Duterte Times

Philippine alternative social news website

Licensed under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License (CC BY-SA).
You are free to copy, reproduce, distribute, display, and make adaptations but you must provide proper attribution. Visit https://creativecommons.org/ or send an email to info@creativecommons.org for more information about the License.

Malacañan Press Briefing with DSWD Secretary Taguiwalo

Date: Fri 30 December 2016

video by RTVM 

Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo speaks before the Malacañan Press Corps on 29 December 2016 at the Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañang

Opening Statements

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ERNESTO ABELLA: Good afternoon. Happy New Year.

Today we have as a guest Ms. Judy Taguiwalo. She is not a stranger to us, this is her second time to act as a resource person.

She is also a member of the Cabinet and a retired professor of the Department of Women and Developmental Studies in UP Diliman.

She is also currently on top of the rescue operations of — regarding the recent natural disasters. And so without further ado, we’d like to call on Secretary Judy Taguiwalo. Please welcome, Malacañang Press Corps Ms. Judy Taguiwalo.

DSWD SECRETARY JUDY TAGUIWALO: Thank you, Spokesperson Abella. Magandang tanghali ho sa mga kagawad ng media. Pasensiya na ho at talagang matrapik. Galing pa ho ako ng Quezon City.

Nagagalak ako na nabigyan ng pagkakataon na makapag-ulat sa mamamayan pagkatapos ng Nina at pasara na rin ‘yung taon.

So, ngayon ko lang natanto na sa Department of Social Welfare and Development wala palang bakasyon. Kahit holidays nagtatrabaho ang ating mga kagawad, ‘yung ating Disaster Response and Management Bureau, ang mga field offices natin sa Regions 5, CALABARZON, MIMAROPA, at NCR, at Region 8 dahil nga sa pagdating ng Nina.

At kagabi naman nagkaroon ng pagbobomba sa Leyte. Nag-ulat din sa atin ang ating regional director at gusto ko kaagad iyan maiwasto. Pasensiya na Usec. Abella dahil ala-una ng madaling araw ng ipinaabot sa akin ng regional director ng Leyte ang nangyaring pambobomba at ang initial na ulat ay may sampung patay. Hindi ho totoo ‘yan. Kung nakuryente ho tayo, ako ho ang may kasalanan, hindi ang ating spokesperson.

So, wala hong casual — wala hong namatay pero may mga 34 casualties. Nasa ospital, sampu na ang nakalabas at nasa ospital ‘yung iba pa. Iyong ating DSWD field officer ho ay naroroon ngayon, handang magbigay tayo ng tulong. May 5,000 pesos na financial assistance tayo sa mga nasugatan at sasagutin ho ng departamento ‘yung kanilang hospital bills.

Sa Nina naman, patuloy pa rin ang ating response. Sa ngayon, pagtitiyak ng mga prepositioned goods natin sa iba’t ibang mga munisipyo ay maibigay sa mga mamamayan at madagdagan ito. Sa actual na report ho ng — as of December 29 at 2 a.m., at mamaya ay bibigyan namin kayo ng handouts kaugnay ng report ng ating Disaster Response and Management Bureau, ang total ho na natamaan ay mga 813 barangays, 206,812 families, and 923,485 persons.

Sa Albay ho, ah sa Bicol ho ang major na tinamaan dahil naka-ilang landfall siya doon mula sa Virac, pumunta sa Sangay, sa Bato ‘no. Ang hardest hit ho doon although nag-unang landfall like Catanduanes at doon ho kami nagpunta ang Gabinete ni Presidente at si PRRD mismo. Eh tapos nagtuloy kami sa Pili, two days after Nina. Sa Albay ho ang pinakamarami na nasalanta, 240 barangays, 100,000 families.

So sa total na 504 barangays sa Bicol na tinamaan, halos kalahati noon ay sa Albay, sumunod ho ay Camarines Sur, 153, na may 27,919 families at Catanduanes na may 69 barangays at 21,906.

Ang data na ho ito as of 2 a.m. kaninang madaling araw.

Sa MIMAROPA ho, ang matinding — 80 barangays ho ang tinamaan with 5,105 families, Marinduque ho. Bagamat anim na barangay lang ho ang natamaan, mahigit sa 2,000 na pamilya. So ang Marinduque ho ang most number of affected families sa MIMAROPA. Sumunod ho ang Oriental Mindoro.

