Urban Poor Solidarity Week 2016
The President graced the Urban Poor Solidarity Week 2016 spearheaded by the Presidential Commission for the Urban Poor on 7 December 2016 at the Hardin ng Pag-asa, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. This year’s theme is ‘Partnerships for Change with the Urban Poor’.
The UPSW celebration is in accordance with Proclamation No. 367 signed in 1989 that aims to promote “greater understandings on the issues and problems of urbanization, urban poverty, informal settlements and other related concerns.”
According to PCUP Chairperson Terry Ridon, the immediate relocation of the super typhoon Yolanda victims, especially those situated at the ‘no-build zones’, is currently underway. The Commission, he said, will also be the one to facilitate the dislocation assistance for those who are affected by the ongoing Water Waste Clearing Project, wherein each family will receive PhP18,000 as aid.
Moreover, PCUP recently launched the Urban Poor Kontra Droga program that aims to have a community-based rehabilitation for all affected individuals and families in support of the government’s war against illegal drugs.
Also present during the program were Executive Secretary Salvador C. Medialdea, Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy M. Taguiwalo, Mandaluyong City Lone District Representative Alexandria P. Gonzales, Mandaluyong City Mayor Carmelita A. Abalos, former Mandaluyong City Mayor Benjamin D.C. Abalos, and Barangay Addition Hills Captain Kent G. Faminial.
The following is the transcript of speech of the President.
SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE URBAN POOR SOLIDARITY WEEK 2017
Hardin ng Pag-Asa, Brgy. Additional Hills, Mandaluyong City
07 December 2016
Magsiupo po kayo. Maraming salamat.
Isahin ko na lang, Mayor Abalos, Mayor Abalos, and Mayor Abalos [laughter]; Congressman Boyet and congressman, the lady, congresswoman.
Alam mo, magkapit-bahay tayo. Alam ba ninyo ‘yan? Nandiyan lang ako sa—nakalimutan ko ang pangalan. [laughter] P. Gueverra. Pero nakita ko ‘yung… Well, I come here almost with regularity.
But nakita ko ‘yung mga—with the ashes, ‘yung nasunugan. Nahalata ko na every time may sunog, lumalabas dito sa Mandaluyong mas magandang—the environment, the new buildings, the painted ones. You get back to use the streets.
Kaya sabi ko, baka mapunta ako dito balang araw at napunta nga rito ako ngayon. [applause]
Sabihin ko sana, kung gusto ninyong gumanda itong lugar ninyo lahat, eh ‘di sunugin na lang muna ninyo. [laughter] Much faster ‘di ba?
Eh kaysa hayaan mo mga kalabit dito, kalabit, wala nang… No more space even in the sky kasi puro… But if you burn it all, I’m sure government would be willing to help. [applause]
Ang sa Davao kasi ho, ganito ang nangyari. Sa Davao was really a part of the, ‘tong Mindanao, was—maybe the whole of the Philippines—was part of Srivijaya Empire.
Noong dumating ‘yung Spaniards, they got most of Luzon and the Visayas. Later on, all of Luzon and the Visayas. But they had a hard time travelling to Mindanao kasi may nakikita silang hostile na mga tao and they were really the Moros of Mindanao, ‘yung original na tao doon since Adam and Eve.
Kaya nahirapan. It took the Spaniards more than 400 years and never completed it. Tapos dumating ang Amerikano ganun rin. It was all brutality and cruelty.
Noong naipasa sa atin, 1946 ganun rin. Lumalaban sila. Actually if you want to understand the equation of Mindanao, they are not just rebels, they are actually the original people fighting for their land.
It is the Moro nationalism. Kasi kanila ‘yung Mindanao at ‘yung mga Kristiyanos napunta—walang original na Kristiyano sa Mindanao. Has to be a soldier or the descendants of the migrants coming from all places who were mostly 99 percent mga Katoliko. Iyan ang fight ngayon.
What started to be a Muslim or a Moro nationalism was transformed into ngayon parang may napasok ng ibang element and this is the extremist.
