Filipino Community in Malaysia
The President met with the Filipino community in Malaysia on 9 November 2016 after his visit to Thailand to meet with Malaysian Prime Minister Dato Sri Mohammad Najib bin Tun Abdul Razak.
SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
DURING THE MEETING WITH THE FILIPINO COMMUNITY
Grand Ballroom, Mandarin Oriental Hotel, Kuala Lumpur, Malaysia
November 9, 2016
Kindly sit down.
You know, it is normal for a traveling President to have his entourage. So dala-dala ko po yung mga Cabinet members, yung iba who are here. Introduce ko lang sa inyo because we are the guys working for you in the Philippines.
I’d like to introduce Secretary Perfecto Yasay, Jr., Sa Department of Foreign Affairs po siya. And kayo hong taga-Davao, Jun is from Davao and he used to be a— kababata talaga kami, not exactly day to day but when we took the Bar, magkaroommate kami noon, post-martial law time and you could just imagine, we were back to back, nag-aaral.
Then the— yung mga tangke were rolling out in the city and we could hear them and we knew that martial law had arrived.
Then I’d like to introduce to you, Secretary Delfin Lorenzana, (applause) he’s the Defense Secretary. He was the one who brought the 2ndRanger Regiment battalion doon sa Malagos noon, so kakilala ko na siya noon pa. Marami pa siyang buhok noon, ewan ko bakit wala na.(laughter)
You know, I don’t know if you know, Pastor Quiboloy, he’s Davao-based and he was the one wo told me na si Delfin na yan was my classmate sa Cotabato City, was it Notre Dame? And ang kanilang valedictorian, that’s why, I was surprised Delfin, he became a soldier sa, rather, schooling at the Philippine Military Academy.
And meron akong isang taong na pakilala who’s helping a lot of our countrymen, teaching them how to engage in micro and small business. We have—I’ve been looking for the money to do it, I’m just about four months into the presidency, but a lot has been going on. It’s important that we educate people how really to manage a property, especially money. Ito yung sa ‘Go Negosyo.’ I’d like to call on Ramon Lopez, Secretary of the Department of Trade and Industry. (applause)
And angating sunod is the Presidential Communications Office Chief, Secretary Jose Ruperto Martin Andanar. (applause) From Mindanao yan.
Then I have the National Security Adviser, he was the chief of staff during the time of President Arroyo, Secretary Hermogenes Esperon, Jr. (applause)
Then, may isa tayong bright din. He’s a very good senator and a very, very bright guy, Alan Peter Cayetano. (applause/cheers) And may I call, ang kanyang misis, si Lani, Mayor Lani ng Taguig City.(applause)
Yung katabi niya, ayaw ko, baka magalit siya, wag nalang. (laughter) Ito yung, pasenyas-senyas na pakantahin ako. (laughter) Si ano ito siya, idamay ko nalang, si Annalyn Tolentino, kapatid ito ni Mayor Tolentino na ano noon ng Tagaytay City. (applause) She’s actually my Socials Secretary.
Then, another guy, kababata ko. Very bright. Puro sila ito ano, (laughter) he was the valedictorian of the class. As a matter of fact, it was not really a surprise when he topped the Bar, number 10. That was about 1971 ‘ata yun? Si, taga-Davao ‘to, si Secretary Jesus Dureza. (applause)
Meron naman tayong ito, Presidential adviser sa OFWs, he is my fraternity brother at classmate ko talaga sa San Beda from first year hanggang nagtapos kami, si Secretary Abdullah Mamao. (applause)
And we have the Mindanao Development Authority, ang chairman, siDatu Abul Khayr Alonto. (applause) Puro kami dito Maranao.
You know, I’d like to tell you. I’m not saying this because I’m trying to impress you. It’s just that to give you the reason why I have this wider dimension of the guys in the past.
Ang lola ko po ay Maranao. Ang lolo ko po, Chinese; but my father, Bisaya talaga.(laughter). But when I’m asked yung lineage ko, I would just say that, kasi we get our status from the father, so Bisaya, but I’ve never lived in Cebu. About the only time was to pass there once or twice a year.