Sa CALABARZON ho, out of 161 barangays na affected at 4,245 families, Quezon ho. Quezon ho kabilang ang Bundok Peninsula, General Luna, Mulanay ang tinamaan 104 out of — and 2,866 families. Mamaya ho i-distribute natin iyan.

Nakapagpalabas na ho tayo ng 47,298,500 na assistance in the form of mga relief goods. Malaking bahagi ho ‘yan ay galing sa DSWD. May maliit na bahagi na galing sa mga LGUs ‘no.

So, ano pa ba ang i-report natin? Iyong sa reseta ni President Duterte na ‘yung isang bilyon na idina-download niya sa ating departamento ay inaayos pa ho natin ‘yung guidelines. Nililinaw lang ho natin na hindi ho pera ang ibibigay ng department.

Dadalin ang reseta mula sa doktor at valid ano, bagong reseta, iva-validate ho natin iyan at bibigyan ho natin ng guarantee letter sa iba’t ibang mga botika. So hindi ho pera.

Ngayon, inaayos natin na may Memorandum of Understanding tayo sa malalaking ospital kasi doon ang pinakarami eh. Sa NCR, itong Philippine General Hospital, sa San Fernando Pampanga, sa Cebu, Iloilo, at Davao.

Hopefully, mas ma-implement natin ito by the start of next year 2017. Kahit ngayon hindi pa na-download sa department ang one billion, inumpisahan na ho natin ito. Kung may mga reseta ho na valid at indigent ho ‘yung nangangailangan, hahanapan ho ng paraan ang department na maibigay ito dahil alam natin ang usapin ng gamot ay nag-i-spell out ng buhay o kamatayan lalo na sa mahihirap natin.

Questions and Answers

MARLON RAMOS (The Philippine Daily Inquirer): Good morning. Iyong…Ilan na…Bale magkano na po ‘yung na-release na lahat-lahat ng DSWD on displaced typhoon victims?

TAGUIWALO: Okay, ang data. Assistance… So, assistance provided, it is 46,549,207 pesos mula sa DSWD at 749,293 pesos mula sa LGUs or a total of 47,298,500 pesos. Ito ‘yung total assistance provided as of December 29.

Ito ‘yung mga relief goods natin ano, mga family food packs na galing sa DSWD at galing din sa mga LGUs.

RAMOS: Are there difficulties in reaching out to the typhoon victims? I mean, other areas…

TAGUIWALO: Definitely. We will know more about that itong mga following days hindi ba. We have prepositioned goods before Nina. Halimbawa, sa Catanduanes, nag-preposition tayo ng 13,000 na family food packs doon.

Sa lahat ng munisipyo maliban sa dalawa because we’re enable to provide this prior to Nina. Even then kailangan natin magdala ng additional. So nagpadala tayo doon ng 5,000.

Ganoon rin ngayon sa Marinduque. Kahapon lang ang bulto ng augmentation na ipadala at matagal iyan hiningi din nila iyon. At may mga island na mga towns na kailangang abutin. So sa karanasan natin ay relatively madali sa mga town centers at mga cities ano basta ma-clear na ‘yung mga daan. So iyon ‘yung isang barrier. Kung hindi maki-clear ang daan, for example, sa Catanduanes hindi naman lahat, magkakaroon ho ng delay sa pamimigay or masyadong geographically isolated it will take time also.

So doon tayo nagpapatulong sa mga kasamahan natin sa OCD kung kailangan mag-airlift tayo ng goods.

RAMOS: Are there areas po na hindi pa napupuntahan ngayon ng government relief workers?

TAGUIWALO: Iyon pa ang aalamin natin kasi nangyari iyon 24 ano, 25 na actually. 26 nag-umpisa na ang relief, 27, 28. So far, kinukuha pa natin ang field reports ano. Pero on top naman…Ang natiyak natin, naumpisahan na ang mga relief assistance mula sa field office sa Quezon, siyempre sa Bicol, Catanduanes, Camarines Sur, Albay pero hindi pa saturated. At katulad ng sinasabi ko, nagre-rely tayo pangunahin na sa mga local government units kasi nasa kanila ang prepositioned goods. Augmentation ho ang trabaho natin bilang national agency.

RAMOS: Last one, just on the medical assistance for poor Filipinos. The President said he wanted this to be implemented immediately. So how are you going to go about that?

TAGUIWALO: We are implementing it immediately, meaning, kung may reseta na valid na indigent, we find ways to provide that assistance mula sa existing funds naming. But the actual one billion pesos have not been downloaded to us.

