kasi ang ginamit kong pag-assess eh fiscal, fiscal ako noon before I became a mayor. So, ang ginamit kong assessment, fiscal, kung ilagay ko ito sa Korte, mananalo ba ako? Iyong mga ganun na baka totoo, hinayaan ko lang muna. So, one of them is General Espino. Correct iyong matrix iyong last na pinalabas ko, si Dayan, tapos si Colangco, pati si Baraan sinasabi nila na mabait na tao, ayan lumalabas na ngayon. Ngayon: public officials, personnel, judges, NBI at ang police.

Paano ko makaya ito? Hindi ko naman ito madampot, at patayin ko. Wala iyan eh. Ayaw ko na naman mag-Martial Law. Ngayon ito, this will destroy your children o iyong mga apo ninyo and the next generation. Kaya tayo dito nagpapakamatay, hindi nga ninyo alam kung ang mga anak ninyo kung ano ang nangyari, ni hindi makalabas ng bahay kung gabi kasi saksakin. Hindi naman aano iyan kung anak ba nung sundalo iyan, anak ba nung presidente. They are not safe anymore.   Ngayon sabi nila, crime was reduced to the barest minimum, by almost 49 percent. Ngayon lang yan. At saka itong away na ito, barangay captain, may sariling—because a barangay captain is a person in authority, makadala ka talaga ng baril diyan. Then the mayors are persons in authority, makadala ng baril at may pulis. So maski tayo, maski ikaw general ka, magpasyal ka diyan, may nagkakalat diyan, kung wala ka namang specific objective, walang order, wala lahat, eh gaganun ka, hindi natin problema iyan.   But the problem is now all encompassing, and it is destroying our nation. Pati ako, hindi ko alam ano talagang gawin ko dito. Kasi kung ito ang shabu, kailangan hulihin mo ako, nakahawak nito, just like a gun. ‘Pag sinabi mo, “saan iyong baril mo, may dala ka bang baril?” “Yes sir, limang araw.” “Saan na?” “Tinapon ko, sir, sa dagat, papunta ako dito sa iyo mag-surrender.” Like sa shabu: “Yes, sir, nagpapabili ako noon por kilo, por sako pa eh.” “Saan na?” “Nabenta ko na, sir, lahat. User lang ako ngayon.” “O, saan iyong shabu?” “Eh wala, sir, wala na sa kamay ko.” It’s an instant crime, kagaya ng baril.   You cannot convict or prosecute or apprehend a person kung sinabi niya’y naggamit ako noon. “Noong isang taon, isang sako na ang naubos ko.” Ang masabi mo lang, “Are you ready for rehab?” “Ah ayaw ko, sir, hayaan mo akong maging gago.” Ganun ang situation natin. Kaya kung kaya ko lang hulihin ito isang araw, pati itong mga pulis i-dismiss ko, pupunta iyong due process, ganun. “Eh ikaw ba mayor, presidente, may nahuli ka?” “Wala, pero nag-push ito.” “Nahuli mo nag-push?” “Wala.” Sabi niya kahapon, noong isang araw siya. That is the technicality of the law that makes it hard for me to deal with the problem, and so lahat.   Ngayon, makinig kayo ha? Ngayon, wala na masyado sa labas. But if you want to buy shabu, kung magnegosyo ka, kailangan pupunta ka muna sa mga penal colonies, pati diyan sa Muntinlupa. Totoo iyan. Ako abogado, hindi ako nagsisinungaling. Ang aming assessment ngayon, kaya lalagyan ng jammer. Kita mo, maggastos pa tayo. Tanggalin ko muna iyong mga ano, lagyan ko ng SAF. Ngayon, maggagastos pa tayo ng mga jammer. Magdasal lang sila na hindi ako mabuang. Kasi pag ako ang nabuang, ako na magdala ng M16, yung may mga ano lang ako siguro, may dalawang bandolier, ubos lahat yan. Tapos ang problema natin. Itong mga putang-ina, ginawa talaga tayong loko-loko.   Well anyway I said, if that problem outlasts me for whatever reason, mamatay ako, matanggal o ano, sa buhay na ito. Sinabi ko sa inyo, isa sa mga opisyal, do not—do not abandon your job. Solbahin ninyo iyang problema na iyan, kasi sisirain ang Pilipinas diyan. Para tayong in-invade na pinakain mo na hanggang nakatulog na, nakalulong, yayariin tayo. Ang kaibigan natin, ang Chinese but there is about one page here, one page. One—judges, there are about 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8. Forty, distributed all around.   Dito naman: Fu Juju, Kan Fu Chung, Fu Chian Jiang, Wang Jan Bin, Wang Jan Pin, Ziang Xin Xu. Diana Lagman, Pampanga. Eh bigyan ko kayo ng kopya, kayong armed forces, pati iyong pulis, bigay ko sa kanilang hepe. Bahala na kayo. Bahala na kayo.   Ako, hindi ko talaga alam kung paano. Kaya ko pag medyo patagalin pa ako dito. Pero pag nawala ako bigla, eh kung nahulog yung eroplano, ang taas-taas na ng bukid na yan, dinaanan namin yan kanina, Mount Mayon. Diretso ako Davao eh, galing akong Davao. Bahala na kayo. Gamitin ninyong konsensya. Kung ayaw ninyo, okay rin. If you do not want to make a move, fine. It’s your country, it’s my country, pero we have a problem.   Second, yung tutal, wala pa namang encounter, I hope, I hope and pray that I’d be able to hack this thing. Now, kung sakali man successful, at least, mawala na isang problema.