Then, nakasama ko po si, ang ating magiting na Director General ng Philippine National Police, si Bato. (applause/cheers) Alam mo, sa totoo lang, ang issue sa amin dalawa, sabagay kokonti nalang tao ngayon sa Pilipinas, medyo patay na lahat. (laughter) Yung matitino nasa labas eh. Ang nagpaiwan yung mga gagong—
Then, of course, the Ambassador Malaya III, sir.(applause). Kung magkaroon kayo ng balita na mga away, hiwalayan, diborsyo, ito yung abogado ng mga celebrity. (laughter) Karamihan ng mga ano niyan, totoo,karamihan ng mgakliyente, mga artista. Celebrity counsel ‘to, si Secretary Salvador Panelo, he’s from Bicol. (applause) Kita mo pantalon niya, higpit-higpit.(laughter)
You know, he’s a— I mean no offense, he’s the epitomy of sartorial, kung ano yung uso. Kung ano yung uso, ‘yun ang ano niya. (laughter) Ang problema, ang uso nag-iiba, ‘yung edad niya pataas ng pataas. (laughter) But he’s a very brilliant lawyer.(applause) pagka— then we have the Assistant Secretary Charles Jose of the DFA. (applause)
So nandito po kaming lahat and I was kind of thinking along the way, siguro about 30 minutes from the airport na anong ikukuwento ko sa inyo.(laughter)
Kasi ganito ‘yan eh. I’m just 4 months and there has been a lot of controversy woven around my person, including my quarrel with America. Ayaw ko po ng kalaban, but I cannot also, sabi kasi nila, tutal tapos na ang eleksyon, nanalo na si Trump. Why don’t we just shut up? Well, kasi it has a connection with the very important issues in the lives of the Filipinos. Alam mo kung ano yan? Droga. And it has engulfed our country, napabayaan, napahayaan ang problema.
I would not want to zero in on a particular administration but when I was mayor, I was the favorite whipping boy already, threatened with cases before the international court of— criminal court sa United Nations kasi raw pinapatay ko ‘yung tao.
‘Di naman ako embalsamador, (laughter) di— you know, ganito ‘yan. Talagang hardliner ako sa kriminal, kasi po, before I became mayor, I was a fiscal, a prosecutor; and I was doing trial work everyday for the government.
Ngayon, “People of the Philippines versus,” ganun, ang abogado ng People of the Philippines, kami. Yung tinatawag ninyong prosecutor, fiscal; and noon pa, talagang ano ako, ‘yung I’m a very harsh person lalo na sa krimen.
Kasi ganito ang istorya:Our country, parang nasa, nasa runway na. It has been rolling there for a time, ilang taon na, lahat na pangako, ano kasing klaseng ginagawa ng mga put—(laughter and applause)
Alam mo, despite all the prayers, the pleas and the, nakaluhod na ‘yung Pilipino, itong eroplano na Pilipinas hanggang ngayon, nasa runway, hindi talaga nagtake off. So why? Well, number one is corruption(crowd shouts ‘yes’/applause)
Noon pa ‘yan, estudyante pa ko. I mean, lahat naman ng dumaan sana na tao diyan, matino naman. Baka. Kasi hanggang ngayon, hirap pa. But if there was one of the factors that was really pulling us down, it’s corruption. Kaya nung paganun-ganun ako, wala naman talaga akong ambisyon, sa totoo lang. As a matter of fact, I came in late, substitute nalang ako.
Because I was not— during—on the final day of the filing of the Certificate of Candidacies, I was not there kasi ayaw ko talaga. But nung narinig ko na lahat sila sa stage without— yung totoo lang, wala naman lang akong narinig na nagmumura dahil sa criminal, passing— “ah, we’ll take care of the order—public order, probably—”, just like that mumbling and ‘ika nga, lip service lang.
