Duterte Times

Philippine alternative social news website

Licensed under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License (CC BY-SA).
You are free to copy, reproduce, distribute, display, and make adaptations but you must provide proper attribution. Visit https://creativecommons.org/ or send an email to info@creativecommons.org for more information about the License.

Tradional Dinner with AFP Council of Sergeants Major

Date: Wed 01 February 2017

video by RTVM 

The President delivered his message during the Tradional Dinner with AFP Council of Sergeants Major held at the Heroes Hall, Malacañan Palace on 31 January 2017.

Speech During the Traditional Dinner with Armed Forces of the Philippines Council of Sergeants Major
Heroes Hall, Malacañan Palace
31 January 2017

Kindly sit down. Salamat sa inyo.

Secretary Delfin Lorenzana, General Eduardo Año; other major service commands commanders; Armed Forces of the Philippines Council of Sergeants Major; mga kauban nako sa trabaho ug akong mga kaigsuunan.

You know, ‘yung… May prepared speech ako dito. Of course, it would list ‘yung mga increases ninyo. Pero ‘yon ang importante dito ‘yung iba. Jamming, jamming lang ‘to. [laughter] I mean, it does not come from the heart.

Gusto ko kasi commander-in-chief man kaya ako ninyo. What’s in the title? Actually, we come and go as politicians. But, seven years from now, hindi ako umabot ng panahon ko, two years from now there’s a new commander-in-chief.

Of course, it’s accorded to the elected leader. Kasi iyan ang demokrasya eh. We are in a democracy. So we elect the leader but sometimes…

Gusto kong makilala ninyo ako. Gusto ko kayong makilala na para not so much about the title. Commander-in-chief, mayamaya nag-coup d’état kayo, napatalsik na ako sa trabaho. [laughter]

But, before anything else, mabuti ‘yung magkausap tayo what I do. You know, hindi niyo kasi alam ang tatay ko sundalo.

You know, first thing that really just experience, although I was an officer it was that… Ang moral kasi ng sundalo starts not really in the camp.

If he’s married or if he’s single, ang moral ng bata nasa bahay mag-umpisa.

If he is not married, usually he takes care. Hindi naman mag-sundalo ‘yan kung milyonaryo. So he takes care of the family, sometimes including the siblings, mga kapatid niya.

So from there, he may encounter so many problems. Our job, your job, and my job is to see to it that doon mismo sa root ng roots niya, komportable siya.

That he enters into the service or reports for duty after a furlough for so many days, that he goes back to the camp na medyo matatag ang—

So it’s very important for you to communicate always na, “Ano ba ang problema mo bata?” Kasi minsan mababasa mo eh, by the behavior.

Sometimes, he’s in the camp, joker tapos suddenly he shuts up. And if you sense that something is wrong or something is affecting his personality, the moral, dapat mong malaman ‘yan. So, let him be open.

Iyong personal talaga, pati ‘yung sa pamilya, asawa niya. “Ano ba kamusta ‘yung ano? Wala ba kayong away?” Minsan… I’m not trying to offend you. Minsan nagdududa sa asawa ganon.

So that has to be fixed immediately. Kung sabihin ninyo may problema siya and he has to go back to sort out everything, kayo na ang bahala makiusap doon. “Sir, bigyan mo akong konting panahon…”

You might want also to know the real problem. Usually niyan ‘yung mag-asawa. If he goes home and magkaaway, there’s a bad mood there, so you have to know, ano ba ito pera? Minsan sa mga bata. College na. Tapos ganon lang ang sweldo, baka hindi mag-abot.

Ang masakit kasi niyan is dumaan rin ako ng hirap sa buhay. Iyong… The many things that our children, especially the daughters, tayong mga lalaki, they ask for things that we cannot afford and it’s very hard to say no. Masakit eh. Lalo na sa inyo ‘yung bata magturo ng laruan tapos mag-wild kasi gusto niyang makuha.

