Duterte Times

Philippine alternative social news website

Licensed under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License (CC BY-SA).
You are free to copy, reproduce, distribute, display, and make adaptations but you must provide proper attribution. Visit https://creativecommons.org/ or send an email to info@creativecommons.org for more information about the License.

Relief Goods and Assistance in Ilagan City, Isabela

Date: Mon 24 October 2016

Sources: RTVM

video by RTVM 

The president visits Barangay Alibagu in Ilagan City, Isabela on the aftermath of super typhoon Lawin on 23 October 2016 as part of the government’s ongoing rehabilitation efforts. The president delivers a message to the people after the ceremonial distribution of relief goods and Emergency Shelter Assistance (ESA).

SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE DISTRIBUTION OF RELIEF GOODS
ON THE AFTERMATH OF TYPHOON LAWIN
Barangay Alibagu, Ilagan City, Isabela
October 23, 2016

Salamat po.

Maupo po kayo. Nandito po iyong mga opisyal ng ating gobyerno, mga Gabinete kaya lang po i-introduce ko uli sa inyo dahil marami pong aspeto sa tanyos na natanggap ninyo dito galing sa langit at kailangan iyong tao na, saan yung problema napunta ng departmento niya alam niya kaagad. And we would like to restore the energy connections, iyung iba one month sabi ko hindi ako papayag ng ganoon, it has to be like something… days lang, gawin nila.

So, nandito po si Secretary Bebot Bello, ito iyong taga-Isabela na peke, taga-Davao po iyan. Ibig sabihin doon tumanda. Secretary Judy Taguiwalo sa Department of Social Welfare and Security (Development). Nandito po si… dito tayo makaasa ng tulong ng malaki, si Secretary Emmanuel Piñol; ito iyong Gobernador ng North Cotabato sa matagal na panahon. At nandito po si… isang magiting na lalaki, si Secretary Mark Villar. Nandito po isang Ilokano si Secretary Delfin Lorenzana, Department of Defense. Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, Department of Health. Nandito po iyong pinaka-importanteng tao sa lahat, mas importante, puwede nang iyong Presidente patayin ninyo po wag ito, si Secretary Benjamin Diokno sa Budget. Siya iyong may sabi kung may pera o wala. At nandito po si Secretary Pernia sa NEDA. Siya iyong magsasabi sa atin kung sa sunod na taon or two years after tayo bay lalago, tayo ba ay liligaya sa buhay natin. Ang aking mga amo, nandito po si Governor Faustino Dy. Sa totoo lang, wala na itong ginawa kung hindi  magpasyal ng magpasyal sa amin po,  pag wala dito doon yan sa amin. Nandito po si Vice Governor Antonio Albano, Mayor Evelyn Diaz ng Ilagan. Congressman Rodolfo Albano ng First District.(applasuse) Si Rodito po isang pekeng Davaoeño. Mga kababayan ko—magkaibigan kami, eh Congressman rin ako noon eh at saka iyong mga asawa nila. Marami ho akong… halos lahat Ilokano.

Mga kababayan ganito iyan. Eh alam kong malawak ang danyos natin dito sa inyong lugar. Itong gagong Lawin na ito, dumating naman dito at maraming sinira. We could have given you more but for the reason that… hindi na ho ganoon karami ang ating pera. Kung bakit po, pumasok ako dito sa gobyerno, midterm. Ibig sabihin ho, itong taon na ito hindi ako ang gumawa ng budget kung hindi iyong si Aquino, iyong pinalitan ko. Ang budget ho kasi from January to December, pine-prepare iyan in the previous year, iyong unang taon, i-implement dito kasali na ako. So, dalawa kaming nag-implement at iyong kalahating taon akin, wala na hong masyadong pera, ubos na. Ang akin na lang is pang-manage na lang, pantawid na lang hanggang Disyembre.