And we are apprehensive, of course, that once the ISIS loses its land mass in Mosul, Aleppo and driven out of the Middle East, they would spread all over the world. Pupunta na ‘yan… Dito naman, not really ‘to—huwag naman sanang magalit ‘yung mga Moro. Eh tutal ho ‘yung lola ko Maranao.
So steady lang kayo diyan at makinig kayo, kasi ganito ang nangyari diyan. Eh kasi ‘yung iba alma kaagad, hindi nga nila alam na ako Moro. Sabi ko, ‘tumahimik ka at makinig ka.’ [laughter]
Ang lolo ko Instik on my mother side. My father was a Visayan. ‘Yan ang kombinasyon ng utak ko. Chinese as in Chinese ang lolo ko from Xiamen.
So hanggang ngayon nag-aaway. Ang mahirap doon sa Davao ganito ang history niyan. When the Commonwealth began its campaign in Mindanao, ang Amerikano nag-imbento ng sloganeering: ‘Go to Mindanao because it is the land of promise.’
It was then. Kasi walang bagyong dumadating sa Mindanao. If at all diyan lang ‘yan sa Surigao then pataas palagi because of the wind current sa ikot ng mundo. Ang hangin talaga papuntang taas. And so that’s why it goes to Japan and towards China.
Seldom ang Davao. So kung anong ilagay mo doon, itanim mo, it will grow. Ang unang nag-sloganeering niyan, ang Amerikano because they occupied Mindanao first. Wala silang makitang trabahante because the Moros nagre-resist mag-trabaho sa kanila because of the fundamental issue sa religion.
So, sabi nila, ‘it is the land of promise’. Iyon namang mga Pilipino na (inaudible) or whatever, karamihan niyan ang nabigyan ng maraming lupa mga Maynila, kasi nandito ‘yung land bank because in the 1914, 1915.
Wala naman tao doon sa Davao eh nasa Cebu. Ang nandito… ‘O pare, baka gusto mo ng lupa, maraming lupa doon.’ Hindi naman kasalanan ng mga Tagalog iyan. Kaya ang landed estates doon sa Davao mga Tagalog. Ang problema overtime, napagbili sa mostly Chinese, mga milyonaryo na.
So ngayon, in the meantime noong sila pa, pinapatira nila ang mga tao. Ngayon gusto nang kunin ang mga buyer na Chinese, lagyan nila ng building na maganda, mga subdivisions, nahihirapan sila. So there was a time na talagang forced removal.
Noong panahon ko hindi ako pumayag. Tatanungin ko, sabihin ko, ‘Mr. Lam, halika ka. Magkano ang bili mo nitong lupa na gusto mong tayuan ng building mo?’ ‘Mayor, meron na akong 60 dito.’ ‘Okay.’ ‘Gawain mong 80. Bilin mo ang lupa ng 80. Ako ng bahala magpagawa. Huwag mong tanggalin, walang malipatan.’ Hindi naman aso ‘yan. Pagkatapos demolition, sige bahala na kayo. It ain’t that way in this planet.
So pagdating ng 20 million. ‘Sige bayaran mo. Tapos ako na ang maghanap ng lupa para sa inyo.’ I have one of the biggest land acquisition. Hindi housing kasi medyo magara itong sa inyo.
Iyong akin kasi kapos kami sa lupa. So nagbili ako na ‘yung sa demolition natanggal, nasunog. Pagkatapos ng sunog, lalagyan ng barikada ng may-ari ng lupa. So hindi na makabalik ‘yung mga tao.
Eh saan pupunta? Kaya sabihin ko, ‘You just wait. Allow them to move back to the space there. Your land, and then I will look.’ Ganun lang ‘yan.