These are the things that you have to… Ang moral talaga doon sa bahay. Kailangan matatag. Unang-una, hindi talaga gutom. Iyon talaga ang una niyan. Hindi gutom. At kung ano mang mangyari, meron siyang makuha kung wala ka. If the family cannot communicate, then there’s enough to go around.

Ang gusto kong solbahin, itong mga ‘to. Kaya karamihan dito, kung asawa magkaroon ng cancer, usually cervix, sa dibdib, iyon ang karamihan sa kanila eh.

Hindi kaya ng sweldo ng sundalo ‘yun. Chemo? Hindi ko nga kaya eh. I mean, ‘yung asawa ko. Third stage cancer. Kilala ang asawa ko ni Delfin because he was the one who brought the Scout Ranger regiment sa Davao noon.

Iyong asawa ko ngayon, may cancer. Mabuti’t na lang may isang asawa pa ako. [laughter] Hiniwalayan ako eh. Ang nanay ni Inday. Kaya ‘yung ulo — ang init ni Inday sa ulo, binigwasan ‘yung sheriff, doon ibinuhos.

Makita doon sa… He must be comfortable. And he must have to access not only to his person but to his soul. Mabasa mo talaga ito. Ma-memorize mo. Ano ba talaga ang problema? Because kung itong mga ‘to, kung hindi naman kaagad maagapan, you can always call me.

You have a direct line. I’ll give you the number of… Idi-distribute ng staff ko. Iyong dalawang… In the right corner may tatlong pangalan diyan, ‘yung 1, 2, 3. Isang card ‘yan, ‘yung iba hayaan mo na ‘yan, dito lang sa left. Or you can call Bong.

Itong commanding officer ng CAFGU. O ‘yan, siya ‘yun. Pero ‘yung kakilala niyan, politiko ako, kilala niyan NPA. Kumpare ni [Ago?] ‘yan. [Agot?] si…Kumpare rin sila ng mga iyong nag-take oath ngayon na mga generals. Adopted pa, sa pulis, pati sa Class ‘84. But anyway, he is my conduit because he has been with me. Alamin mo ‘yung problema na maliliit. Kung walang — wala doon sa papel, sa inyo, eh ‘di tumawag kayo sa akin.

Not only ‘yung sundalo. Pati… Kung ‘yang gastusin ninyo hindi kaya, tawagan mo ako at pupuntahan ko, at ako ang pupunta o—

For example itong… Ito sa bagay, kung inaaway ka ng asawa mo kasi pareho ka rin sa akin, wala na akong magawa diyan. [laughter] Ni hindi ko nga naagapan ‘yung sarili ko, kayo pa. [laughter]

Pero kung mga ganon, let me just… I will send somebody there, a lady, babae, try sort out things. Ang una talaga is pagkain at pamilya niya.

Diyan ang moral talaga na maganda. So ‘yung kailangan niya na lalo na ‘yung may mga anak na bright tapos gusto mag-aral tapos ang masakit niyan mag-iyak kasi hindi maka — sabihin, “Nak, hindi man natin kaya ‘yan. Maghanap ka na muna ng trabaho.”

Iyong ‘pag ka ganon, tutal hindi naman buong Pilipinas, and she wants to pursue, kung ang anak mo talaga manghinayang ka rin. Iyong minsan, marinig mo sa Bisaya na, “Nak pasensya na, naata sa kapobrehon, naata sa kahirapan.” ‘Pag ka ganon, subukan mo ako, baka.

Iyong ospital, the last visit that I went to the AFP, I was really— halos mag-init pero nandiyan lang kasi ‘yung mga official, tahimik na lang ako.

So I gave you almost half a billion equipments. Lahat na, baric — wala pala kayong MR. So lahat binili ko na ano… Tapos ‘yung lumang building sayang naman na sabi ko I refurbish na lang, you just repair the drainage because its pouring out dirt back. Sabi ko you cannot afford to culture dito ng kagaw ‘yung germs.

