Duterte Times

Philippine alternative social news website

Licensed under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License (CC BY-SA).
You are free to copy, reproduce, distribute, display, and make adaptations but you must provide proper attribution. Visit https://creativecommons.org/ or send an email to info@creativecommons.org for more information about the License.

Privilege Speech of De Lima After Being Replaced as Committee Chair

Date: Tue 20 September 2016

video by Senate of the Republic of the Philippines 

Senator Leila De Lima delivered her privilege speech during the 23th Session of the Senate, 1st regular session of the 17th congress, on 20 September 2016 after being kicked out as Chairman of the Committee on Justice and Human Rights.

The following is the transcript of her speech.

First of all, congratulations are in order.

Congratulations to Senator Alan Peter Cayetano for his triumphant victory yesterday, and for making me realize that a committee chairmanship is not the end of everything for me as a Senator. No committee chairmanship is worth it, if it means sacrificing my principles and surrendering the causes that I pledged my life to fight for. Many friends and colleagues have told me, if only I did not call out the President on the murderous consequences of his War on Drugs, and decided to be as meek as a sheep, I would not be in this trouble, and I would still have the Committee chairmanship. As the Bible says, what does it profit a man to gain the whole world, and yet lose his soul?

I choose to keep my soul.

Mr. President, it would take more than a Committee chairmanship, a House inquiry intended to pillory and crucify me, an Ethics Committee complaint based on hearsay, a baseless election protest, everyday tirades from the Secretary of Justice and the Solicitor General, and vicious personal attacks from the President, to take me down. I guess it would take two magazines of an Uzi machine pistol to take me down. As the saying goes, everything has been thrown at me except the kitchen sink. I am still waiting for the kitchen sink.

Mr. President, I did not expect you or the Senators to defend me from the vicious attacks of Malacanang as a person and as an incumbent Senator of the Republic. The least I expected of course is you allow me to defend myself, by myself, without any support whatsoever from the Senate. But for this body to strip me of my Committee in an unprecedented fashion at this point when we have categorical testimony establishing an uncanny similarity between the current phenomenon of the nationwide EJKs and the Davao City EJKs as perpetrated by the Davao Death Squad, was unimaginable. I now resolve to imagine more of what the President’s allies are capable of.

Sinabi naman po ng Pangulo, hindi siya titigil hangga’t ako ay kanyang madurog at mapadapa. With the House inquiry now ongoing, I already warned him, “Huwag na po ninyong ituloy Mahal na Pangulo, dahil mapapahiya lamang kayo”. DOJ Secretary Aguirre has also recently pronounced that he is ready to file the criminal complaints against me this week. But these are all based on false and fabricated evidence.

Sino naman po ang mga testigo nila? Mga preso sa Bilibid, mga convicted criminals, DOJ or NBI officials and others who have an axe to grind against me, or those who have skeletons in their closet and are now being pressured to do Malacanang’s bidding at the risk of being charged themselves.

Sa puntong ito, gusto kong iparating ang aking pagpapatawad sa lahat ng tumatayo at tatayong witness laban sa akin sa House hearing. Alam ko na kayo ay napilitan at napuwersa lamang para idawit ako sa kung anumang anomalya sa Bilibid, gamit ang panggigipit, blackmail, o marahil pati torture. Ang hindi ko mapapatawad ay ang mga nasa likod nitong pag-imbento ng ebidensiya laban sa akin. May araw din po kayo.

What is the situation now in the Bilibid? I have received reports of inmates and gang leaders being taken by the Special Action Force deployed at the Bilibid for overnight interrogation sessions, which can also be a euphemism for psychological torture, all in an effort to fabricate testimony that I received bribes from drug lords. The National Bilibid Prison under this Administration is now a tropical Gulag. Prisoners are being selected and isolated just to be intimidated into implicating me and to fit the President’s narrative that I am a drug lord coddler, aside from being the most evil woman in the planet.

Pero ano naman po talaga ang ginawa ko? Wala naman po talaga akong ginawa kung hindi gawin ang trabaho ko. Kahit ang Pangulo minsan na niyang sinambit na kahit siya ang nasa kalagayan ko, ganoon din ang gagawin niya, dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko.

Mr. President, I am not the problem. I am not the one giving a bad image to this country before the international media, contrary to the accusation and belief of Senator Cayetano. The problem of this country and this Administration is the extra-judicial killing of more than 3,000 of our countrymen in the past three months, or more than a thousand per month.