Meron tayong pera pero ang batas nagsabi po na kailangan ng budget diyan, eh wala na hong budget magde-December na eh. So kung ano iyong naiwan, MOOE iyon bang pang-suweldo na lang at pang-maintain, linis pang-ano niya pero wala namang capital outlay na bibili ako, tapos—pero meron tayong calamity funds na ganito. But I could have given you more, kasi nga ganito ho. Pumunta ako ng China at napakabait nila. Nag-usap kami, sinabi ko ang punta ko dito, hindi ako makipag-away. Eh alam ko may problema tayong dalawang bansa, dahil diyan sa China Sea na inangkin ninyo na inyo lahat. Eh kami naman ho ay nanalo, at sinabi naman na sa Pilipinas iyan. But anyway ang problema ang sabi niya, amin talaga ito historically at hindi kami bibigay dito. Di sabi ko di lalo na kami, kasi kami ang nanalo sa korte eh. Kaya lang sabi niya ano ang braha mo? Sabi ko hindi ho ako makipag-away, kasi wala akong nakitang magandang solusyon kung patayan. Eh modern times na ngayon, living past ika nga sa libro, eh iwasan na ho muna natin iyong gulo.

Sabi niya na we can resolve this case peacefully, walang away, walang dugo and it will take time. Sabi ko, okay lang sabi ko, basta balang araw we will continue to talk and one day in the future, pag-usapan talaga natin. Hindi naman puwede na hayaan na lang natin itong nakabitay. Sabi ko, ito iyong award namin, ang usapan natin balang araw hindi po tayo lalabas sa dokumentong ito, sang-ayon na kami po ay nanalo diyan sa pagmamay-ari ng Red China.

Pero I will not insist now. I will not impose now. I will not go to war now. I will not waste the lives of my soldiers. Eh ang laki ho nila eh. Dalawa lang iyong ating jet na nabili sa Korea iyung gawa ng Amerikano at hindi tayo… hindi ko talaga malaman ni iyong mga rocket na nasa ilalim ng eroplano yung… hindi tayo pinagbibilihan. Sinasabi nila kapag ako nagbubuga dito sa media, sabi nila meron, bibigyan ka. Eh hanggang isang taon na lang, ba’t mo paantayin mo ang mga militar… ganoon nga sinasabi nila, nasaan? 

Ako naman ay nagtataka kung ano talaga ang intension ng Amerika, kasi yun ang sinabi. Pero hindi ko maintindihan. Kaya sabi ko wag na tayong mag-ano, wala ma rin tayong armas, dadalawang eroplano eh nakaharap sa atin sa China iyong lupa nila doon may 3,000 MIGs, pinakabago sa kanila. Iyong atin dalawang F50 walang rockets. Paano ako makipag-giyera?  Eh in five minutes maabot nila ang Manila sa eroplano nila. Ang atin baka pag-take off pa lang, diyan na lang siya, hindi na aangat kasi sumabog na. 

Gusto natin kasing… malakas sa kanila. Ang problema hindi binigay sa atin sa Diyos iyan. Unang -una iyong ka-ikot natin, Malaysia, Indonesia at Brunei, may oil. Kung may oil lang sana tayo, mayaman tayo. Iyong pangangailangan natin mabili natin lahat. Meron tayong kaunting gas diyan sa Malampaya but that is not enough to support a national activity.

Sa buhay na ito, basta oras na gumalaw ka, oil talaga iyan, that’s carbon, hydro-carbon iyan eh. Tumutugtug na iyan, gumagamit ng ano iyan, sigurado ako, di naman umaandar ng tubig iyan. So ganoon po ang nangyari. So usap kami, pero nakakuha kami lahat ng… I don’t know if the figure is correct, but I think it is. Lahat-lahat 24 billion US dollars. So ang akin sigurado diyan is something like 16, at pagka-alam ko, sa pag kwenta namin pag uwi aabot ang aking—yung sa gobyerno, iyong 24 ho hindi sa atin lahat iyon. May pumunta doon, nandoon iyong malalaki, sila Gokongwei ng Cebu Pacific, si Tessie… nandoon din sila naghiraman kami, pinagbigyan kami hanggang 2040. Iyong aking 16 po, that is something sa kuwenta-kuwenta namin aabot iyan ng almost more than half a trillion pesos. Kaya iyan ay inaasahan ko next year. Hindi naman kaagad na liligaya, na lalago ang buhay natin. Pero next year, kung dadating iyang pera na iyan… ang thrust kasi ng gobyerno ko is ang first education, second is agriculture, third is health, so iyon ang magkasunud.