But I assure you that there will be an inclusive government, as it is now. Marami na sila sa gobyerno ko. But there will be no coalition government. Isa lang talaga. Kaya makita mong walang Left na nailagay diyan sa POLCOM. Pagka military, pati police sabi ko, wala kayo. But most of them, nandiyan na, nilagay ko sa gobyerno: DSWD, sa DAR, oo inyo yan, sige. At kung mag-surrender kayo marami pa, mga board-board. Tutal mga pera-pera yan, eh hindi naman magnanakaw yan. Ang nasa ulo niyan, magsira ng gobyerno.   Learn to deal now, make most of this time, come up with the doctrines and everything how to deal with terrorism. Ang terrorism kasi isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Hindi pwede dito, ang raming islands eh. They would need so many men, they can’t generate that much. The most that they can have must be 200, 300. In Mindanao, maybe the fighting would be really intense. But in the end, kung ayaw nila makipag-usap, MI okay, MN okay, Nur okay. Ang Abu Sayyaf, ayaw ko makipag-usap sa kanila.   But there are men, yung mga scholars naririnig ko at para maintindihan ninyo ako, ang nanay ko, Maranao; ang lolo ko, Chinese. Yung anak kong si Paolo, iyung Vice Mayor, ang asawa niyan, Maranao-Tausug—Maranao, ang nanay, Tausug. So inutusan ko yung anak ko, magpili ka diyan ng mga scholars, iyung mga scholars ang problema, hindi naman naghawak ng—yung nagdadala ng—bakit? Noon, sinabi nila na, “Mayor,” pinapakita nila iyong Davao massacre, yung puno nung hinulog doon babae, lalaki, almost in one massacre by the American soldiers. Galing tayo sa Español, Amerikano, tapos binigay sa atin.   But for you to understand everything, noong si Magellan nag-landing sa Leyte, sabi niya, discover daw niya ang Pilipinas. Napaka-ulol ng buang. I-discover tayo na nandito naman tayo noon. Tapos, they subjugated us for 400 years. Tiniis ng mga lolo natin yun. Then the Spanish-American war, natalo ang Español. Ang inembargo ng Amerikano, the Marianas Island, Guam, papuntang Pilipinas. Iyang Corregidor na yan, nakuha nila yan eh. Before proceeding Manila, Guam—kaya sa Guam, Marianas Island, ang mga pangalan ng tao doon, pareho sa atin, mga Español. Español ang ating—yun yan.   So binigay iyan sa Amerikano. Ngayon iyong Amerikano—actually, iyang Mindanao was questionably because Mindanao, if you look at the archives, iyong library ng sa Malaysia pati Indonesia was part of the Sri Visayas Empire, the Malay race. Iyong mga Arab rin noon. So ganoon iyan. Kaya lang, napag-interesan talaga ng Amerikano nang husto because matagal sila dito, nakita nila, walang typhoon ang Mindanao and they can plant. But they could not get workers to work for them. So they came up with this sloganeering “Go to Mindanao because it is the Land of Promise.”   So marami tayo doon, pati tatay kong Bisaya, nagpunta doon, nakapag-asawa ng Mindanaoan. Iyon ang—but along the way, pagkuha nila, para ma-conquer nila, they bordered, they massacred. Kaya ako nagagalit kasi kung magsalita sila parang—sabi ko, hindi nga kami magkaroon ng kapayapaan dahil sa ginawa ninyo. Kaya sige, pinapakita ko yung mga picture noong ano. Sabi ng mga scholar, “Maybe mayor,” mayor ang tawag nila sa akin sa Mindanao eh. “Maybe Mayor, we will talk to you, paalisin mo muna iyong mga Amerikano.” Why? Sabi nila, “Because they feel that the Americans still control this country, and are fighting them through the soldiers of the Armed Forces of the Philippines.” Iyan ang nasa ulo nila.   Kung kaya sinabi ko, in one of a very simple statement, maybe when the time comes na pumayag itong makipag-usap, umalis muna iyong Amerikano, huwag kayong magpakita dito. Nagalit ang—ngayon pati EU pinapagalitan ako. Noong mayor ako, okay lang. Eh iba na itong presidente ako ngayon, kasi I represent a country. Ako na iyong Presidente ng Republika, bakit mo ako iinsultuhin? Bakit mo ako murahin, akala mo, under ninyo. Kaya talagang binu-bullshit ko sila lahat. Iyan ang istorya diyan.   So but terrorism will come, very sure ako. When? Well, I do not know. But it will come. So, learn to adjust. Kaya sabi ko, itong terrorism hindi na ito M16 eh, puro side arm lang ito kasi covert. All covert iyan, crime and detection. Kaya sabi ko lahat kayo, lahat, bibigyan ko kayo ng side arm: Glock 30. Alam mo ang Glock, bakit ang Glock, 30? It’s a 45, sino may sabi? Ten rounds, sabi ni General Año. Bilihan ko kayo lahat, lahat hanggang doon sa BuCor. Tag-isang—tapos ngayon wala pa namang giyera sa komunista, kayong nasa likod, mag-happy-happy kayo diyan sa bayan, dalhin ninyo yung Glock ninyo. Kasi Glock 30, bakit? Kasi DU30: Glock 30. (applause)   Hindi. Kasi ito, alam ko, bigyan ko kayo ng 9millimeter ayaw niyo eh. Eh handgunner ako, basta military, 45 talaga yan. Hindi iyan tumatanggap ng— Ngayon, sample lang ito. Pero I’m starting to purchase. Sabi ko nga, as fast as the manufacturer can produce, bilhan ko because ito ngayon, may binigay yan siya sa akin, marami ito. Ito iyong Glock 30 oh, maganda pala oh. Ngayon, may dala ako tatlo, sample pero ibigay ko na lang.