Sinabayan pa ito ng bunganga ng Pangulo na walang patumangging magmura ng mga opisyales ng UN at ng mundo, katulad ng Santo Papa, ni Pangulong Obama at ni Sec. Gen. Ban Ki Moon, sa kabila ng pagnanais lang nila na kausapin siya sa kanilang mga agam-agam tungkol sa polisiyang giyera sa droga ng Pangulo. And may I add, the President has already proven that he is more than capable of single-handedly giving a bad image of this country to the whole world in the short span of three months in office. He does not need any help from anybody on that aspect, least of all from me.

Kaya huwag po ninyong baligtarin ang mundo, na ako ang nagbibigay ng masamang imahe sa Pilipinas dahil hindi ako ang nagmura kay Obama at Ban Ki Moon. Minsan ay tanggalin naman ninyo ang mga tapaloda ng kabayo sa inyong mga mata at medyo punahin naman ninyo kahit konti ang walang kontrol na bunganga ng inyong Pangulong pinagtatanggol.

Mr. President, ito pong mga patayan na ito ang nagbibigay ng masamang imahe sa Pilipinas ngayon. Ganoon na ba tayo kakitid mag-isip para maniwala na hindi papansinin ng mundo o ng international media ang nangyayari sa ating bansa kung wala ang isang Leila De Lima? Ang pagpatay ng mahigit 30 katao araw-araw ay pagpatay pa rin sa mata ng mundo, nandiyan man si Leila De Lima o wala. Sa tingin ba ni Senator Cayetano na sa kanyang tagumpay na matanggal sa akin ang Committee on Justice ay gaganda na antimano ang imahe ng Pilipinas sa mundo? Maari, hindi naman bawal na managinip si Senator Cayetano.

Hindi po ako ang pumapatay sa mga kababayan natin para maibalita sa international media. Hindi po ako ang nag-ra-riding-in-tandem at tumitira sa mga maralitang drug suspects. Hanggang ngayon po ay nandiyan pa rin ang mga salarin na umiikot sa kadiliman ng gabi para itumba ang mga pinagbibintangan na mga kriminal, totoo man silang kriminal o hindi. Maaring iilan sa kanila ay ang mga dating kasamahan ng ating witness na si Edgar Matobato sa Davao Death Squad. Gusto lang nating malaman kung may katotohanan sa haka-haka na ito, upang sila ay tuluyan ng madakip at mahinto na ang patayan.

There are criticisms from Senator Lacson and Senator Cayetano that I should have vetted the witness first before presenting him in the hearing.

Mr. President, the vetting process of witnesses on the DDS has started since 2009, when as CHR Chairperson I conducted the inquiry on the Davao Death Squad. At that time, we were able to interview and get statements from several DDS members who chose to talk but not to testify for fear of their lives. In fact, as early as 2009, Edgar Matobato has already been identified by one DDS witness as a companion of said witness in one of his DDS operations.

Nagtutugma po ang ilang mga kuwento sa kuwento ng ating witness na si Edgar Matobato. Katunayan, noong 2009, may mga pangalan nang mga opisyales ng Davao City Police ang lumabas na mga miyembro ng DDS sa heinous crime section ng DCPO, mga pangalan na binanggit na rin ni Matobato sa kanyang testimonya. Ang ilan po sa mga pangalan na ito ay ang mga sumusunod:

Mr. President, those names compose the core group of the Davao Death Squad.

Malakas pong ebidensiya ang testimonya ni Edgar Matobato. Hindi ito katulad ng drug matrix na nilabas ng Pangulo na walang gustong umamin sa NBI, PNP, o PDEA kung kanino galing sa kanila ang impormasyon na laman nito. Kung ang pamantayan ng ebidensiya ni Senator Cayetano ay katulad ng drug matrix ng Pangulo na parang dinrawing ng isang dose anyos na bata, di hamak na lampas lampas naman ang testimonya ni Matobato sa pang-dose anyos na standard ng kanyang mahal na Pangulo. Kung minsan po talaga, ang pinakamahirap gisingin ay ang mga nagpapanggap na tulog.

Mr. President, may mga binanggit na pong mga opisyal ng kapulisan ang ating witness. Nasaan na po ang mga opisyal na ito ngayon? Masarap pa ba ang kanilang tulog sa kabila ng mga binitawang testimonya ni Edgar Matobato? Kung nakakatulog pa sila, marahil sila ay inosente. Pero papaano kung sila ay hindi inosente?