Ang mayor na mismo ang magsabi na magbili ka plus 20, plus 30. Bayaran mo ‘yung mga tao, hindi sa ano—para makapaghanap ng ibang lugar at makapag…
Ang problema ngayon dito sa reform natin, is may mga maliliit na lupa lang na binili ng mga maestra, empleyado, hulugan. Hoping that one time in their lives they will have the money to invest in a house. Iyon ‘yon o kaya ‘yung iniwan, ‘yung patay na ang nanay niya tapos iniwan sa mga anak.
Iba ang nakatira. O ‘yung ibang pinsanan diyan ayaw nang umalis or even a brother or a sister who wouldn’t want to vacate the house. Kaya dapat paghatian sa lahat ‘yan eh. And that becomes a problem.
And ‘yan hindi mo man mahingian. ‘Retired teacher lang ako, mayor, hingian mo ako ng—saan ako magkuha ng pera?’ Kaya nga binili ko ‘yan para sa—old age. So kailangan ka talagang gumastos. Kailangan kang bumili ng lupa kaya nga fortunately, I have still so many. Ang akin doon sa Davao kapag ka nagbabaan na lahat, lagay ko ‘retired soldier,’ ‘retired NPA’, ‘retired’ kung ano, sabi ko, mix-mix kayo. And also doon sa… [applause] Diyan along the coast, puro squatter, sige eh gobyerno ‘yan diyan sa Davao, ‘yung makita ninyo boulevard, eh inyo na ‘yan. Anuhin man ng gobyerno ‘yan? Dagat lang ‘yan. Maraming dagat.
Kaya ‘pag nagpatayo ako ng bahay, Maranao, Igorot, Tagalog, Batangueño, Maguindanao, Sama. Tapos ang order ko talaga diyan is mix. Mag-usap kayong lahat. Huwag kayong mag-usap ng relihiyon-relihiyon. Mamaya na ‘yan, darating iyan.
Iyon ang… Doon sa amin, wala kaming masyadong mass housing kasi kukulangin talaga sa pera. Davao is as big as… I can place the entire Pasay, Manila, Parañaque, Mandaluyong, pwede kong ipasok sa Davao. Ang Davao is 245,000 square hectares. Ganun kalaki ang Davao.
Kapag may koronasyon ako doon, ‘yung mga piyesta-piyesta, I go to the north side, tawagan ko na ‘yung mutya doon sa far side, sabihin ko na, ‘bukas ka na lang, gumising ka na lang ng maaga dadaanan kita.’ [laughter] Ganun kalawak ang Davao.
I will not make it from side to side, going north and going south unless ‘yung chopper. Eh ngayon medyo okay na kasi Presidente, pero noon, hirap. Iyon ang history ng Davao. At ngayon ‘yung gustong pumunta doon.
But Davao would you ever—Davao hit 9 percent sa growth. Humirit kami ng 9 percent. Papunta kayo ng Davao siguro kalahati dito taga-Davao eh. And Davao you can walk even during the height of sa droga, walang masyadong ano. Pero kapag nagkasala ka doon, nag-rape ka pinatay mo o ano, pasensiya na lang. Wala talagang…
I realized early on that mahihirapan ako sa Davao kasi halo. Nandoon lahat ang tribu, nandoon lahat ang mga gago, eh di nandoon pa ‘yung mga NPA, pinagpapatay ‘yung mga sundalo pati pulis.
So I, sabi ko pinilit ko talaga that if you are here and you want to destroy my city, I will kill you. And if you do drugs and deprive us of our generation of sons and daughters, I will kill you.
Kaya na-Presidente ako, sabi ko, hindi ako papayag na sisirain mo ang bayan ko. At hindi ako papayag na mawala ‘yung mga anak sa amin sa droga and we will be deprived of the next generation of Filipino. Kung lahat ibigay mo sa amin buwang, papatayin talaga kita. [laughter] Ah, totoo.
Ngayon, iyon ang ginagamit nila para ako ipitin. There is no law which says I cannot threaten a criminal or a foreigner sabihin ko, ‘if you mess up with my country, I’ll kill you, if you destroy the youth of the land.’ Hindi mo kasi madala ito ng ordinary police action. I had to take the bull by its horn.