I hope that was late last year magkasama kami ni… The only thing was that when I visited the place nakasama ko si Sir Diokno, Ben. Nagsi-sir ako niyan kasi ‘yung panahong ng mayor pa ako ‘yan man ang tumutulong namin dito panahon niya.

So nagsi-sir pa rin ako hanggang ngayon pero — but he was there, I was able to… Pagsabi ng doctor, sabi ko, “sige”, sige siya ganun. So nabigyan ko kayo ng building ewan ko kung na-ano na — naumpisahan na, but I want that machines delivered already.

And I even I offered you the — ‘yung presidential plane ko. Sabi ko nagko commercial lang ako ‘pag uwi kasi kung magpasundo ako ng presidential plane ang eroplano magastos pagpunta doon maglipad na humihigop na ‘yan ng gasolina pagbalik. Eh ayaw ko naman sabihin na ginagastos ko ‘yung pera ng gobyerno, but you can have it.

In case ‘yung mga airlift-airlift maski isang buhay lang gamitin ninyo. Madala lang dito lalo na kung talaga ang casualty medyo marami tapos they would need extra medical attention you can have it.

Sabi ko nga kay Delfin, “Gamitin na ninyo inyo na ‘yan. Hayaan na ninyo ako kaya kong mag…” Tutal ang Davao naman there are 34 flights a day kung gusto mo talaga araw — per ora merong umaalis eh tapos dumadating.

So anytime ka mag-uwi, alas dose ‘yan, there’s always a flight available. At saka safe ‘yan kasi dumadaan ng security eh walang problema sa akin.

Iyong eroplano ng — it’s at your disposal, para sa inyo ‘yan. Huwag na muna kami kasi kung ako mamatay ako, may vice president man, si Robredo.

Kagusto na lang niya na… Hindi naman siguro mag- crash ‘yung eroplano. [laughter] Pero wala naman tayong problema kami, we come and go, kaming mga pulitiko.

But you stay there. But during my time, ‘yung mga cancer mga manghinayang ka sa bata. Huwag mo naman ako bigyan ng palahubog maski palahubog tapos ipa-enrol mo. And then you waste your money, tapos nandiyan pala sa kanto sigeg inom.

Mahiya tayo kasi hindi natin pera ‘yan, pera ng tao pero kung talagang deserving ang bata ‘yung mga anak nila or just to continue to study let me know kasi matagal na kasi itong siguro nag-ipon ng pera but you know we are doing well.

In Asia we are the most, performer tayo, number one. We have edged out China by just about two or one point.

So okay na tayo kapag kumikita tayo hindi naman tayo naghanap ng kalaban eh ‘di pasok sila lahat.

I do not want to pledge loyalty to one country. I only have one country and my loyalty is to the Republic of the Philippines. Nothing else matters to me.

So we have this cooperation with China. Hayaan mo lang ako tutal economic naman ‘to. No military alliances whatsoever. Hindi naman ako g*** papasok ng ganon.

And I’m going to Russia. Russia is very helpful. Noong nalaman nila na gusto akong tumulong… But sinabi ni Secretary Lorenzana, there are a lot of — about four top officials… Bilib sila noong umakyat ako doon sa barko nila eh.

Eh ano? Pareho naman ang itsura niyan. Hindi naman ako niyaya ng Amerikano eh ‘di bahala kayo, dito na ako sa Russian.

Nobody invited me to but I know there are certain things na talagang hindi acceptable sa akin. Iyong sa Bisaya, ‘yung “kaya-kayahin ka lang”. Ang tawag doon sa Tagalog, “api- apihin ka.”

Kaya sabi ko, I will make friends with everybody. So I will go to Russia springtime. They are preparing for my visit. So… They are even coming. Nauna sila na ang — to prepare my visit there.

So baka one of you, Sergeant Major, hindi ko naman kayo masama lahat, bunot lang mga dalawa, isang babae isang lalaki [applause] part of the entourage. Pero huwag na kayong makialam doon. Wala naman makinig sa inyo. Eh di pasyal-pasyal na lang kayo doon.