The implication is that we have a group of serial killers and mass murderers right within the ranks of the organization which is supposed to protect and serve the people. I might be jumping to conclusions, but what if it is true? Was the action of the Senate yesterday stripping me of my Committee going to help to uncover the truth, or was it part of the plan to hide the truth? I hope it is not the latter.

I still bear a great amount of respect for my colleagues. I believe that their action yesterday was borne out of an honest desire to diffuse the unnecessary political complexion of the investigation by choosing a more, shall we say, “neutral” and non-controversial Senator to lead the investigation.

At this point I would like to congratulate Senator Richard Gordon for having been vested with the vote of confidence of the Senate and for accepting the burden of investigating the current phenomenon of extra-judicial killings. I believe in his capability to carry out a serious probe into these incidents and get to the bottom of the killings. I watched his career as a Senator for several terms and I am convinced that he possesses the integrity and the courage not to be cowed by the Executive and act as a mere lackey of Malacanang.

I believe that he is also capable of exercising that impartiality that Senator Cayetano has repeatedly drilled into our heads I am not capable of. I believe that Senator Gordon bears more fortitude and strength than I did, to be able to call out and censure any colleague who transgresses the boundaries of unparliamentary speech when he accuses Liberal Party senators of conspiring to overthrow the President without presenting a single piece of evidence, while accusing me of having pre-judged the EJK investigation on the basis of an eyewitness account coming from a man who claims to have been an original member of the Davao Death Squad, until he was betrayed and framed up by his own comrades for a crime he did not commit.

I am fervently convinced that with his experience and no-nonsense personality, Senator Gordon will be more able to throw out any attempt to badger, harangue, abuse, or otherwise malign a witness by misleading and forcing him to admit that the reason he is testifying is because he was recruited by the Senators of the Liberal Party to trigger the ouster of the President and to put in Malacanang Vice President Leni Robredo whom the witness admitted he barely knows.

This is the kind of pretentious and hypocrite objectivity coming from Senator Cayetano that Senator Gordon will be facing. I wish you good luck, sir. I can tell you it was not a pleasant experience for me. Not at all. You can have the Justice Committee as well as the offensive and unparliamentary antics of Senator Cayetano. Package deal po yan. On the other hand, you will still have me as a member of the Justice Committee. I promise to behave and not give you a hard time. A Senator Cayetano is enough. I will not bother you with another obnoxious personality in your hearings in the Justice Committee.

May nakausap po akong taxi driver noong isang araw. Ang sabi niya ay parang magulo na naman sa bansa natin, katulad ng pagkagulo ng bansa sa ilalim ng ilang mga nakaraang administrasyon. Patayan dito, bombahan doon, mga bangkay na naglipana sa daan, mga barilan ng mga riding-in-tandem, mga abuso ng mga kapulisan sa mga pag-raid at pag-Tokhang sa mga urban poor areas, etcetera, etcetera.

Sa totoo lang po, wala akong nakausap na taxi driver. Ginaya ko lang po ang istilo ng pagkwento ni Senator Cayetano para patunayan niya na ang Pilipinas ay kasing-safe na ng bansang Singapore. Sa totoo lang po, medyo nabilaukan ako sa sinabi na iyon ni Senator Cayetano kahit nandoon na ako sa katahimikan ng aking opisina. Kasing-tahimik at kasing-ligtas na raw tayo katulad ng Singapore.

Hindi pa po ako nakapunta sa Singapore. Pero kung kasing-tahimik ng Singapore and Pilipinas, kailangan din bang may bumubulagta na mahigit 30 tao kada araw sa Singapore para sila ay maging ligtas? Kailangan din ba nilang mag-Tokhang para malipol ang mga mapanganib na mga pusher at addict at malinis ang mga komunidad ng masasamang elemento? Kailangan ba nilang padanakin ang dugo sa kanilang mga kalsada upang mapanatag ang mga tao na may ginagawa ang gobyerno para mapuksa ang kriminalidad? Kailangan din bang may mamatay na apat o limang-taong gulang na Singaporean sa kamay ng mga vigilante dahil ang lolo o tatay nila ay mga markadong pusher o adik?

O ibang pamamaraan ba ang ginawa ng Singapore para mapanalig ang tao sa respeto sa kaayusan at sa pag-hahari ng batas? Ang pamamaraan ng patayan para magkaroon ng katahimikan ay magdudulot lang ng katahimikan ng sementeryo. Papunta na po tayo doon, dahil unti-unti ng pinupuno ng Administrasyong ito ang ating mga sementeryo sa kanyang pagkibit-balikat kung hindi man tahasang pang-enganyo sa isang marahas na landas tungo sa pagpuksa ng literal sa mga kriminal.