Wala akong nakitang tao na kandidato na nagkukuwento about Mindanao. Ang problema diyan sa Mindanao na ‘yan, if it is not handled carefully, we might end up a fractured country also, kasi hinahayaan eh.(applause)
So nobody even was talking about it except me when I finally decided to run. Sabi ko, paano ang Mindanao, paano kami doon? Now, how about my city? It’s in Mindanao. I’ve been mayor there for 23 years. Alam ko na ang dinaanan ng hirap namin tapos nobody but nobody was talking about how to fix the trouble there and also on criminality.
Now, when I ran, wala akong ibang topic na maikuwento rin sa inyo eh kasi, wala, tatahimik, wala man akong ano, basta ako trabaho lang, totoo lang. So sabi ko, itong corruption.Sabi ko sa inyo at sinabi ko sa taong bayan, ako po ay maliit na tao lang. I come from a corner in Mindanao, small town city mayor. I am not even a national figure.
Lahat ‘yan sila kilala nationally, except me, hindi nga nila ako nakikita and in public, I kind of, mahiyain ako na tao na. I don’t want people na calling out ‘mayor-mayor’ lalo na sa Maynila. Mas mabuti kunghindi mo ko pansinin, di mas maganda para sa akin. But in Davao, well of course.
Kaya nga itong nanibago ako nung pagka-Presidente ko, kasi wala nang masyado makalapit na tao. Gusto ko kanina, dumugin kayo. (laughter/applause) Nakalinya. Oo. ‘Yung mga kapatid kong Moro, ang beso-beso namin—you know, sa kultura, nagbebeso-beso kami, alam ninyo ‘yan. Kung gaano kahaba yung pagmamahal nila, kasing karami rin ng bigote ng matagal nang—. (laughter) There’s their way of expressing the culture, pareho ng Arabo.
‘Yan ang— ngayon, sabi ko, somebody really has to do something about it. Hindi ako sigurado pero ako; sabi ko, abugado ako, just like Jun but he’s a brilliant lawyer, ako wala, small time kasi hanggang doon lang ako, kasi 75-75 lang naman tayo, (laughter) ito sila Dureza.Dureza was the valedictorian of our class. Sonny Dominguez, ‘yung kababata ko, na-expel kasi ako sa Ateneo. So punta akong Digos, sa Davao del Sur kaya nakita ko yung isang valedictorian, Jess Dureza, he topped the Bar, number 10.
At lahatsila ito, puro— lahat ito sila, General Esperon; of course, si Cayetano, puro yun mga bright; Panelo. He has a name for himself. So yun angmga tao na sumabay sa akin.
I promised the people, sabagay ito seryoso na talaga, corruption must stop. (applause) And it will stop during my time. ‘Yan ang ipinangako ko sa inyo and I hope to improve the— well of course, the economy, economics will follow at baka lalago lang tayo ng konti for you to— yung kayo maka—,kung—in the fullness of God’s time, we can really fully develop the country. I would just be starting kasi six years lang ako.
Pero sa 6 years na yan, sabihin ko sa inyo, I ‘ve always reminded everybody in the government: Walang corruption. Zero. (applause) Kasi— kaya kayong mga, you know, all over the world nung election, naglandslide ako sa lahat, ma-Amerika, Middle East, dito. I got your votes almost by a landslide. (applause) Kaya nagtaas ako, the sheer number na to think that I was not even known compared kay Roxas; and of course, Binay was the high profile mayor of Makati, and si Grace, artista and she got very popular; and si Miriam also but she was really very sick at that time. But ang pangako ko lang, sabi ko, walang corruption.
Kaya kayo pag mag-uwi kayo, ito talaga ang gawain ninyo. Nawarningan ko na yang lahat. Magkamali ka, ako— the assistant commissioner ng Customs. Istorya lang. Sabi ko, not even a whisper like Caesar’s wife. May marinig lang akong konti, out ka, hindi na ko magsusugal kung totoo o hindi. (applause)
At saka malaman ko nang malaman. Kaya sabi ko, panahon naman, at least during my time sa kaliit-liit ko, I’d just like to be remembered as one who really tried to do something good for our country.