Ako lang importante doon kasi — and si General Lorenzana because we are talking about some…Ako ‘yung mga precision-guided ano… Hindi ko kailangan ng anti-aircraft. Rebelde lang naman ‘to. But we are facing a very serious threat.

Remember that kung ISIS na change the whole… Huwag kayo mag-surrender diyan. Ireserba mo ‘yung last bullet mo para — kapag I-capture ka pahirapan ka, gawain kang boy tapos luluglugin.

Kung tayo na lang naiwan doon barilin mo ako tapos barilin kita para hindi magsakit na magbaril ng sarili mo.

You know the ISIS is an extremist and they have done so many horrible crimes against humanity. Mga babae doon kapag ayaw makipag-sex sa kanila sinusunog. P***** i**, pati mga bata itinatapon doon sa… Mga hayop ‘to, p***** i**. Huwag kayo mag-kumpiyansa diyan.

‘Pag dumating ‘yan sila, sabi ko limit — sabi ko ang guidance ko, limit the fighting diyan sa Marawi. Huwag ninyong palabasin sa Marawi kasi kung mag-widespread ‘yang — ang gamit nila putok-putok eh.

Alam mo ‘yung Moro ang lola ko pero hindi ko maintindihan ‘tong mga p***** i*** ‘to. My mother is half a Maranao, tatay ko Cebuano.

Just to kill, kill and kill and kill. Anong klase? Kaya kung kita, tayo? Kill, kill rin.

Mga pulis, sigeg laing kill, pangilkil. [laughter] Yawa, nabwisit ako. Wala silang power. So I… By the way, they have lost the power to import drug lords.

Maraming maimbentuhan talagang kalokohan nitong pulis. Iyong mga warrant ilisdan nilag pangalan, ibutang nilag pangalan at saka nila i-serve. G*** talaga.

Kaya may plano ako, sabi ko, “Bato, dako man kaayo ng Basilan, ibalhin na lang mo nako didto.” [laughter] Bahala na kayo diyan sa… Hindi ko na kailangan ng…Tutal may mga sundalo…

So the only guys there who can really enforce the drug laws now are si PDEA, who is headed by General Lapeña. He has my full trust and confidence.

Nagkasabay ba kayo Delfin? Nagsabay kayo noon ni Sid o hindi? Nagkasabay kayo? Siya ‘yung Metrodiscom? O chief of police? O ‘yung the regional? [Sec. Lorenzana replies: Sa regional na, sir.]

Sila ‘yung dalawa. Kasi sila ‘yung…Iyong iba naman sabi, “Duterte naman walang nalaman kung hindi taga-Davao.” Eh hindi ko naman kayo kilala eh. Buti sana kung magka-barkada rin tayo gaya nila. Eh sila ang kilala ko, sila ang kinuha ko.

So it’s only the Armed Forces selected few and the PDEA can operate now against drugs para walang — wala ng kalokohan.

So balik tayo dito sa moral. The only thing that is really worth talking is the moral of the soldiers.

Una niyan, pagkain. Meron ba ang pagkain ang anak mo pati ang ano? Kasi ‘pag wala maging gunggong ‘yan.

Ang problema may nagkasakit ba? Pera-pera lahat ‘yan pero may nagkasakit ba? Tapos ‘yung nanay. Iyong Pilipino kasi we take care really of our young – of our old and young people because we will be old someday. So ‘yang lola na kung anong… Iyon ang mga ano… Eskwelahan tapos ‘yung — ‘yung relasyon ng mag-asawa. Wala siyang marinig na masama sa asawa niya.

So, I think that is why, it’s your duty sergeant majors actually, to look into the person and into the soul sa tao.

And you have your resources ‘pag hindi ninyo kaya sa command ninyo, then you go to me and we will try to solve the problem. But what is important is that merong… Bong… Hay naman ning commander ng CAFGU? Wala man ako maibigay sa kanya na ranggo. Sabi ko, kumander ka na lang sa CAFGU.