At you know naman we have to come up with guidelines. We have to come up with guidelines because this is still government money. We have to make sure na in line ito sa mga existing rules ng gobyerno. So iyon ho. Iyon ang kuwan. Immediate ginawa na natin pero wala pa hong pera sa amin. Gayunpaman, nilinaw natin pwede na hong maumpisahan basta ho may reseta kayo at magpunta kayo sa DSWD field office, tutulungan ho kayo na makuha ang gamot na ito. Hindi ho pera ang maibibigay namin sa inyo sa kagiyat but referral o kaya guarantee letters ‘no.

RAMOS: Papaano po ‘yon, prof? Paano po ‘yung guarantee letters na ibibigay?

TAGUIWALO: Usually may Memorandum of Understanding kami sa mga botika. So magbibigay kami ng guarantee letter, halimbawa, sa isang drug store, Generics Drug Store, ito ho pakibigay ‘yung gamot na ito, sasagutin ng…Immediately ho kapag 5,000 pesos ang worth ng reseta or below kaya ho namin ma-process iyan kaagad. Pero beyond that, hindi. Kailangan pa ng process ‘no. Maximum of 25,000. Iyon ‘yung existing namin na guidelines ngayon.

CHONA YU (Inquirer Radyo): Ma’am, just would like to know, ano po ang laman ng relief packs? Usual pa rin po ba ‘yung sardinas, NFA rice?

TAGUIWALO: Iyon pa rin, although, meron na tayong bago ngayon sa DSWD, ready to eat na arroz caldo. Sinikap natin ‘yan, itinry (try) natin ‘yan sa Batangas Port na maraming mga na-stranded doon. So ready to eat ‘yon.

Hindi ‘yan kasama sa family food packs. Ang family food packs natin six kilos of rice, 4 cans of sardines, 4 cans of corned beef, and six packs of energy drink or coffee.

JAM SISANTE (GMA-7): Clarification lang po doon sa medical assistance. You mentioned 25,000 ‘yung maximum, is that per person per year? Ano po ba ‘yung?

TAGUIWALO: Hindi naman.

SISANTE: Ano po ‘yung 25,000.

TAGUIWALO: Basahin ko lang ano, mainit-init pa itong guidelines. Kahapon lang namin napinal ito. Based naman ito sa current guidelines natin sa medical assistance. So ano ang range…Okay.

“Maximum allowable assistance that a social worker or the authorized personnel may recommend is only up to 25,000 pesos. However, in extremely justifiable cases, the amount of assistance beyond 25,000 but not to exceed 75,000 may be granted subject to the approval of the assistant secretary for protective programs for DSWD Central Office or the regional director for DSWD field office.”

So 5,000 ang minimum, up to 25,000 kaya idesisyon ng social worker sa field level. Beyond that, kailangan ng approval ano ng director ng field office.

SISANTE: Any word po kung kailan daw mado-download sa office ninyo ‘yung one billion?

TAGUIWALO: Basta ma-submit namin — ito ‘yung isang dahilan bakit ako na-late. Kailangan pa namin palagyan ng number ito as part of memorandum…We will bringing this to the office of PMS, kailangan nila ito. Ready naman daw ang pera. They waited for the proposal at kahapon lang namin talaga na-pinal sa isang meeting.

LEO PALO (DZME): Good morning. Ma’am, kasi nabanggit po ng Pangulo ‘yung Millennium Development Challenge. Paano po ‘yon? Saan tayo kukuha ng pondo natin, for example, parang lumabas kailangan self-sufficient tayo, tayo na mismo ang gagawa ng paraan sa pondo.

TAGUIWALO: Ang Millennium na assistance naman isang bahagi lang ‘yan at hindi naman…So meron namang budget ang department ano para sa GAA para sa mga disaster at iba pang pangangailangan. Bukod niyan may iba pang tumutulong sa atin.

In fact, ‘yung Australia ho naka-preposition na sa atin talaga ‘yung tulong nila. From the beginning ho, the Australian government has been helping us. The Chinese government has also helped us and we have assistance from private companies sa Manila Water provided us with water, the 7-Eleven Foundation has also helped us in terms of providing food for our volunteers ‘no. Metrobank Foundation is also assisting and even — there are so many offers from our local foundations. So, tingin naman natin although — nalungkot tayo at hindi nila ibinigay ‘no sa kalagayan na kailangan natin ng tulong pero hindi naman tayo maninikluhod para ibigay ‘yan. At nagpapasalamat tayo sa iba nating mga kaibigan na patuloy ang pagbigay ng tulong sa atin ng walang kondisyon. But tinitiyak natin na pupunta po ito sa mamamayan.