Ako na mismo ang ano. Kasi paano hindi ang pagka-Presidente ko, anim na generals ang nagpapatakbo ng droga dito sa… Kaya ako na mismo. Kayang lahat ng nangyari diyan akin iyan. Eh kung may ebidensiya ka eh di ikulong mo ako. Totoo. [laughter and applause]
Ang utos ko sa pulis is ganito: ‘May trabaho kayo, hanapin ninyo. Arestuhin ninyo, place him under your custody. Ayaw magpa-aresto, lumaban, at merong armas o merong anong klaseng bolo, gusto mo; and you think that your life is in danger, shoot him.’
Ngayon kung sino ‘yung pulis na sabit na ganung istorya, provided those conditions are met, I will be the one to answer for it and go to prison. Walang problema sa akin. Noong bata pa ako labas pasok ako sa presuhan. Sanay na ako. Walang problema iyan.
But I will not, I said, allow these things to happen during my term and it is happening, I have to do something about it. I will not stop until the last day of my term. I will not stop unless the last pusher dito sa Mandaluyong, drug lord, mamatay. [applause]
Iyan klaro iyan. Nandiyan ‘yung media, nakikinig kayo. Eh kung ayaw ninyo ‘yan eh ‘di huwag. Hindi naman kayo pinipilit. Ang sabi nitong si—’yung asawa ni Samson, ‘yung asawa ni Samson. [laughter]
Gusto niya akong ipakulong, eh narinig niya daw na ano… Pati itong EU, sabi ko, ‘mga b——— itong p———. Huwag kayong masyadong mabilib diyan sa Amerikano. Tatakutin ako na dadalin daw ako doon sa international court of—International Criminal Court. Eh ‘yung Amerikano, kalabas-labasan hindi pala sila miyembro ng International Criminal Court. Itong mga puti talaga, huwag kayong magpapaloko diyan. O kaya buhusan mo ng tubig ‘yung… [laughter]
Marami na akong ginanun ‘yung puti na magyawyaw. Kung maglasing na… Siguro mga apat, ‘eeeeee God damn Filipinos…’ ‘God damn ha?’ Minsan kape ang ibuhos ko. Mga puti. Sabi dalhin daw ako sa… T——— i———, g——— ka. [laughter]
Look, magprangkahan tayo ha. Maski itong mga pulis, hindi ko naman rin… I do not obstruct. So ang findings ng pulis murder, ah NBI. Good, file ng kaso. So sabihin ko kasi ako, naniwala ako sa pulis. Kasi kaming mga mayor, mga congressman, sino ba ang paniwalaan nila? Ang pulis o ang kriminal? O ‘yung mga suspetsya-suspetsya na ano?
Kung ano ‘yung sinabi ng pulis iyon ang totoo sa akin. Sabi ng NBI, “murder” ganun, pinatay. Sabi ng pulis, ‘sir, lumaban iyon.’ O ‘di doon ako maniwala sa pulis. Ngayon, bakit ko isakripisyo ‘yang ilang pulis diyan? Sabi ko nga kahapon, ‘there are four million addicts in this country.’ Sinong may kagagawan nito? And there is one lousy soul, a son of a bitch, and then ‘yon ang gusto ninyong paboran? I will not allow these guys to go to prison. Maski na sabihin ng NBI na murder, eh tutal under naman ng NBI ko. Eh under ko rin ‘yan eh, Department of Justice.
But just to tell you, I do not interfere. May findings sila, good. File ninyo ‘yung kaso. Pero ko hindi pabayaan itong mga pulis nasabit. Kasi sabihin, ako ang may utos eh. ‘Kasi sabi mo, sir, hulihin namin tapos lumaban.’ Eh, baka totoo talaga, tinalian ng mga g——— tapos [laughter] eh pulis.