Meron ba kayong bigas? Every month meron na? Just to make sure that… At saka sa…I can stay if you… Kasi uuwi ako sa Davao.

May flight ako na…Ilista na lang ninyo sa akin na ano ‘yung pinaka — ako immediate. Ang tingin ko diyan is medisina, eskwela ng bata. Kasi masakit sa tao na magpagod siya… You know, he dies for this country and yet government cannot afford to help him educate his children.

But, anyway, so nandito na lang rin tayo, try to encourage ‘yang family planning. Sabihin sa mga… Kaya ako nakita mo ‘yan nila ni General Año pati ni Secretary Lorenzana, ‘pag mag-punta ako ng ospital, mag-pin ako ng medal, sabihin ko, “Ilan ang anak mo?” “Apat.” [laughter] Sabi ko, “Dahan-dahan ka lang bata kasi walang maiwan eh.” [laughter]

Nandiyan ‘yang si Delfin o, sabi ko, “Ilan ang anak mo?” “Lima, sir.” ‘Pag labas mo sa ospital, umuwi ka na. Huwag ka na mag-sundalo. [laughter] Ang rami mong iiwanan? Totoo, sabi ko, “Huwag ka ng mag-sundalo paglabas mo. Umalis ka na. Bigyan na lang kita ng trabaho.”

And, of course, I hope it does not happen. But you know the imponderables of life is something which we cannot really project. Ito ang sinasabi ko, ‘pag ang byuda automatic talaga ‘yan may trabaho, anywhere.

DILG ang sumasalo niyan. Casual or whatever, basta may trabaho. Pagkasabi, automatic ‘yan, ‘pag tanong ko, “Taga-saan ka?” “Ano ang trabaho ng…” O ‘yang sa patay. Iyan na paprio… “Ano, anong trabaho mo?” “Wala, sir, ano lang ako sa bahay.” “Sige ano ko…” Pinaka-malapit na government office.

Tapos, aside from ‘yung regular ninyo, may — isinasali ko sila sa 4Ps. May additional sila na pagkain at additional na pera. Ini-include ko sila diyan sa Pantawid para madagdagan ‘yung pagkain.

Mag-trabaho sigurado ‘yan, kung walang trabaho, patay. Patay ang mga bata. Kaya there has to be a… Automatic na ‘yan, but individually kung makaano. Maghintay lang kayo towards the end of the year, tabla na halos ang sweldo talaga. Ang na-increase ko dito sa ano — alam naman ninyo ito. Iyong Executive Order na ang combat pay from 500 to 3,000 per month at tapos ‘yung combat incentive, from 150 to 300 per day, pesos.

Malaking ano na ‘yan… Ang increase kasi sa ranks hindi mo pwede ibigay lahat kasi may rules eh. Pero ang… The proposed compensation adjustment will increase by 40 percent on the average for all ranks. Ito ba’y mga… Hindi aabot ito ng ano mga towards the end of the year or early next year. Halos bayad na ko sa increase ninyo, ‘yung 40 percent increase. Kayo ang nauna. [applause]

Isunod ko ‘yung mga maestra. Pareho kayo, pati ‘yung mga maestro, susmaryosep. Kayo nagdu-duty man kayo sa bukid. Kita ninyo mga maestra na naglalakad. They walk. Kung saan ‘yung ano just to earn kaya… Ang nanay ko maestra eh. Kaya ang sunod ko is…Sabihin ko lang na pasensyahan na lang talaga kami.

There has to be some first things first, parang ganun. Alam ko ‘yung iba, papasok ko diyan sa opisina. ‘Di masyado ‘yung maestra sa bukid naglalakad ng two hours, three hours eh. So ‘yon ang unahin ko.

Pero wala kayong problema dito sa akin, you have an access, you can call me. Anytime that exceeds the capacity of anybody within the rank to solve the problem, call me.