PALO: Pero sapat naman po ‘yung pondo?

TAGUIWALO: Kung hindi sapat hihingi ho tayo sa Pangulo hindi ba? Palagi naman kami tinatanong ni President e: ‘Do you still have money?’ So right now, we are asking for additional money for Nina. Ito na-i-augment na ang ating relief goods and we will be preparing a proposal para sa emergency shelter assistance. So that will be requested from DBM dahil magsasara na ang mga libro ngayong 2016 e.

PALO: Magkano po ang additional?

TAGUIWALO: Ang hiningi namin ay…

PALO: Malaki ‘yan, ang tagal eh.

TAGUIWALO: Hindi, mga 614 million pesos para lang ma-augment for this — ‘yung sa relief assistance.

PALO: 614 million, ma’am? Okay. Ma’am ano medyo lihis lang ako ng kaunti, sa street dwellers lang po kasi. May panukala ko ang Pangulo, any reaction, ‘yung ipapa-repeal po ‘yung Anti-Mendicancy Law?

TAGUIWALO: Kung ma-repeal natin susundin natin ‘di ba? Para… Sa ngayon, enforced pa ang Anti-Mendicancy Law. Actually kung basahin natin, nagpo-proteksyon ho ito sa mga bata eh sa mga nine years old and below para hindi sila magamit na — gamitin, ma-exploit sa mga iba’t ibang pamamaraan.

So, while the law is enforced, we will follow it. If the law is repealed, you know, we will also obey. Right now, I think caroling is not prohibited per se, marami lang — may mga requirements lang so it won’t be abused by people at may safeguards din na maproteksyunan din ‘yung mga communities natin.

PALO: Ma’am, madami pa hong street dwellers ngayon, mga Aetas, mga Badjao, lalo na ho diyan sa bahagi ng San Juan at Manila. Ano po ang gagawin natin doon?

TAGUIWALO: Patuloy ho natin itong mino-monitor, mahigpit ‘yung ating coordination sa mga local government units. Bago mag-Pasko nitong December, nagkaroon tayo ng two days na consultation workshop ano sa mga local LGUs dito at mga NGOs na tumutulong kaugnay ng mga street families at may mga programa ho tayo. Isa ho ‘yon ‘yung activity centers natin binubuhay natin ‘no. May mahigit tayong 50 – 57 activity centers sa 17 na LGUs. Nakikipag-coordinate din ho tayo sa National Youth Commission, kina Aiza Seguerra para makatulong natin sila sa pag-create ng program sa mga bata para sa loob sila ng mga activity centers natin rather than sa kalye.

So, ongoing ho ito na program at ang programang ho ito ay programang kailangan hong pagtulungan ng DSWD bilang national agency, local government units, mga NGOs, mga faith-based organizations at mga foundations.

ROSE NOVENARIO (Hataw): Good afternoon, ma’am. Noong nakaraang administration po, ‘yung street dwellers ay nasa ilalim daw po ng modified conditional cash transfer program. Hanggang ngayon po ba ay under pa sila ng modified CCT?

TAGUIWALO: Covered pa rin sila, modified conditional cash transfer program natin for homeless families ay ganun pa rin, may 3,000 pesos a month na rental na ipo-provide sa kanilang landlord para may matitirhan sila good for one year at pwedeng ma-extend for another year.

NOVENARIO: Pero ma’am ano po, it seems na hindi naman po — parang hindi po nagtagumpay ‘yung layunin ‘nung modified CCT dahil pabalik-balik po sila sa lansangan at saan po naau-audit po ba ng DSWD kung saan napunta ‘yung pondo na naibigay sa kanila?

TAGUIWALO: Oo naman, kung sa pondo ho…Wala hong naibibigay sa kanila eh. Diretso ho ito sa may-ari ng kwarto o bahay na uupahan nila. So wala hong direct na cash out sa mga homeless natin. So inaayos iyon ng ating mga social workers. Ngayon, kung pabalik-balik, iba’t ibang mga factors iyan ‘no. Kung hindi sila matulungan na magkaroon ng hanap-buhay, kahit na may shelter ka ‘di ba, wala ka namang pambayad sa kuryente, wala kang pambayad sa tubig, kulang sa pagkain.