Sabi: “Congratulations, you have just won, you have been awarded with one unit, Glock 30 Caliber Automatic, Safe Action Pistol, Blue Finish. In grateful recognition, your invaluable service to the country. Trust Trade. Plus tag-apat na magazine para talagang mag-engkwentro sa terorista, barilan.   Ngayon, kung diyan sa bayan, wala kayong makitang mga terorista. Maghanap kayo ng pulis na nag-iinuman rin, iyon. Iyon naman ang sakit ninyo, kung wala ng ibang kalaban, pulis na ang makipagbarilan. Binabasa ko sa newspaper, putang-ina talaga ‘tong mga yawa na ‘to, pag wala nang kalaban, sila-sila na.

So, ibigay ko muna ito dito sa mga opisyal dito sa kampo, itong dalawa. Raffled ito, raffled, pero kayong nanalo na, pagdating ng stock, huwag na niyong kukunin, ibigay na niyo sa iba, nauna na nga kayo eh, inyo na ‘to ha? Itong binibigay ko sa kanya hindi ito propedad ng gobyerno, bigay ko sa inyo yan, inyo na yan. Tapos itong isa, para sa tropa kung sino lang maka-tsamba sa inyo. So may dalawa, tatlong Glock akong naiwan, okay iyan. Then you learn how a terrorist acts, how he moves how he—bihis.

Alam mo iyan, naka-shades naka-ganun. Iyong naka-ano sa Davao, hindi niya tinanggal iyong helmet niya, hindi niya tinanggal yung mask niya, yung sa motor, so hindi mo talaga makita. Pero in one fleeting moment, nagkamali siya. So may nakakita. They are now being distributed all over the country. Hindi niya tinanggal eh, binuksan lang niya iyong ano, ganun-ganun. Tapos, hindi niya tinanggal iyong mask sa motor, iyong tela, kaya nahirapan tayo. But in the fullness of God’s time, maybe, yan ang pag-aralan ninyo. Kung may time, training kayo muna, bakasyon man, walang NPA. Train about terrorism. And I would suggest na—to Secretary Lorenzana to do it as fast as you can, and iyong mga—you will have all the equipments that you will need.   I have improved your hospital. I have ordered the conversion of the presidential—yung eroplano na ginagamit ng Presidente, gawaing air ambulance sa Armed Forces, kung saan iyong bakbakan, nearest airport maka-landing iyan, doon iyan. Ibigay ko na lang iyan para sa Medical Corps. Marami tayong kaunting changes but only to make it, to prepare you for all of these things. Otherwise lahat, lahat ng—including iyong vests ninyo,

I have ordered also Secretary Lorenzana to purchase it immediately, walang bidding-bidding, sabi ko. Bilhan na kaagad para may protection. At least your chances of survival, malaki. And all, as I said, all that you need will be given to you, just give me a good and safe Republic, yan lang. Mababa lang ang expectations ng sibilyan na Pilipino. Hindi na ako magtagal kasi I have to take off at 5, sunset time is sunset. Hindi naman iyan night rated itong ano niyo, airport ninyo. ●


  •  9th infantry
  •  spear troopers
  •  afp
  •  army
  •  speech
  •  transcript

Recent Events