Relief Goods and Assistance in Tuguegarao, Cagayan
The president visits Tuguegarao City, Cagayan on the aftermath of super typhoon Lawin on 23 October 2016 as part of the government’s ongoing rehabilitation efforts. The president delivers a message to the people of Tuguegarao after the ceremonial distribution of relief goods and Emergency Shelter Assistance (ESA).
SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE DISTRIBUTION OF EMERGENCY SHELTER ASSISTANCE (ESA)
AND RELIEF GOODS TO TYPHOON “LAWIN” VICTIMS
Tuguegarao City, People’s Gymnasium,
Santiago-Tuguegarao Road, Tuguegarao City, Cagayan
October 23, 2016
Salamat po.
Secretary Judy Taguiwalo, DSWD; Secretary Emmanuel Piñol, Agriculture; Secretary Mark Villar, sa DPWH; Secretary Delfin Lorenzana, Defense; Secretary Ubial, Health; ito yung pinakaimportante sa lahat si Secretary Ben Diokno, ng Budget; Secretary Ernesto Pernia, yung sa NEDA ho ngayon; Governor Manuel Mamba, sir, thank you for receiving us; Mayor Jefferson Soriano; (applause/crowd cheering) sikat ang underclass mo Delfin ah; Congressman Randolph Ting; (applause/crowd cheering) mga kababayan kong Pilipino. (applause/crowd cheering)
You know if there is… may isang bagay na dapat talagang pumasok sa ating conscious mind is that noong unang panahon wala pang tao, wala masyadong disgrasya. Kasi ho yung tubig galing itaas marami pang kahoy na pwedeng maging barricade ng malalakas na tubig. So by the time they go down to the lowlands, dispersed na ho sila.
At maraming kahoy ho hindi kaagad bumubuwelo iyan nang tumatakbong 20 miles per hour. Ngayon ho, ang ating mundo ay nagbago na ho. Eh kung gusto man natin at hindi dahil kasi naman marami rin tayong Pilipino, ipinagbawal na natin yung pagputol ng kahoy but just like in Mindanao, tinatanong ho ako nila “Mayor, mahirap lang kami. Kami ba’y hindi pumuputol ng kahoy para lang sa pamamahay namin.” Just to build a house. And because there are already millions of Filipino who are really poor and who cannot afford to buy materials, we continue to cut trees on the mountains eh wala naman akong magawa dahil nga naman Pilipino sila at saan man siya magkukuha ng kahoy? But we were trying to mitigate everything.
As a matter of fact, we ban totally ng pagputol ng kahoy for: Number one, talagangsunset industry na yan. Wala ka ng masyadong mapagkitaan ng kahoy at hinahabol talaga ng gobyerno iyong komersya yung dumadaan sa checkpoints, iyon yung hinuhuli at iyon namang sa taas, sa karami nating gustong mamumuhay, you want to be farmers and they also want to claim a land in the mountains, in the hinterlands, hindi rin natin mapipigilan eh Pilipino eh.
So it has come to a point that we are now 104 million and thecountry is not that big and we have problems in our needs.
Ang pangalawa niyan, iyong Climate Change. Iyong sinabi sa atin na nagbabago ang panahon at yung pong mga hangin galing Pacific Ocean, lumalakas nang lumalakas.
Ang problema ho diyan ay ganito, tayo is the first island facing the Pacific Ocean. At kung may kulo ng tubig diyan sa lamig at init, starts to boil, pagka ang hangin papuntang east of the Pacific Ocean, in the middle, papuntang east ho ang dumadaan talaga sa Pilipinas papunta either China or Japan. But we are the first window ng Pacific. So, kung anong pinakadamage na malaki, mauna talaga yung atin. Just like Yolanda, just like Lawin.
Ngayon sabi nila, yung mga factory na bumubuga ng usok, which are really carbon, carbon ho yan, mga fossil fuel, eh ang gumagamit ho niyan ng malakas hindi tayo.