So may mga — may mga success stories naman tayo na kaunti sa Badjaos pero ‘yung extent talaga ng problema ay napakalawak ‘no. At hindi lang naman pabalik-balik, may mga bago. Na-demolish sila, i-relocate sila doon. Ang relocation area, sabi nga nila from danger zone, dadalhin kami sa death zone. Walang kuryente, walang tubig, malayo sa hanap-buhay, ‘balik na lang kami sa danger zone at least danger lang, doon patay.’

So, ‘yung problema natin sa homeless ay problemang malawak. At ang…It should be a whole of government effort. Ganoon na naman ulit ang sinasabi usapin din ito ng trabaho, ng lupa, ng abot-kayang serbisyo.

So, we are trying to do our part. May modified CCT tayo para sa homeless. Naga-attempt din tayo na maisama sila sa mga sustainable livelihood programs natin. Tinutulungan tayo ng TESDA, ng DOLE. Pero extremely talaga massive ‘yung problema.

NOVENARIO: Ma’am, last na lang po. Meron po bang direktiba si Presidente tungkol po sa homeless sa paghahanda po sa Miss Universe po next year?

TAGUIWALO: Iyon naman nag-usap na kami before pa eh. Bago pa talaga nag-Miss Universe. Noong umpisa pa lang ako, tinanong ko na siya kung — kasi hindi lang Miss Universe, APEC ‘di ba? ASEAN.

‘So, sir, anong gagawin natin? Itatago ba natin sila?’ Siyempre hindi naman natin matago kasi temporary siya na measure. Pero ano ang magagawa natin? Ito nga ang tinatry natin na makausap sila, ano ang kailangan nila kasi sa totoo lang hindi talaga safe ang streets ‘no especially for the children.

When we do that, we do that because we want to ensure din ‘yung safety nila. We don’t do that para pagandahin ang anong dadatnan ng mga turista. And we said that before na karamihan sa mga kandidata naman ng Miss Universe, mga galing din sa Third World countries na katulad sa atin na marami ring mahihirap. So hindi magiging bago sa kanila ang sitwasyon natin.

So ito ho ‘yung kuwan. Hindi ho natin sila itatago pero kung may paraan ho tayo na hindi sila malagay sa panganib dahil nasa kalye sila may Miss Universe man o wala, pagtulungan ho natin ‘yan.

LEILA SALAVERRIA (The Philippine Daily Inquirer): Ma’am, clarification lang. Ano po ‘yung guidelines natin para hindi maabuso ‘yung one billion na fund para sa mga gamot?

TAGUIWALO: Oo nga. Ngayon, ang guidelines natin ganoon pa ang existing ano, every three months ang pag-access nito except kung talagang kailangan. So ito ‘yung pino-problema natin ‘yung dialysis, gamot sa dialysis, ang gamot sa chemotheraphy. So ito ‘yung aayusin natin. Kasi sa experience natin before the one billion, ang kalakhan ng mga humihingi ng tulong sa crisis intervention units natin o kaya sa assistance to individuals in crisis, medical assistance talaga.

So, may guidelines naman ho tayo, may safeguard tayo, ma-ensure na ‘yung reseta ay valid ‘no talagang doktor ang nag-issue. At the same time, ayaw naman ho natin pahirapan. So ang madali ho kaya inisip namin na makipag-coordinate sa hospitals kasi alam natin maraming pasyente doon na sa charity na may mga reseta na hindi kayang bumili at na-assess na ‘yan ng social welfare ng mga hospitals eh so wala ng kailangan ng indigency.

So will be coordinating with the social workers, for example, ng PGH, para kung sino ‘yung mga pasyente na kailangan ng gamot, matulungan na namin.

At actually I think, ito ang isa sa mga dahilan bakit nag-download si President ng one billion because doctors of PGH requested him to assist our indigent patient.

EVANGELINE FERNANDEZ (Police Files): Yes ma’am, good afternoon.

TAGUIWALO: Okay.

FERNANDEZ: Madam, ano pong maitutulong sa mga natitirang street dwellers sa mga kalsada kung meron man?

TAGUIWALO: Meron ho tayong ngayon — may hotline ho tayo, ibibigay namin sa inyo mamaya ‘yung numbers. Ito ay para sa DSWD-NCR. Meron ho tayong mga— may 4Ps ho tayo at ‘yun na nga ‘yung modified CCT. Ibig sabihin pwede silang makapag-avail ng tulong bukod sa 3,000 na rental, may assistance ho sa mga bata na nag-aaral. So it will about, amount—aside from 3,000 may mga 1,500 a month, basta may mga anak na maliliit.