Ang alam ko diyan ‘yung mga medisina, cancer, okay ‘yan. Pero ‘pag walay pambayad sa ospital kay ika-eight na na anak, t*** i**, bata putulin ko ‘yang u*** mo. [laughter] P**** i**, magpakatino ka nga diyan. Sumosobra. Tamang-tama lang ‘yung…

You should also teach them family planning. I-program na. The most… Ang average soldier, the most dapat tatlo. Boundary talaga ‘yang…Iyang dalawa ano na ‘yan, tatlo. Lalo na kung may babae, lalaki na, tama na.

Iyong iba naman lalaki… Ang lalaki kasi ang nagdadala ng ano eh determinative sa sex ng bata. Minsan walang laman ‘yung bayag kung hindi puro sa babae lang. Eh di lahat babae maski mag-abot na sila hala sigeg panganak kay maggukod gyud. [laughter] Dapat prangkahan ang doktor na bata, “Wala kayong X sa…” Wala ka. Ayaw ug pangambisyon kay…

Alam mo, maawa ako sa tao. I pity the human being. Wala akong ano, maawa lang ako, lalo na sus ma-byuda. So we have to come up with this program. Kailangan talaga ‘pag byuda libre na ang anak. Hindi na ko makahintay niyang batas na batas. Kasi tayo, wala man tayong pera, meron tayong reserve. Pero the expenses that we have to meet, the challenges of expenditures, is to be collected.

Kaya ‘yang BIR sila Faeldon overtime sila because i-deposito nila ‘yan sa National Treasury, and that is really the budget. Of course, we have the savings kaya — eh iyan lang naman ang savings kasi ubusin man.

Ako’t ito ganito ha. ‘Pag binigyan kita ng 500 million, sa record talagang 500 million, ubusin mo. Otherwise kung mag-under spending ka eh di hindi mo ginawa ‘yung project mo. Nakikita mo ‘pag 500 million ubos, tapos ‘yung project.

Sabihin mo, huwag ka ng magtipid-tipid. Basta tutal nandiyan na rin ‘yan eh. Walang mangyari, ayon ang problema. But when you are given a budget of this much, spend it all. Ubusin mo talag. Ibig sabihin iyan ang calculation, iyan ang dapat gastusin.

Any dito sa ano, I try to worry about…In the meantime, ‘pag walang batas, dito lang ako. Ako na lang ang mag-ano sa edukasyon ng bata. I’ll get is somewhere from… Ipagbili ko ‘yung tugboat ko kasi mahina na masyado, mausok pa. Maglangoy na lang kami ni General Bautista mabuti pa bili tayo ng swimming trunk. [laughter]

So iyon ang masagot ko ‘yung takot… Iyong mga bagay na takot siya ‘pag wala siya, iyan ang, diyan ang… Tapos sa kampo, they are treated, well, of course, alam na ninyo sa bangko kahit i-take over automatic ‘yan.

Pero ang pundasyon ng moral, dito ‘yan sa baba, sa bahay. Kaya may trabaho ang asawa…Kaya hindi ako nagbibiro, almost two-thirds ng empleyado ng Davao City hall, puro byuda o asawa ng pulisya.

Pero okay doon sa amin kasi nagkaka-intindihan kami sa pulis. Dito lang ang…Pero sa Davao talaga, wala ng humingi ng…Behave ang lahat ng tao doon. Striktuhan mo, pero tulungan mo, magka-kaso, back-up ko talaga ‘yan.

Kaya sabi ko sa inyo trabaho lang kayo. Maniwala kayo ng…Basta ako na ang bahala. ‘Pag sinabi kong akong bahala, akong bahala. Basta trabaho lang. Huwang ninyong intindihin ‘yung… Magpuro ‘yung ano…Ang pulis kasi walang performance kasi takot, takot magka-kaso.