Alam mo fiscal ako noon, may experience ako sa pulis, witness ko ang pulis. Eh madaling sabi, ganun-ganon, ‘anong trabaho mo? Ilang taon ka na?’ Sabi ko, pagdating mo doon sa ano, ‘tinawagan ko kaya ng mga ano may assistance.’ ‘Anong ginawa mo?’ Gilid ba naman sa witness, sabi niya, ‘anong sabihin ko fiscal, ‘yung totoo o ‘yung sa affidavit ko?’ [laughter] P——— I——— pulis sabi ko, pati ako makukulong, yawa ka.
You know, actually, at the end of the day, ganito ‘yan. It’s my country. Itong issue dito is not an issue of drugs, it’s the issue of the survival of my country and the survival of my specie—Filipino.
Magka, magkayarian tayo diyan. Maski anong problema, ‘wag lang ang bayan ko kasi ‘pag ‘yan ang bayan ko na ganun karami ang tinamaan, mabuti na lang may mga Instsik na pumunta and gave us a facility that would house about 10,000 people.
Kasi ako pumasok, midterm. I am operating, pinapatakbo ‘yung gobyerno ko ngayon on a budget that was prepared by Aquino the other year.
Midterm ako pumasok eh. Ang fiscal year is January to December. So, if the bottoms up, walang naiwan sa except MOOE. Maintenance and Operating Expenses. Iyan lang ang…
Bakit pinapatay ni Duterte, hindi niya ilagay ng rehab? Sabi ko, puno na ang rehab. [laughter] Totoo. Mahal naman kung ilagay mo sa Sofitel. [laughter] So, wala akong pambayad eh ‘di patayin mo na lang. [laughter]
Pagpiyestahan na naman ako ng media mamaya. [laughter] Tingnan mo. Kaya, ho kayo, sabi ko, ‘di ba kanina sa Mandaluyong ka?’, ‘oo,’ may sinabi ka doon sa droga? ‘Oo’, sinabi mo patayin mo, ‘Oo sinabi ko ‘yon’. ‘Tapos?’ ‘Tapos ano?’ ‘Istorya lang ‘yan, maniwala ka pala.’ [applause] Wala naman, istorya lang, parang bata kayo. [laughter]
But I’d like to congratulate the Mandaluyong. [applause] Pareho kayo dito… Tama ‘yan. Ang isang pamilya, ‘yung tatay ni Boyet, professor ko ‘yon eh. Iyong anak ni mayor, ah, pareho sila ng boses ng tatay niya. ‘Yun namang isa, ‘yung si Boyet, pati ‘yung intonation at punctuation Neptali Gonzales, professor ko sa…[applause]
Constitutional Law, Bong? Constitutional Law, professor ko ‘yon.
Kaya sabi ko kanina doon kay ma’am, pareho talaga ng boses ng tatay niya, pareho lahat. Mabait ka ba? Kasi mabait talaga si Benhur Sr. eh [laughter]
Walang kasalanan ni katiting. Walang makita ang bayan na may kasamang iba. [laughter] Ewan ko na lang at ilang beses ko nakita. Wala namang init, wala namang ulan, ang kanyang umbrella girl, pasunod-sunod kung saan. [applause and laughter] Eh biro lang.
May kwento ako pero hindi sa iyo. Kay Neptali. ‘Yung tatay niya may… Yayain niyo ako sa pista sunod. Huwag ninyong yayain si Congressman Neptali Gonzales para mai-kwento ko sa inyo. [laughter]
Anyway, I was, patapos na ako, ganito ang style ng gobyerno talaga natin. Iyong sa Yolanda nandoon ako noong isang buwan. Sabi ko, ganon ako eh. If I pretend to be, ‘Ano ho? Ilan na ho ang nakalipat dito? ‘Twenty-eight na, mayor’ ‘Ano?’ ‘28.’ ‘Ulitin mo nga.’ ‘28.’ ‘Saan na ang pera? ‘Ewan ko, mayor, naghihintay lang naman kami ng anong bumababa dito.’ ‘Ilan ba ang dapat ilipat ninyo?’ Sabi, dito sa lugar na ito ‘yung malapit parang memorial, maraming cross, sabi nila, ‘400.’ ‘Anong hinihintay ninyo?’ ‘Mayor, ‘yung mga supplies kung darating ginagawa kaagad namin.’