Tapos meron din ho tayong efforts na ma-enrol sila sa PhilHealth para magkaroon ng health service. Pero ang pinakamatagalan would be trust or capital sa training. Ang hirap lang kasi kung minsan i-relocate dahil ang kanilang karaniwang trabaho ay pagtitinda. And that would require, nandoon sila sa thickly populated na areas na dangerous din kasi ‘yun din ang usually ma-traffic.

Again, we coordinate with the local government units. So dito sa NCR ang nagwo-work dito directly would be our National Capital Region, at meron kaming mga street facilitators, meron din ho kami Twitter account para sa outreach kung kinakailangan.

FERNANDEZ: Ma’am, are you aware of the—some of the NGOs or the LGUs na during this time of —mga typhoon meron silang—nagha-house-to-house sila para malaman kung sino po itong mga dapat bigyan ng kanilang mga tulong. Pero unlike, na hindi naman daw po nila natanggap?

Kasi may lumapit po sa akin na isang tao na hindi —nakalagay po ang pangalan nila, pero hindi po sila nakakatanggap, nakatanggap ho sila ng sulat pabalik na hindi sila nakatanggap ng ganoong amount. What can the DSWD do regarding this?

TAGUIWALO: Siyempre kung sa LGUs ‘yan kay Secretary Mike Sueno ito natin iuulat ano kasi under sa kanyang department ang supervision ng mga local government units.

Sa bahagi naman natin, pwede rin mai-ulat kasi gusto natin matiyak lalo na kung sa usapin ng bagyo, ‘yung mga nasalanta na wala talagang resources ay dapat kagiyat na mabigyan ng tulong sa kanila talaga ito.

So actually, hindi dapat nangyayari ‘yun. Talagang labag na sa—hindi lang usapin ng kabutihang-asal, labag na talaga sa pinaka-simple lang na kuwan—na pagmalasakit ano na –hindi naman sa iyo ‘yan bakit hindi mo pa ibigay sa kanila na nangangailangan? So I think malinaw na ‘yan, pinapa-abot natin — palagi kong pinapa-abot ano ‘yung instruction sa amin ni Presidente Duterte, maagap at mapagkalingang serbisyo, patas na pagtrato sa mga komunidad na hindi nangingilala ng kulay, at serbisyong walang katiwalian.

Ito ho ‘yung basic guides sa amin sa pagbigay ng tulong sa ating mamamayan at umasa kami ng mga local government units ay kaisa ng Pangulo at kaisa ng ating Gabinete sa pagtitiyak na mapatupad ang mga gabay na ito.

DEXTER GANIBE (DZMM): Hi Secretary, magandang hapon. Tatlong puntos lang po. Balikan ko lang ‘yung sa bombing. Kasama din po ba doon sa makakatanggap, kasi kasabay din nung 9:30 kagabi doon sa Aleosan may pito din pong nasugatan?

TAGUIWALO: Saan?

GANIBE: Sa Aleosan, Cotobato.

TAGUIWALO: Basta ho mayroon hong mga ganito, kaagad ho—hindi ko pa alam kasi ‘yan eh. Kaagad ho ipinapa-abot natin sa field office natin. Ito hong bahagi ng programa natin na assistance to individuals in crisis. So usual assistance ho natin ‘yan ay pagtulong sa kanila sa ospital. ‘Yung may immediate cash assistance tayo. At pagtulong sa kanila sa hospital bills including sa point of care na PhilHealth ano at katuwang naman natin ‘yan ang Department of Health si Secretary Ubial.

GANIBE: Pangalawa po. Ma’am,ano pong masasabi ng kagawaran dun sa ginawa noong Manila City Social Welfare Office na paghahakot ng mga street dwellers na dinala sa Boystown? May insidente kahapon na may mga tumakas. Ang binabanggit is ay hinahakot daw sila para dun sa paghahanda sa Miss Universe a week from now.

TAGUIWALO: Napanood naman natin iyan sa TV at ang sinabi…

GANIBE: May basbas po ba ang DSWD central office?