When the industrial revolution began in the 19— 1901,1902— at na-discover nila ang use ng oil, it was America and the European nations and China after the war, sila yung pinakamalakas gumamit ng makinarya na bumubuga ng usok.
Ang ating pinakamarami sa Pilipinas yung sasakyan, yung mga sasakyan na iyan lalo na yung mga natawag nilang “not fuel-efficient”. Ang atin lang ho dito ay wala masyado tayo. Mabibilang mo ang factory dito sa Pilipinas, masyadong marami. Compared with the other nations wala tayong kakiting-kiting.
The problem is itong mga industrialized countries kasi ang tama ng mga bagyo pareho. Ang damage sa Amerika at ang damage dito ke mas marami yung mga bahay nila at building at mahal yung mga kalsada nila kaysa atin, mas marami ang tama sa kanila. Everywhere iyan.
Ngayon gusto nila na ang carbon limits, iyang pagbuga natin, kukwentahin. Kasama na yung tractor mo, yung jeep mo dito, yung kotse. Ang tanong ko lang, kung ganun ka ngayong taon na ito gusto nila kung umakyat ka man o bumaba tama lang doon sa nagamit mo na carbon. Ang problema 1901, 1902, 1903 hanggang 1940,45, nagkagiyera, ang pinakalakas na kumain ng krudo iyong mga mayaman na bayan ngayon. Eh ayaw naman nila na gumamit tayo ng malaki. Gusto nila ganun rin lang tayo, dahan-dahan lang, huwag masyado. Kaya nagkakaroon kami ng alitan.
I do not agree with the formula or equation because it is not fair. Kung sakali man balang araw, in the fullness of God’s time, kung maawa ang Panginoong Diyos sa atin at suswertehen tayo at nagkakaroon tayo ng maraming gas, derivative ng oil iyan yung parang singaw niya, nagagamit iyan gaya ng LPG ninyo, kapag marami tayo magagamit natin para sa makinarya natin at kung babawalan nila tayo na hindi makataas bigla at gusto niya pareho lang noong dati pa rin, sabi ko, ‘Kayo gumamit na kayo ng carbon sa pinakamatagal na panahon. Kami gusto namin maging kagaya sa inyo pero pag pinigilan ninyo kami dito kasi ganun lang, eh sabi ko kalokohan iyan. Sabi ko sa ambassador, ‘masyado naman kayong…’ Iyong nagamit tayo na puno na yung ozone layer pareho ang tama natin. Kung ang tama mo, tama ko galing langit iyan eh hindi naman namimili. Pero ngayon, pinipigilan ninyo kami nang husto ayaw ninyo kaming umabot sa naratnan ninyo.
So, iyan ang problema natin, may away tayo diyan ngayon. Eh ako talaga isa sa mga presidente na hindi bumigay. Ako huwag ninyo akong bigyan ng problema ng ganun.
I will develop my country in accordance to the needs of my people. Marami na kasing tao. Kailangan gumamit na ng maraming makina. Pag di na niyo ako pipigilan ninyo ako, paano ko papakainin yung mga kababayan ko? Paano ako maka-produce nang maraming — lahat. Eh hindi mechanized, hanggang araro nang araro kami. Eh kami umaabot na kami ngayon ng 104 million. Kung hindi ako bibira nang husto sa mga improvements, wala akong maipakain sa mga tao. Sabi ko, ‘ayaw ko yan, either patay tayong lahat o buhay tayong lahat. Kung ano yung sakit mo, iyon rin ang punerarya ko. Pareho lang tayo dapat. Ayoko ng ganung lamangan ninyo.