Kaya mag-uwi kayo ‘yung mga ano ninyo, make a scene. Alam mo, mga Pilipino are so timid. Makakita ka lang ng naka-uniporme diyan tapos nagtitingin-tingin sa inyo, tapos pagka nung bag, kukunan ‘yang isa, ‘yung personal use. What’s in the bagahe, yung ano-ano. Wag na yung, sabihin mo, tang-ina mo, sampalin kita dito ngayon.(laughter and applause)
Kaya sabi ko, nakikinig kasi, simultaneous eh. It’s being— simultaneous ‘to. Ngayon nakikinig sila. Make a scene. Pag may kinuha diyan, sabihin mo,“Huwag. Kasi sabi ni Duterte, huwag.” Pag kinuha mo yan, sampalin kita.(applause)
Alam mo, all personal effects, maski isang maleta, dalawang maleta, hindi yan commercial. Kung biyahera ka sa Hong Kong ibang istorya yan, bulto por bulto ‘yan eh. And that’s why, kaawa naman, there’s corruption.
Ang masakit pa dito sa Pilipinas,yung mga biyahera, taga-Pangasinan; taga- pataas sa Luzon, hinohold-up pa; kinikidnap, pati yung karga niya; pati siya hindi mo na makita; yung mag-ganun na, sabi ko, ahh mahirap ‘to.
Kasi ako, nung mayor ako, isa lang ang sinabi ko. “Umalis kayo ng Davao, kung sa droga ka, nasa kidnapper ka, umalis ka ng Davao kundi papatayin kita.”(applause) Yun ang umpisa kaya those were the words that got me into trouble.
Kasi nung nag-Presidente ako, sinabi ko sa lahat ng campaign sorties ko, do not—with the people, (applause) huwag mong galawin ang Pilipino, huwag mong ilulong sa droga, do not destroy my country, do not destroy our generations kasi kailangan namin yan to run this country when we are about to go. Ito yung mga bata, nagbigay ng medisina sa iyo, magbayad sa ospital, sisirain mo? Talagang papatayin kita.
At nakikinig uli yan sila. Sabi nila, bakit ako ganun? Eh wala akong ibang masa— eh alang-alang na masaya na, ‘alam mo, pards, pwede ba maghinto ka lang ng droga.’ My 23 years as mayor, yan sila dumaan yan ng— Ito si Bato started his career as a Second Lieutenant pa noon. Bata pa rin ako, piskal. Ako ang ninong niya sa kasal.
Kung magpakasal ako ngayon sa kanya, siya ang— palit kami, siya na ang ninong ko.(laughter) Kaya, wala talaga. The crime was— may bata nirerape, nakahiga nga sa sidewalk, kakargahin pa eh, ilalagay sa ilalim ng jeep, 1 year old, two year old. My God! This world is getting crazy and it’s all because of drugs.
Kasi yung droga kasi, if you use it incessantly, constantly; it will shrink your brain. Kapag ang utak mo eh kulubot na, ibig sabihin, shrink, eh mga Amerikano ang may sabi eh, then rehabilitation is no longer viable. Hindi na pwede.
Ngayon hindi pa ko nag-Presidente, sabi ni General Santiago noon ng PDEA, sabi niya, there are 3 million Filipinos afflicted. Tapos sa aking panahon, hindi ako nagbigay ng figure, kasi gusto ko hintayin, at the end of the year, pero tingin ko sa—nakita ninyo sa TV.
Nung mayor ako, hindi ko masyado— alam ko problema marami but it was not until I became the President, piniga ko na sila lahat, pati sila Bato, by the hundreds of thousands and I would breach, maybe, the million mark towards the end of the year.
Anong gawain ko sa 4 million? Anak ka ng—tapos, I said I declared war. I never said to the police—kayo, hulihin mo, pag nag-surrender, pag ayaw magsurrender at lumaban at tingin mong buhay mo, ikaw ang mamatay, eh di patayin mo. Eh ganun eh ako—bakit ko—
Why would I sacrifice the lives of my soldiers and—? Kaya pati army, tinawag ko na because yang 4 million ngayon; no—3 million na muna, all over the Philippines yan.