The day that they are suspended, para ang sweldo? Anong kainin? Ang eskwela? Kaya ‘pag napasubo ‘yan, magte-take over ako. “Magkano ang take home pay mo? Ako na ang mag…” At sila doon may…Ewan ko kung naa si Inday, may ano talaga ‘yan sila ‘yung allowance sa groceries. Hindi nila masabi, “Sir, wala talagang pagkain sa…” Para bang magsabi sa iyo, “Lisod gani, sir, sa pagkaon.” Pero may bigas talaga ‘yan, pati ‘yung mga coffee, ganoon.

There has to be something on the table. So these are the things that we would like to accomplish as we go along the way. Meron talagang pang sa pamilya, hindi pwedeng sweldo lang, kulang, kulang.

Iyong exigencies now, magkasakit, pagkain, medisina, emergency expenses, magka-cancer, magka-dengue ang bata ‘yung ganoon. Magkapagka-ano tutal may cellphone ‘pag nagka-dengue, “Sige, uwi ka.”

And, by the way, ganito, I have decided to arm everybody. And nag-order na ako so many thousands of a—billion ‘yang gastusin ko. But since I promised the soldiers, I really comply with it.

Every sundalo, bigyan ko ng 45 na Glock. [applause] All that they have to learn actually is not to load it. Kasi ang Glock nandiyan ‘yung—kita naman ‘yung safety niya na sa ‘yung nipple nasa trigger eh. Pero ‘yung pagbunot, tapos paganoon isang ganun ‘yan, seconds lang naman ‘yan. At saka that is not the principal firearm of the soldier.

Ang ano kasi nito, tingnan ninyong mabuti minsan pag-uwi. Mag-uwi siya doon sa — mag leave siya, he goes out to the camp—hindi man niya madala ‘yung M-16 niya. So he is really vulnerable.

Kaya I’ve decided na bigyan ko talaga ang lahat para maglakad-lakad sila diyan. You cannot put them in the camp forever.

Maglabas man ‘yan, mangitag-inom. ‘Pag kitag pulis ngadto sigeg inom, unya naay karaoke, mag-agawan ng karaoke tapos mag-barilan ‘yan sila. At least may laban ang sundalo sa pulis mga p***** i**, yawa. [laughter]

Noong minsan may nag-abot sa akin na ganoon sus p***, hindi na ako pumunta, mapatay ko lang itong mga yawa na ito. Walay kontra, mag-agawan lang ito, [sings] “My way…” Sige kayabag lang pagkamaya, nag-agawan na, nagbarilan na.

Warningan ko talaga, huwag ninyong, t***** i**…But you know, I do — I disagree itong kay—lalo na ‘yung panahon ni [Bacaltos?], and do not that. We will just make him an inutil—Gusto ni Bacaltos noon o Bacalzo, na kailangan ka mag-uniporme ka bago magdala ng baril.

Eh may station commander sa Marahan, ‘yung armor noon, Delfin, naay pulis ngadto nagsakay naka-uniporme, nandito ang baril, bareta. Naay nisakay, may paltik, gi baril ang ulo, unya sa likod-likod, gikuha ang bareta, gi baril pa gyud usab kasi nakaluhod eh.

May kasama siyang pulis na babae, nandoon sa likod, walang nagawa kasi wala man rin siyang baril. ‘Di sabi ko… Doon ako bandang sa ano pumuputok na ‘yung ganun-ganun na pulis na…Eh ‘di sabi ko, “Anong nangyari?” “May pulis daw na binaril ganun.” “Nasaan na ‘yung…?” Tamang- tama lang, diretso na ako sa punerarya sa Panacan. Pagdating ko doon tua na ang asawa. [acts like crying]

“Anong nangyari?” “May baril ganon.” Eh ‘di tinanong ko ‘yung… “Sino naman estupidong heneral na nag-order nito?” Sabi, “Sa Crame”.