Pangalawa ho is talagang kulang ang pag…Ganito iyan eh, ako po’y — the presidente, mid-term. Ibig sabihin yung budget na ginagamit ko ngayon, yung ginagasto ko yun yung ginawa ni PNoy para sa taon na ito. Iyong kalahati naubos na niya. June lang ako pumasok eh. Eh nagbottoms up siya, hinulog talaga niya lahat. Oh iyan kampanya, bottoms up. Ang naiwan ho sa akin wala akong capital outlay. Wala na akong pera diyan mamili ng…Ang akin is maintenance na lang hanggang matapos ang taon.
Kaya nung naghulihan na ng mga addict, umabot na by the hundreds of thousands at iyong iba namamatay, masyadong maingay naman itong Amerikano, binibira ako ng human rights. Kasi nakita ko noon mayor ako ng Davao City, binibira nila ako human rights, human rights, human rights, pati babae, babae, babae. Hindi ko malaman human rights o babae. Litung-lito ako ngayon kay pagkaalam ko babae lang.(applause/crowd cheering)
Gusto ko lang sabihin, ganito, meron tayong tulong, may pera tayo, scraping the bottom talaga kung saan-saan kami naghahanap. Wala namang appropriation na. I cannot get the money of the Defense, I cannot reduce Ubial sa Health para i-kunin ko kuwan, lalagay ko dito because they were intended for a specific purpose. I cannot rob Peter to pay Paul, ika nga. ‘Di ko makuha yung iba diyan pagkatapos gagamitin ko dito.
So, ano lang tayo. Meron tayong pera kung matuloy at kung maawa sila, maibigay nila na kaagad. We have something about— I got from my — ating gobyerno it’s almost 13, 13 to 14 billion. I-translate mo yan, dollars yan; i-translate mo sa pesos, that could amount to something like almost 700 billion pesos.(applause)Iyon yung ipinangako ng China na tutulong sa atin.
Ako po’y nagpunta doon, wala ho kaming pinag-usapang armas, wala ho kaming pinag-usapang giyera-giyera o maglagay ng…Pinag-usapan namin kung paano tayo magtulungan.
Baka…We’ll just wait for a few more days. Baka makabalik na tayo doon sa Scarborough Shoal, ang pangingisda ng ating mga kababayan.(applause)
Ang China, sabi nila, amin yan.
Eh sabi ko, amin man rin yan. Pero kung ito kung akin, kung papasok kayo uli kayong mga Pilipino, may lagoon diyan sa mga dagat. Alam mo yung lagoon, yung parang fishpond sa dagat, ehdagat to puro blue, malalim makita mo lang may green na medyo mababaw. Those are really lagoons in the oceans and they arespawning grounds. Diyan nanganganak yung isda, yung isda na maliliit, diyan yan umiikot lang sa lagoon when they are not ready to go out into the ocean. Paglaki niyan, yung mga tuna, ganun, aalis yan.
So, ako na mismo ang nagsabi na kung makabalik tayo sa Scarborough Shoal bilang may-ari — eh sabi nila sila rin ang may-ari — ako na…magsabi, huwag kayong mangisda diyan. Iyong parang fishpond na nasa dagat. Makikita mo green instead of blue. Blue is deep, yung green kasi makikita mo — it’s almost translucent o transparent maybe.
Iyon lang ang ipinakiusap ko para magkaroon tayo ng magandang supply. Rumarami ang Pilipino, ang pinakamura sa ating bilhin natin, about the cheapest thing that we can buy today, is the marine product. So, it behooves upon us to really not to gamble and destroy thespawning grounds because then it would result in imbalance sa ating pagkain.
Ang pagkaalam ko pinaalis na rin niya yung mga Chinese na fisherman at para wala nang makita diyan. Iyon ang pinag-usapan namin, ewan ko kung tutuparin nila.
Pero sa pera at ano…Itong sa agriculture, I promise you a big slice. Mechanized farming ang usapan namin pati yung importante…(applause) alam ko kasi farming town rin ang Davao, alam ko yan. Seedlings pati abono, importante talaga.