Now, imagine 3 million drug addicts who are at the same time, pushers. Anong mapala ko para sa bayan ko? What will I give to the next generation? So next president kung buhay ako, anong ibigay ko sa kanya? It would really get worse as we go along.
Kaya patayan talaga. Eh sabi ko, pagka lumaban, eh kasi sira-ulo yang mga yan, lalaban talaga yan, that was my experience when I was mayor. Manlalaban yan at saka may mga armas talaga yan. Ngayon dito tayo, ayaw ko nga, sabi ko, makipag-away kasi andyan na si Trump. (applause)
But I would like to congratulate President Trump. Mabuhay ka.(applause)Pareho tayo magmumura. Konting rason lang, nagmura kaagad, medyo pare-pareho kami. Kaya lang sabi ko, so sabi ko, hindi talaga ako, I will not, I will not for the life of me, na papayag ako nung ano.
So ngayon, mababa ang krimen, wala nang masyadong. Well, nakakalakad ka na ngayon but I want an environment na yung anak natin, makalakad maski saan, kasi sa Davao ganun eh. Sabi ko kasi sa pulis, guideline ko, hindi yung, pang huli na kasi ito.
Early on, 1988, you ask your wife and your daughter to walk around Davao City in the wee hours of the night and morning. Pag umuwi yan ng walang nangyari, hindi man lang nakatikim ng kabastusan and they are happy, that is the standard I want you to do.(applause)
At naabot ko.Kaasi nga yung patayan. Tapos, sabi nitong mga gunggong, ang paghuli kasi pinasok talaga sa jeep, pinagbabaril eh. Because they were serving a warrant but the mayor was still armed but he chose to fight. So bakit ngayon, maraming patay, sabi ng human right.
Sabi ko, ikaw human rights, isa ka ring gunggong. (laughter) Alam mo, noon kasi ang pulis, ayaw magtrabaho(applause). Either tamad itong mga gago o talagang takot, kasi karamihan, nandiyan na yung mga pulis pati mga mayors, governors kasali. Yan ang problema natin. We have become a narco-politics state.
Kaya mga mayor noon, pag maglalakad, tag-limang bodyguard dito; may machine gun pa sa— kaya nung sinabi ko na yung mga pangalan, and I asked 6 generals to resign; nakita mo narco-politics na tayo: generals, police, barangay captains there are about 3,000 plus. After validation, lahat-lahat na. Yung medyo suspetsa, tanggalin na.
And we have about 6,000 policemen all over the country and the portals of the national government has been opened by the entry of a senator who used drug money diyan sa ating Penitentiary— National Penitentiary and she was the Secretary of Justice and she was funded by drug money.
Yan ang warning ko sa inyo because lahat ng bumagsak sa Latin America, because of drugs.
Latin America is really a very—walang, along the border of Mexico and America, yung sa Tijuana papasok. 6,000 na ang— 60,000 rather ang namatay. Itong akin, 3,000 lang, hindi pa nila alam kung talaga bang lumaban o hindi o pinatay; kasi yung iba man, binalot ng plastic, buong katawan. Sabi ko, hindi gobyerno yan. Hindi naman tayo nagma-manufacture ng mummy. Gaya sa Egypt. (laughter/applause)
Tapos, gusto nila ako na— ganito ang problema. Mabuti makinig sila because I cannot evade the issue. I have to tell my countrymen what I have done and what were the consequences or are the consequences.
Binira ako ng human rights, una yung tagapagsalita lang, kung sino yung putang-ina? (laughter) Sige ang criticize, ganun. Then ang State Department. Ang ayaw ko, everytime that they bring out the issue of human rights, there is always that added statement, na yung aid ninyo, yung assistance ninyo, hindi namin ibigay.
Yung EU naman, itong mga bugok na— you know, it is not a crime to declare, “I will kill you if you destroy my country.” What is wrong with that?(applause)And I said, “if you destroy the youth of my land, I will kill you.”