Sa galit ko sa totoo lang, sabi ko, “Huwag kayong maniwala diyan sa. Maubos ko ‘yang p******* i**, maniwala kayo sa Crame.” Bugok ‘yang mga general na iyan. Sabi ko, “Kung sino ‘yang gumawa na general na iyan, ‘pag ako ang na…” DILG man ‘yung ino-offer sa akin. “‘Pag ako ang na ang nag-DILG, palinisin kita ng kubeta diyan.” Hindi ko man alam na presidente pala hindi DILG. [laughter]

That is a very stupid policy. Ano… A policeman or… Kilala ka diyan in the neighborhood. Ikaw ‘yung army diyan nakatira tapos may gulo, “Tawagin mo si ano…” Ano bayoneta? Para to just instill in them that the gun is really the authority of the law. It should not be used for any other except to maintain peace and to prevent crimes.

But bigyan ko talaga lahat para. At saka sabihin ko ‘yung last bullet mo, ireserba mo na kasi kung terrorista ang kalaban mo, they are coming in very fast. ‘Pag ikaw ang nag-capture, huwag kang magsurrender. ‘Pag nawalan ka ng bala, ‘yung Glock, barilin mo lahat, iwan ‘yung isang bala. Ganunin mo o, t****** i** ninyo. [laughter] I’ll let give you the pleasure of cutting my… Ako ganunin ko talaga. Sabihin ko, f*** you. Wala kang makuha sa akin.

These are the little things that I can discuss with you. Maybe next time. But what I would really need to know or want to see is the list of the priority. Iyong mga ganyan.

I said, look not only into the person but into the soul para malaman because it is in the soul within na malaman mo ang moral.

Kasi ka na taguin lang iyan eh. “Ah, wala, sir, okay lang.” Eh kung magsige nag mukmok, magsige nag inom, ah may problema iyan.

Ngayon, kung sige talaga mag-inom, alcoholic ‘yang buang na iyan. Paunahin mo na lang, “O, ikaw na ang scout para wala ng problema.”

Guys I have to go home. May appointment ako. I really have to go home. So may flight kami. Buti kung maghintay ang Cebu Pacific diyan.

I’ll be back next week. But what I want to assure you is that ‘yung Presidente ninyo ordinaryong tao lang.

Ako dumaan kami ng hirap. Migrants lang kami sa Mindanao.

And it was… Maraming ‘yan sila noon nagpunta ng Mindanao. Llanos ‘yung governor. Tigas ‘yon, major ‘yon, tigas na ano… Tatay ko JAGO, Calamba, ‘yung sa human rights ‘yung ama ‘non sa 13th BCT pa noon, sila iyon.

Kaya medyo alam ko ang… Hindi ako ‘yung laking — laking ano ha mansion, hacienda. Wala ako. Pare-pareho lang tayong lahat.

Kaya ako nagkaroon kasi titignan lang kita alam ko na. Believe me. Kung sa Bisaya pa maitranslate na lang ninyo, ako ra tong maka-tugkad. Ako lang ‘yung makatugkad, tugkad is maabot ko talaga ang deepest sentiment ng tao.

Ako ‘yung mayor na hindi tumatawa. Ako ‘yung sige lang kasaba madawat sa tao pero… I ruled for 23 years and I gave the best years of my life. Ito ang ating ito pakape na lang.

Sinabi ko na if you ask me if Iam exceedingly happy because I am President, I’ll answer you: I do not need this position at this time of my life. Matanda na ako.

What I need to know is just ‘yung last hurrah ko is for the country. I have been in the… Prosecutor ako, fiscal ako, then I became vice mayor, then mayor, congressman, vice mayor ako ng anak ko si Inday noong nanuntok siya. Tapos dirediretso ako hanggang presidency.

So in return sa ginawa sa akin ng Diyos, it’s a gift that was given to me to serve them.

Sinasabi ko, I am just a worker of government just like you. I will serve my country the best way I could.

Maraming salamat po. ●


  •  Armed Forces of the Philippines
  •  Council of Sergeants Major

Recent Events