TAGUIWALO: Autonomous naman ang local government unit. So call iyan ng local govenrment unit ano. At mahalaga siguro na makapagusap kami. Kasi may mga similar naman kung social workers lahat ito may mga basic principles kami na sinusunod. Kaugnay ng pagtrato sa mga mamamayan natin lalo na ‘yung mga bata. Ano ‘yung kanilang maasahan?

So kung may basbas, hindi ho nila kailangan ng basbas mula sa amin dahil kanila iyon na constituency. So ‘yun ho ang aking masasabi. Hindi ho kami ang nag-ipon sa mga tao na iyon sa mga kabataan, sa mga pamilya para dalhin sa Boystown.

Nalungkot tayo na may mga tumakas ‘no. Ibig sabihin hindi naging maayos ang pagpaliwanag bakit sila dinala doon. So nakakalungkot dahil Paskong Pasko nga.

GANIBE: Hindi po ba ito taliwas doon sa kagustuhan ng Pangulo na huwag na silang alisin sa mga streets, hayaan lang sila?

TAGUIWALO: Ang Pangulo may general na paglilinaw hindi ba? Ang sinasabi niya naman na ang mga local government units hindi iyan directly under sa kanyan although may oversight functions kami.

So tingin ko ang mahalaga mas makausap natin ang mga local government units para makapagpalitan tayo ng kuro-kuro at talagang makapagtulungan na kinikilala ang pangangailangan na maayos ang pagtrato natin sa mamamayan, kabilang na yung mahihirap, lalo na ‘yung mahihirap.

GANIBE: Huli na lang po Secretary. Doon sa 1 billion para sa reseta, may mga target na po ba kayo kung ano ang mga ano ito ano ang mga botika o mga drug store yung magkakaroon kayo ng Memorandum of Understanding?

TAGUIWALO: Kung sa mga drugstores, wala pa. Pero kung sa usapin ng mga hospital na initial kasi 1,000 ano, University of the Philippines; PGH sa Manila; Jose B. Lingad General Hospital sa Pampanga; mataas ang poverty incidence sa Central Luzon ano; Western Visayas Medical Center sa Iloilo City; Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu; Southern Philippines Medical Center sa Davao; at Davao Regional Hospital sa Tagum.

Ito ho yung initial batay doon sa pondo. At titignan ho natin ‘yung karanasan natin kung paano talaga ito nakakatulong at gaano kakasya ang perang ito. Tingin namin kulang ito pero maganda na na umpisa.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Good morning. I have a good news. 95% of Pinoys greet New Year with hope. The SWS survey taken from December 3 to 6 found 95% of adult Filipinos has said they are entering 2017 with hope rather than fear which is up from 92% percent last year.

The survey was based on face-to-face interviews with about 1,500 adults,18 years old and above, and the survey said that this attitude of hope is widespread in all areas. 97% in Balance in Luzon; 95% in the NCR region and 95% in Mindanao; and 92% in the Visayas.

Likewise, the same survey, the fourth quarter 2016 SWS survey also found out that 50% of respondents were satisfied with state institutions; 17% were dissatisfied and 30% undecided on the performance of the Cabinet of the President. Yielding a good +32% net satisfaction score.

Also, the Department of Education personnel in nine regions began receiving their performance based bonus for the year 2015. The bonus for the fiscal year 2015 will be given to school based personnel in Regions 4A, 4B, 5, 6, 11, 12, Caraga, CAR and NCR before 2016 ends.

Director Ryan Lita of Department of Budget and Management organization has already signed the memorandum on the processing of special allotment release order and notice of cash allocation for Regions 1,3,9 and 10.

The Department of Education directed remaining regions to submit right away their signed form 1-0 or the report of ranking of bureaus, offices and delivery units.

Also, the DPWH has opened CAVITEX and Skyway connectors and portions of the new elevated NAIA expressway that connect the three terminals have already been opened.

According to Secretary Mark Villar, the opening of the NAIA expressway ramps 11 and 12 may reduce travel time by at least 40 percent.

We are open to questions.

SISANTE: At the SWS survey, what do you think this indicates about the public’s perception of the administration — of the performance of the administration? Do you think the public’s — what the public said about being hopeful about the New Year, does this indicate what their perception of the performance of the administration?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: I suppose it’s part of the whole package, you know. Based on results, apparently the public is quite satisfied with the performance of the administration. Next question.

RAMOS: Has the Palace been briefed about the separate bombings in Cotabato and Leyte?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: I’m sure they have heard about it. But we don’t have any reports regarding specifics.