And… perfect it, ire-restore namin yung financing sa agriculture. Mag-kooperatiba kayo uli, at sana naman ilagay ninyo yung mga tao because I warnyou, there are a few success stories about financing.
Nawawala talaga yung pera. Eh ang aming gawi dito tayo sa gobyerno, maglagay ako ng isang maliit na parang sari-sari store, gobyerno yan, yun ang magpatakbo ng inyong financing. Ayaw ko yung sa ibang tao kasi — do not be offended, wag kayong mainsulto — pero nung kagaya nung past experience natin.
Alam mo sa totoo lang, isa sa pinaka-bright Pilipino: Marcos. Sayang lang. Sayang lang. Nanghinayang ako. Iyong kanyang Masagana 99 pati yung Biyayang Dagat, kung yon dinala ng husto yun, okay na tayo sa gobyerno.
Eh nung humina siya tapos kanya-kanya ng tirada, ayun, nagkagulo. Parang pattern after that. Ang gusto ko, yung bangko, kasi yung Land Bank, which is really a bank for the land, commercial bank na ngayon, pinakamalaki. So, balik kayo doon sa trabaho ninyo.
Magtayo kami dito ng mga bangkong maliit, wala na ngang mataguan sa pera siguro, pwede niyong holdapin kasi maliliit na bangko lang yan. But dito na kayo magkuha at dito ang koleksyon. But it will be a financing institutions para sa inyo.
In the meantime, if I think that you cannot really carry on the burden of operating the finance — wag kayong mainsulto buong Pilipinas yan.
Pero gusto ko lang kunin yung idea ni Marcos, malayo na yon–yung Biyayang Dagat pati Masagana 99. Ibalik ko yon. Kokopyahin ko.
Bright yung tao, alam niya ang gawin niya.So, ibabalik ko yon dahan-dahan at marami kaming maitulong ngayon. Pag natanggap ko yung — na makuha ko agriculture…Ang pinakamalaki kasi sa budget, agricul— edukasyon, agriculture, pagkain eh, health. Yung iba wala na.(applause)
Iyong DILG pati Defense department one-eighth nalang yan sila, wala namang gulo. Iyon unahin natin yung ano — unahin natin yung pagkain, pati yung doctor, yung health.
So kung magdating nga yung pera, malaki yan. Sisiguraduhin ko lang na lahat tayo makinabang equally, walang lamangan Bisaya, Moro, equally.(applause)
SoManny, wala na tayong ibigay dito na ano? Ang tulong?Ah naibigay na? Naibigay na pala yung tulong ninyo. Magdasal lang kayo na successful itong negotiation ko sa Japan.
Hindi naman ito bigay, yung iba soft loan. But you know, parang bigay na kasi 25 years to pay. Matagal yang panahon na yan. Magamit natin yung pera.
Alam mo mga kababayan ko, okay na tayo. Okay na ang nasyon natin. Our nation is okay. Matapos ko lang itong problema sa drugs, okay na ako, yung kriminalidad.
Pero itong sa drugs, hindi ito matatapos until the last drug pusher is out of the streets or the last drug lord ay ma… (applause/crowd cheering)
Hindi ako aatras diyan, hindi ako aatras diyan kasi talagang sisirain ang bayan natin.Ito ba yun? So may– tanggap lang pala ninyo dito is 32,819,410; 20,153 bags of certified rice seeds, andyan na sa inyo;(applause)3,500 bags of certified corn seeds, naibigay na daw ho sa inyo; at(1,004) one thousand fourkilograms of assorted vegetable seeds. Ito yung sa local government unit of Cagayan.
Twomillion…One million four hundred bags of rice at 50 kilograms worth 2,240,000 pesos. Ito yung immediate assistance ninyo.(applause)
Hindi na ho kami magtagal, pupunta pa kami ng Ilagan, Isabela? Pupunta pa ako ng Isabela kasi may kailangan rin nila ng tulong doon.(applause)
Salamat po. ●