Ang military nga pati pulis, ibomba na lang, wag na masyado iyong maghangad kasi wala naman tayong kalaban. So iyan nga ang distribution ng pera na we expect to receive by next year. Masiguro ho ninyo na ang una talagang beneficiary diyan ang agriculture. Meron kayong malaki diyan… iyan ang unang problema natin sa bayan - agriculture. Pati iyong panggamot. Pagdating ho sa panggamot eh meron po akong order na lahat ng kikitain ng PAGCOR doon ho igastos sa mga resita-resita. Ewan ko lang kung dumating na dito kung magkano, but we have to revive the Botika ng Bayan, doon na ninyo kunin iyong medisina ninyo.

Iyon talagang pupuntang hospital tapos sabihin, oh ito ang resita at wala kang pera. You just prove to me, wag lang ninyo akong… magsinungaling sa akin, anything sa police, sa military, wag ninyo akong bolahin. Sabihin lang ninyo kung ano ang totoo at ako na ang mag-process sa utak ko kung may gawin ako o wala. Just do not lie to me, that’s the only thing that I ask from you, hindi pera iyan, magpakatotoo ka lang.

Ngayon sa magaganda, magpakatotoo ka sa pag-ibig. Rodito saan na iyon? punta ka ng Isabela ipakilala kita roon maraming magaganda. Nakita ko roon na wala naman. Diyan nakita ko kanina, pang-display lang pala ng—but anyway, ganoon ho.

Ah, iyong mga aids, aids, may pera pa tayo na kaunti. Just hang on. Iyan talagang pampatuwid diyan sa gutom na iyan at emergency. But next year, kung paabutin tayo, we’ll start with a new budget and if the money that was promised us would come in, I promise you every—ako ho ay, ewan ko kung… ano bang sabi mo Rodito dito sa akin, bolador or totohanan?

RODITO: Totohanan.

PRRD: Totohanan. Kasi every centavo papunta talaga sa tao iyan. I can assure you dito sa gobyerno, iyang trillion na iyan kung magdating will be used precisely and entirely for the benefit of the Filipino people. Walang—ang maasahan ninyo. Maasahan ninyo walang korapsyon dito, malinis talaga na gobyerno. Kayong maglakad, mag-ano ano—alam mo ganito ang gawin ninyo eh. Be assertive. Filipino ka, naglalakad ka diyan sa daan, pupunta ka ng… lalabas ka ng probinsiya, tapos lalakbay ka, sasakay ka ng eroplano. Kung anong makita mo… kasi sa gobyerno, hindi naman lahat, pero mayroon talaga diyang gago, magtanim ng bala, maghingi, sa pag-taxi, mayroong tip, tapos sa taxi pakyaw—hindi si Paquiao iyong boxer ha. Sabihin ninyo ganito Maynila iyan oh, walang metro iyan sabihin, pag ginanoon ho kayo, you create an uproar, magwala ka. Eh, kung pulis taniman mo ng bala, sampalin mo, totoo. Ako ang nag-uutos sa inyo. Pagka-iyan ang nangyari, pumunta ka sa akin at ako ang mag… pagdating ng airport aalis iyong mga anak ninyo, pupunta ng abroad o ikaw mismo, pagdating dito kunin iyong mga perfume  na dalang mga maliliit. Pagkinuha hampasin mo ang kamay, sabi ni Duterte, “p—-ina mo. Pag nagkamali ka papatayin kita.”