‘Eh bakit ‘yun wala?’ Hindi pa raw lumabas ‘yung conversion from agricultural to… Sabi ko sa kanila, ‘babalik ako ngayong Disyembre. ‘Pag wala pang nakalipat diyan ni kalahati lang naman, maghanap na kayo ng ibang trabaho.’
Ganon ang gobyerno. Ganon ang gobyerno. Kaya nothing moves. Kaya mainit ang ulo ko palagi sa interview. I do not smile it’s because everyday you are pissed off because araw-araw may problema kami. Pati corruption.
Ngayon, nakinig kayo sa akin, sabi ko, ‘tatapusin ko ang corruption.’ Kaya kung nasa gobyerno ka talaga ngayon, mag-ingat kayo, masasabit talaga kayo. Corruption, drogra, pati kriminalidad. Pati ‘yung federal set-up. [applause]
Now, I would like to just tell you. Maniwala kayo. Bahala kayo ha. I leave it to the people to decide. Pagka hindi lumusot ang federal system sa ating bayan, you might as well give up Mindanao. Hindi tayo magkakaroon ng kapayapaan.
So if others are really resistant to the idea of a federal set-up, without that federalism, the Moro people will never agree to anything else. Sabi ko lang ‘yan. Ayaw ninyong maniwala, eh ‘di ‘wag. Basta sinabi ko sa inyo. Eh anim na taon lang ako eh.
Kung sa panahon ko na may konti akong Moro na dugo, hindi ko mai-swing ‘yan, nobody can. At itong mga Moro people, hindi na maniwala ‘yan. From Misuari, Aquino to Ramos to Estrada to another Aquino. They will decide to…
Ang problema lang natin ganito. I’ll go now. ‘Yung mga ISIS diyan ngayon, mga extremists, they are fighting it out in Aleppo and Mosul in Syria and Iraq. Once mawalaan ng land base ‘yan, paatras nang paatras sa dagat, mag-sibatan na ‘yan. And they have this dream of a caliphate kingdom that could comprise Indonesia, Philippines, Malaysia and Brunei.
The next adventure that I will embark on is terrorism. Be prepared for that. You go to CNN, BBC. ‘Yan ang tinatakutan ko, itong droga paano pa-konti na lang. Pero hindi ibig sabihin na we’re turning down that I would not…
Sabi ko nga hanggang araw ng aking pagka-Presidente yayariin ko talaga kayo. Why? Because you destroy my country.
It is not a matter of an issue of shabu. Sinira ninyo ang bayan ko. Iyang pagbibili niyo ng shabu, wala na ‘yan. Basta para sa akin these four million addicts, kayo ‘yan ginawa ninyong gunggong ang Pilipino.
Kasi one year use ng shabu will shrink the brain of a person. Kaya ‘yung makita ninyo na iba na ang salita, talagang paganon-ganon na… Hindi naman pwede na dalhin mo ang tao doon sa gasoline station, ganonin mo ng hangin para mo…[laughter]
So I place entirely the responsibility, the culpability, the criminality, lahat ng pagsakit ng bayan, ng mga nanay, tatay at pagkasira sa pamilya, once may pumasok ang droga sa pamilya, sira na ‘yan.
Hiwalay sa asawa, mga anak, tapos mag-rape ng mga bata, mag-patay. Kayo, hindi ako, kayo. That’s why I have declared war against drugs. Naggi-giyera ito. Kaya ganito ‘yan.
So lahat ng sumunod ng utos ko, akin ‘yan. Walang kasalanan ang pulis doon, sumusunod lang ‘yan ng utos. Me and me alone, wala nang iba, will be responsible and answerable to all of these things.
Maraming salamat po. ●
dash- en dash– em dash— open single quote ‘ close single quote ‘ open double quote “ close double quote “ ellipses …