It’s a legitimate expression. It is defense of a race na yan eh, not even self defense. I am trying to preserve the Filipino from perdition.(applause)Yun ang hindi nila alam. Akala lang kasi nila kung ano. They talk as if we are still the colonials, subjects. Noon dito, they conquered, Britain—kinuha niya itong Malaysia; Indonesia was occupied by the Dutch; ang Pilipino, ang Spaniards.
But when they say something about itong Amerikano, para bagang nandito pa sila because after the Spaniards, they came dito, may away sila, giyera, the American-Spanish war and they lost, yung Spaniards and they had to cede. Sinurrender nila yung Marianas Island, including Mexico. They—and the Philippines. Spaniards stayed for 400 years.
Sino man magligaya niyan? Tapos sabihin mo, 400 years ago. At bakit? It’s not easy for you to say na maligaya ka sa 400 years. And then, the Americans came, we were ceded by the Treaty of Paris, binigay tayo sa Amerikano and they stayed in the Philippines for 50 years and enjoyed the fat of the land.
Kaya ako, ayaw kong makipag-away pero, meron kasing, kaming mga Bisaya, yun bang patay-gutom. (laughter) Ewan ko kung ano yan sa inyo. Parang everytime that they address us, it is as if mga patay-gutom tayo na, “sige, ito ang gawin mo, pagka hindi,wala kang— we will not—” Para kang aso. Na you are tied to a post but the leash is very short and they would throw the bread far away. Ang aso naman, keep on longing at the—, parang ganun sabi ko, kaya nainsulto ako, sabi ko, ahhh iputa-puta ko talaga, putang-ina niyong lahat. Lahat. Lahat na mura, bullshit, sabi ko, you go to hell. Ngayon, napansin na nila ako.(laughter/applause)
Eh magtanong ka, sinong presidente ng Uruguay o Paraguay? Sino ang Mayor ng New Orleans? Sinong Presidente nitong sa Gabon? Sabihin mo sinong Presidente ng Pilipinas? Di Duterte.(laughter)Bakit? Eh ako lang ang presidente na nagputang-ina sa kanila, letse kayo. (laughter)
Kaya ganun. Now, you do not give us the aid? Shit, to hell with you. Kaya ako nandito kasi kaibigan man kami ni Prime Minister Najib Razak. Sabihin ko na ikaw nalang ang bahala sa akin kung maghirap-hirap sa Pilipinas ha? (laughter) Kaya ganun, we have to put things in order, we have to put a stop sa corruption. Importante talaga yan.
Kaya kayong mga Pilipino, ngayong ako na ang Presidente, be assertive. (applause) If you are on the right track, at alam naman ninyo yung—may experience na ako diyan na nakita ko, isang telebisyon na, but anyway, gusto kong sipain ‘yung…(laughter) yung ganun na, sabi ko, “stop.”
Alam ko na noon, ang buhay nila, maganda. Aside from the suweldo, meron yang mga ganun-ganun. Pero ang panahon, sa buhay dito, panahon-panahon.
Noon, may panahon, you took advantage with— Fine. Kalimutan ko yun. Huwag ngayon, kasi pag sa akin ngayon, talagang hahaulin kita. Sa totoo lang, kung ayaw mo makinig, putang-ina, papatayin talaga kita, sa totoo lang. (laughter/applause)
Pati yang pulis, pati si Bato, sabi ko, either you stop it or I will put a stop. So ganun ang—kasi pagka hindi ito madala ng istorya, kung ayaw ninyo ng istorya ng ganito, eh di sige, mamili kayo. Kasi hirap na nga, anong makukuha ko?
Ano bang pinagyayabang ko diyan? Hindi ako nagyayabang, ayaw ko lang mapahiya, kasi ako, small time lang. Hindi naman nang—hindi nga ako nakilala eh, and yet, I said I won by 16 million.(applause)
Tapos ang lamang ko was 6 million plus. (applause) Diyan tayo nanalo. (applause) That kind of enthusiasm really, so yan ang gusto niyo—alam ninyo, hindi ako kilala. Basta ang narinig lang ninyo, patayan dito, patayan doon, patay silang lahat.(laughter) Di gawain natin.