RAMOS: Do you have any statement on that related to terrorism or another — ?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: They are all under investigation right now. But let me see…Regarding the…The IEDs ‘no? No, they are all under investigation right now although most of them are…Yeah, they are all under investigation.

RAMOS: Should the public be alarmed by these incidents because it happened less than a week after the bombing in Midsayap?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: It’s an area of concern but not alarming.

RAMOS: Not alarming. Why, sir?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Simply because, first and foremost, there have been no…Nobody has made actual claims regarding the responsibility — has not taken responsibility for those explosions. So we cannot pinpoint any specific area or person responsible.

RAMOS: Vice President Robredo issued a statement today saying that President’s threat declaring Martial Law should not be taken as a laughing matter.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: No one is laughing. Nobody is laughing about it.

RAMOS: Last time, sir, you mentioned that the President would impose Martial Law only when it is needed to protect and preserve the safety of the people. With these recent incidents of bombing, does Malacañang see a need for — ?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: No, at this stage, there are no indications regarding that matter. These are all being considered. For example, the situation in Hilongos, Leyte, these are not areas that have really been subject to threats like bombings. And that’s exactly why it’s all under investigation right now. But these are not indicators of — indicators at that — context of being setup for let’s say declaration of Martial Law, for example ‘no.

RAMOS: Regarding the bonuses, sir. In all his visits to the police and military camps, President Duterte repeatedly said that he would double the basic salaries of soldiers and policemen. We are only about two days away before — three days away before 2017…

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: I’m sure the President has serious intentions of fulfilling his word. However, he also has to work within certain structures. So I’m sure the process is being — the process is being followed.

RAMOS: As we speak, as of today, has it been implemented?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: As far as I know, not yet. As far as I know.

GANIBE: Hi, Usec. Good afternoon, sir. Meron bang, tawag dito? Categorical na pahayag o utos ang Malakanyang pagkatapos nung magkasunod o halos magkasabay na pagsabog kagabi? At ‘yung maraming nabahala doon sa — may mga minors din na napatay sa isang shooting incident sa Caloocan kagabi?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: We don’t have categorical statements regarding those matters. Everything is under investigation.

SWEEDEN VELADO (PTV-4): Good afternoon, Usec. Sir, as reported earlier there are more than 30 of casualties from the Leyte blast does the President have any plan of visiting the casualties in Leyte, sir?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: We don’t have the schedules right now. But I’m sure eventually he will.

VELADO: Within this year, sir, or after New Year na po?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: I cannot say so. But he will be here for the… As far as we know, he’ll be around for the — during the — this portion of the holidays.

VELADO: Sir, if ever you were able to talk to the President, may mga nasabi po ba sa inyo na he’s expressing concern or worry because of the blast?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Well, the President is very managerial regarding this matter. And I don’t know if it’s — areas of concern. But definitely he is on top of the matter.

VELADO: Thank you, sir.

SALAVERRIA: Sir, this coming year, what can we expect from the administration when it comes to its war on drugs? In terms of specific, sir, for instance, the President has this narco-list, can we expect the names there to face charges?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Regarding the facing charges, first and foremost, we need to understand the context of the war on drugs. It has, of course, gone on into the second phase which is already treating it as a public health issue. And third… And also, it’s also moving on towards the educational aspect, you know. Educating the young especially about the dangers of drugs.

Now regarding the whether charges are going to be brought, you know, the President is a lawyer and he makes sure that all the cases are airtight.

However, it’s also very strategic that the fact that he — the list already includes names to which the President is privy to. So, in a sense, it’s a very strategic situation that he has.

SALAVERRIA: Sir, in terms of operations. What can the public expect? For instance, will Oplan Tokhang continue? Is the government going to run after these people whoever they are killing drug suspects or drug users have surrendered?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: I think we need to be very careful about statement like the President killing people. It makes it sound so indiscriminate.

No, but they are aware of — they are aware of the people who are involved in drugs. So they continue to be vigilant and they continue to proceed with assumption of regularity.

SALAVERRIA: Sir, clarification, what I am saying is the government going to do anything about that people… I’m not saying it’s the government killing these people but these people killing other people involved in drugs. What’s is going to be the plan for 2017?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABELLA: Well, in terms of specific, of course, I cannot tell you regarding that. But again, the President is very careful that everything is done with the procedure with regularity. ●


  •  Department of Social Welfare and Development
  •  DSWD
  •  Judy Taguiwalo

Recent Events