Be assertive. Customs ganoon, lalo na. BIR ganoon rin. Pag ang BIR nilagyan ka diyan ng ano tapos, o sige, sabihin mo, “Ang mahal naman niyan, sir.” O sige magbayad ka ng singko mil iyong tatlong mil are ours, iyong 200 ibigay namin sa gobyerno. Pagka ganoon kayo ng ganoon, papayag kayo ng papayag, p—-ina paano tayo aangat dito? Mag-iwan naman kayo ng tapang ng kaunti. Eh, tutal araw-araw maraming namamatay. Kung ikaw iyon e di pasensiya. Pero kailangan matuto… Huwag kayong matakot. Ma-checkpoint… eh, wala ng checkpoint, ayaw ko na iyan. Wala na ang checkpoint, checkpoint sa highway. Walang ginawa iyan kung hindi maghingi nang maghingi. Hindi ko alam, minsan may CAFGU ganyan, ito pa nakikihalo pa iyong NPA. NPA ganoon, taxes dito, taxes doon.  Sabihin mo “Gago ka ba?” ni wala kang resibo. Basta hingi na lang ng hingi. Matuto kayong magsabi, “Ako’y Pilipino, p—-ina mo huwag mo akong lokohin sa bayan ko. Letse ka.” Oo sabihin mo, iyan ang turo ng seminar ni Duterte. Totoo. Because until and unless ganoon ang inyong paradigm walang mangyari sa buhay na ito. Kung ano lang ang tama iyon ang hingiin mo. Huwag mong sobrahan, kasi diyan nagkaka-letse. Pupunta ka ng LTO, pupunta ka ng  lisensiya mo, lahat. Pagdating doon maghintay ka… kasi may order ako, 3 days. Huwag ka ng pabalik-balik doon. Bigyan kana ng… ‘o ito papel. Balik ka - ano ngayon? Monday  - o balik ka Wednesday ganitong oras, alas tres nandiyan iyang lisensya mo.’ Pag wala eh di sabihin sa iyo kung bakit wala.

Ngayon kung rason hindi mo gusto e di punta ako kay Rodito, alamin mo iyong cellphone, sabihin mo, “Rodito, tawagan mo si Mayor.” Tawagan niya ako. Karamihan na tatawag diyan babae ha. And wala namang… pero takot man ito kay Melen (?). Tawagan mo ako… marami namang magbasa. Eh, nandiyan si… si Mayor, si Bebot. Huwag kayong pumayag. Dapat ibahin talaga ninyo, kasi kung hindi niyo ako tulungan, walang mangyayari. Tsaka ngayon sinasabi ko sa… Ako na ang nag-uutos sa inyo gawin iyan. Ako na mismo ang nagsabi, “Be assertive.” Sabihin mo lang sa p—-ina niya, iyon ang tama. Sabi ni Mayor, mag-file kami, bigyan kayo ng listahan, punta ka doon. “Sir, mag-apply kami ng lisensiya,” o ito bigyan ka kaagad - Birth Certificate, police clearance ganoon. Pag nakuha mo lahat iyan, ibigay mo. Maghintay ka lang ng araw, lalabas iyan. Pag hindi lang lumabas iyan ng sampung taon, huwag ka ng tumawag kay Rodito kasi patay na ako niyan.

Tawa ka sa akin, because lahat sa department, lahat ng departamento - National Defense, defense, sa Trade and Commerce, Labor kay Bebot - 3 days. Kung ang papeles, proseso - 1 month. Lahat ng gobyerno pati iyang mga permit sa local - fire clearance, lahat iyan - 3 days. Iyong fire clearance nade-delay iyan. Kasi ang Fire Department naghahanap pa ng fire extinguisher para bilhin mo para lumusot iyong clearance mo. Kunin mo, buksan mo, ipa- shhhhhhhhhhhh sa mukha mo. Sabihin mo sabi ni Duterte, sabi niya, gawin ko raw.  Hanggang hindi kayo magkaroon ng lakas ng loob na kalabanan ang katiwalian, wala tayong magagawa.