So that is really the meat of my message. We have to improve, and maybe, the next generation, mga anak ninyo makauwi na, let’s start maybe a life somewhere in the Philippines. We will make it progress.
Yung mga Go, Go Negosyo ni Ramon Lopez, that’s one. Maghiram ako ng pera tapos ang unahin ko, yung talagang sa baba. Alam ko, sinasabi ko sa kanila so in the Cabinet meeting, sino ba itong pinakababa?
Taga-Davao ako, taga-Davao ito si Jess Dureza, nakikita niya yan. Itong mga bright na, itong mga valedictorian, kita nila yan.
Sabi ko, sa Davao, early dawn, may makita ka diyan halo-halo: Moro, mga— diyan sa palengke, maglagay sila ng—diyan sa street, wala mang masyadong traffic. Diyan sa semento, sa aspalto. Kamatis, ganun.At 6:30, wala na, gi-pause na yan sila. Yan lang ang kita nila, kaya sabi ko, unahin mo muna, walang pili yan. Kaya nga ako, hindi rin ako maka-ano, kasi wala ka mang maano sa akin.
I cannot be a zealot of Christianity because I have a Muslim blood. Maski konti, talagang lola ko, Iligan kami, ang bayan, yan lumipat lang sa Iligan, pero Marawi naman yan.
Hindi naman ako maka-anong Kristiyanos, kasi in one line, my son, the Vice Mayor now of Davao City, married a lady; ang nanay Maranao; ang tatay, Tausug. So paano ako ma—so I have to—wala nang dito lang, dito lang tayo sa gitna, only what is fair.
That’s why,nakausap ko na si Nur. I think he left for the— “Umalis na ba si Nur, Jess?”Pumayag na siyang mag-usap. Now, we are going to begin our talks with—I just signed the— another verson sa BBL pati transition, it is more than just what the BBL provided, hopefully we’ll start the talk.(applause)
Then, ang mga komunista, nag-uusap na tayo, so there is no more, wala nang NPA ngayon everywhere, (applause) wala na mga nasa bukid. Kasi we are talking in Oslo, ang panel natin doon, si Jess Dureza; he’s the presidential adviser for ano talaga, peace process.(applause)
And siya rin yung—he’s handling tha talks in Mindanao. Kung maawa si Allah, baka talagang makuha natin ang gusto natin. There will be peace in Mindanao. Totoo yun. (applause)
Pag nagawa ko yan, walang korapsyon at nagkaroon tayo ng kapayapaan, sabi ko nga, hurry up, i-Federal talaga natin. There is no way that we can have peace in Mindanao without going Federal System. (applause) Yan ang gusto ng mga Moro noon pa at yan ang gusto ng mga komunista. Ang ayaw ng, may gusto niyan, yung nakahawak sa power ngayon at yung mga mayayaman, mga oligarch, yung walang kapital sa buhay nila kundi laway. Marami yan, ano lang yang kanila, kontak-kontak lang. ‘Pare, Ibigay mo sa kin yang kontrata na yan,eh ang bata ko dito,’ ganyan lang yan.
Ngayon,wala yan. Ako nanalo, walang pera. Wala akong utang na loob sa inyo, tang-ina. (applause) Wala akong makina.
Maniwala kayo o hindi. Ang—there are about—ilan bang mayor sa Pilipinas? 70? Hindi mayor, ang governor? It’s about 70? 1,600 mayors?
Sa Luzon, ang sa akin, si Imee Marcos lang, pati si Garcia ng Bataan. (applause) Sa Mindanao, well of course, landslide ako pero wala akong—ang governor, kaisa-isa lang at dahil siya ay naging kasintahan ko.(laughter/applause)
Matanda na siya ngayon but she was, she became mayor when she was only 27. Ako naman noon 42 lang ako. Bata-bata pa kami. Kagabi, nandoon siya sa Malacanang. Hinila ko sa isang kanto, sabi ko sa bodyguards, “oist, umalis kayo diyan, (laughter) halikan ko lang itong—”, pero hanggang diyan nalang kasi may asawa eh baka mapatay tayo.(laughter)Ngayon meron na, noon wala.