Alam mo ho, Bebot Bello, ang kwarto niya kaharap sa kwarto ko sa dormitoryo. Ang ka roommate niya si Dulay, isa ring Ilokano, Billy, kabarkada, magkabarkada kasi ka-roommate eh. Ang ka-roommate ko dito sa aking kwarto si Yasay, iyong Foreign Secretary. Kung mag-Ingles akala mo si Obama. Cha, cha, cha, cha… Narinig na ninyo si Yasay magsalita? Parang Amerikano ang buang. Pilipino eh… kaya magkaka-roommate-roommate lang kami pati iyong mga tao na kilala ko, eh probinsiyano ako, eh matagal si Bebot doon sa Davao kasi ang asawa niya anak ni Mayor Santos eh. Magkakilala na kami sa dormitory, magkakilala pa kami noong sa trabaho at hanggang ngayon nagsama kami. Iyong anak niya kasama namin sa partido, doon sa Davao, nakapag-asawa rin ng taga-Davao.

So, ang Isabela pati Davao malapit lang. Eh, mayroon namang cellphone ngayon. Bakit hindi ninyo magamit-gamit para sa kapakanan ninyo. Ayaw ko talaga ng katiwalian, ayaw na ayaw ko iyong oppression. So, ganito pagka-dumating iyong aid at sana na may… I’m sure it’s coming our way. Binibilisan iyan eh. There will be distribution — ganito kasi iyan eh. May bahay ako, kayong lahat anak ko. Ngayon ang kita ko sa aking bayan, kasi wala naman tayong pinagbibili na mga barko, eroplano, mga bala, mga aircraft carrier, ang atin tanim lang, simpleng pamumuhay, ito lang iyong pera ko. Pag sabi ka, “Tay, magbili tayo ng sasakyan.” Sabihin ko sa iyo, “Nak, wala man tayong pera, pero mag-utang tayo. Magbili tayo ng truck pero bayaran natin yan dahan-dahan.” Ganoon ang ating bayan ngayon. “Nak, tinawag ako ng China may regalo daw sila sa atin. So, pupunta ako doon, makipag-usap.” ”Oh Mayor, mahirap ang bahay mo, ganito, ito may loan kami. Ito ibigay namin grant,” nagmamadali ka ng nag-ano, nagmagandang loob na lang yan.

At ako, huwag ho kayong maano, ang Lolo ko po ay Chinese, Intsik talaga. Ang lola ko, Maranao, sa mother side, sa father side Cebuano ako. Kaya pagtinanong ninyo kung ano ako, sabihin ko Cebuano. Because I trace my lineage from my father but actually I have not lived in Cebu, talagang laking Mindanao ako.

So ganoon. Kakausapin lang huwag lang tayong mag-ano. So, kung mga ganito nandito kami, tiis-tiisin lang po ninyo. Basta next year, beginning next year, may mga priority tayo. Education kailangan natin… tapos iyong droga, sabihin ko lang sa inyo, dito walang atrasan ito. Walang alibyo ang Pilipinas hanggang iyong pinakahuling street pusher dito sa Tuguegarao o sa Isabela namatay.

Hindi ito matatapos, itong ganitong sitwasyon na patayan, hanggang ang pinakahuling drug lord patay. Iyan ang iiwan ko sa inyo at mapag-isip-isip na iyong iba. Sa katagal kong six years talagang matutupad iyong pangako ko. Maraming mamamatay niyan, pero basta ako sabihin ninyo, kung kayo ang tinamaan niyan kasi gusto ninyong mamatay. Pinagsasabi ko na eh. Hindi ako papayag na itong bayan na ito lulubog because I will deprive the next generation of Ilocanos here and the next generation of Visayans and Moro people will be contaminated and a destroyed generation, hindi ako papayag ng ganoon habang President ako.

Hindi na ho ako magtatagal, pupunta po ako kay Imee. Nandito lang iyong certification, tatawagin ko lang po si ano, provincial government dito si — Iyon 1,000 bags of rice, ito part of the assistance to mitigate the… seeds - 24,000 seeds, P37 million iyan. P37 million iyong sa seeds, sa agriculture ito lahat. Iyong ibang napinsala kaunti-kaunti na lang. Pero by next year, I promise you kayo ang mauna, kayo ang mauna.

Hindi na po ako magtatagal at marami pa akong lugar na pupuntahan. Maraming salamat po. ●


  •  emergency shelter assistance
  •  esa
  •  typhoon lawin
  •  typhoon haima
  •  ilagan city
  •  isabela
  •  speech
  •  transcript

Recent Events