So yan ho ang mensahe ko sa inyo. You have to be assertive. Yun lang ang kailangan ko sa inyo.Na pag may maghingi tapos tama, di bayaran mo. Magtawad ka. Pero sabihin mo yang extortion, sabihin mo, I will not give you a cent, ni isang centavo. Kung gusto mo, sampalin pa kita. (laughter)
Kasi magkaroon ng gulo yan kasi sa airport, siyempre, eh di magtanong ako, anong nangyari don?Eh sinampal ng babae galing Malaysia. (laughter) Anong nangyari?Yung pag-open ng luggage, hinawakan niya yung kamay, ayaw niyang bitawan. Ah hindi graft and corruption. (laughter) Pag-ibig yan. Ibang istorya ‘to. (laughter)
Pero maghingi–hingi ganun, alam mo, one or two, ito malaman ninyo ha? Pagka hindi commercial, ibig sabihin hindi naman masyadong marami. Kung yang ibigay sa nanay, mga perfume yan, huwag mo nang buksan-buksan. Kung wala ka nang makita diyan, wag ka lang magdala ng shabu.(laughter)Totoo, maski saan kayo, be assertive, anywhere. Sabihin mo, Pilipino ako, andeven dealing with other countries, you just be respectful.
Kagaya dito.I’d like to thank, before I forget, the Malaysian people,, and of course si Premiere Najib Razak for being so kind, so human, so civil sa ating mga kababayan nandito. Wala akong mapuna dito.
Diyan lang rin ako, saludo talaga and diyan sa Indonesia. (applause)
Alam mo kung bakit? Magkabalat kasi tayo. Originally, we were under the Sri-Visayas Empire of the Malay race. Ang problema, 1521 dumating si Magellan. Of course, he brought with him cannons, gunpowder and religion. Pero ayaw ko na pakialaman yang relihiyon.
Nandiyan na yan eh, the spread of Christianity and the spread of Islam, pareho lang man. Pero before, magkamukha tayo eh, (laughter) talaga, totoo. Halos magka— Indonesian ganun din, just a little bit darker but we come from the same genetical na— kaya ang ating tratamento, hindi tayo masyado tayo, eh kasi puro tayo Malay. Kagaya ng sa Africa, puro sila itim doon.
I mean, no offense in them pero parang ganun, genetica, pareho tayo. South America, halos sila parehongmga— conquered by the Spaniards also. So that’s how it came about, that we live in this world of— so we have to have the humanity.
But the thing I can really promise you is the there will be no corruption. Absolutely.(applause)
And I will try to make this country, yung Pilipinas, a better place where someday you can come back and settle down and find a—pwede ka magnegosyo, maraming trabaho.
This time, it’s a rocky road. Nag-uumpisa palang ako and I just— itong human rights nga, sabi ko sa human rights, if you have the evidence, file it in court but I will never—– buti ang mag-klaro kayo: I will never, never, never ever na makita ko na isang pulis o military, papasok sa kulungan dahil sa away sa drug.
I declared war and I will stick to it. Walang pulis o military papasok sa kulungan dahil sa itong away ng droga.
Problema ninyo yan kung anong mangyari diyan, basta ako, I will defend the soldiers and the police because wala akong ibang maasahan kundi sila.
That’s why, I have to protect them because they are also, at the same time, doing their duty to our country.
So with that, magpaalam na kami. I still have another important meeting, itong amin ni Premiere, meron lang kaming konting usapan then after that, I will fly back. Bbut someday, baka pagbalik ko, magkita pa rin tayo.(applause)Palagi man ako dito.
Palagi ako dito kay nagmo-motor kasi ako. (laughter) Hindi, panood lang. The Tourism Malaysia, they always invite me to be here, yung, basta yung karera ng motor, kasi mahilig akong mag-motor, pati ‘yung, pero wala tayong Formula One. Palagi ako guest nila dito, kasi alam nila hilig ko. Pero may isa akong hilig na hindi nila alam. Kayo lang.(laughter)
Maraming salamat po. ●