The point is, Senator Cayetano wants to impress upon us the Singapore-like safety of our communities in the middle of all these killings with anecdotes. His proof that we are safe consists of anecdotal taxi driver stories. In the meantime, his President has just declared a State of National Emergency due to the existence of Lawless Violence. For the first time since the eve of the declaration of Martial Law 44 years ago to the day today, the country has not come close to such an admission by the State that it is incapable of enforcing order in society, that the President has to resort to his extraordinary commander-in-chief powers under the Constitution in order to maintain public safety, peace and order.

So are we in a State of Safety, as claimed by Senator Cayetano? Or are we in a State of Lawlessness, as declared by the President?

Safe lawlessness, or lawless safety? Ang tawag po doon sa salitang Inggles ay “oxymoron”, with emphasis on moron.

Senator Cayetano’s anecdotes will not pass any known academic standard to prove his proposed thesis that our countrymen feel safe. I for one do not feel safe, what with the President unleashing the might and power of the whole Executive Branch, the other half of Congress, and 1/24 of the Senate to go after me and destroy me, a single Senator from Bicol who wants nothing else in the world but to be and play with her dogs at home and to see that the killings stop and justice be done to those who already fell during the night.

The next time Senator Cayetano recites his now famous anecdotes about how safe we are, maybe he can include my own story. Definitely it is not a story of being safe. It is the story of being the first target of a new McCarthyism in our time, of being singled out by the powers-that-be for daring to think differently and to advocate passionately for what one believes in.

Matagal na po itong linya ng kanyang mga bayarang trolls sa social media. Kapag hindi ka Pro-Duterte, ikaw ay drug lord coddler, ikaw ay pusher, ikaw ay isang adik. Ito po ang bagong komunistang panakot sa ating panahon ngayon: Ang Adik. Kapag hindi ka sumamba kay Poong Duterte, ikaw ay adik, dahil adik lang ang hindi sumasamba kay Poong Duterte.

Bakit po tayo nahantong sa ganito? Na ang mga nagnanais ng maayos at naayon sa batas na laban sa kriminalidad ay mga nababansagan na mga adik, at nawawalan ng kalayaan na sumalungat sa pamamaraan ng tinatawag na pagbabago sa pamamagitan ng kaliwat kanang patayan? At ngayon na napapalapit tayo sa paghubad ng katotohanan na ang ganitong pangyayari ay naganap na sa Davao City, ay biglang idedeclare na vacant ang Komiteng dumidinig sa paksa ng patayan dahil lang sa sinabi ng pinakadakilang tagapagtanggol ng Pangulo sa Senado, at sinegunduhan ng isang Senador na galing sa mga mahihirap, mga mahihirap na ngayon ay walang tigil na Tinotokhang ng mga pulis.

On a personal note, I do not know where all of this will end for me, in the midst of the House inquiry, the Ethics Committee complaint, the election protest, the DOJ persecution, and the President’s attacks. Honestly, this is all the fault of President Gloria Macapagal-Arroyo, when she appointed me as Chair of the Commission on Human Rights, where I learned the value of human life and human dignity, regardless of one’s station in life. This is also the fault of President Benigno S. Aquino III, when he appointed me as Secretary of Justice, where I learned to fight the abuse of power, corruption, and have taken to heart the principle that peace is the work of justice.

Ang kapayapaan ay bunga ng hustisya. Walang kapayapaan kung walang hustisya.

Pasensiya na po ang ating mga kababayan kung natuto ako sa CHR at sa DOJ na pahalagaan ang buhay ng bawat tao, ang karapatan na magkaroon ng paglilitis bago patawan ng karampatang kaparusahan, at ang seguridad ng lahat na maging tahimik sa loob ng kanilang tahanan.

Gaano man kaliit ang dampa, ang bawat tahanan ay palasyo ng namamahay doon. Iyan ang itinuro sa atin sa batas. Kung gaano kabuo ang respeto ng mga pulis na nagTotokhang sa Forbes Park at sa Dasmarinas Village, ganoon din dapat ang respeto na pinapakita nila sa mga Tinotokhang nila sa mga maralitang nakatira sa mga tabing-ilog at estero. Mayaman man o mahirap, kapag Tinokhang mo, dapat ay pantay-pantay. Huwag yung mga berdugong pulis ang ipapadala sa mga dampa sa estero, at mga pulis na sumasali sa modelling contest ang ipapadala sa Forbes Park.

Sasabihin na naman ni Senator Cayetano na hindi naman mga nagmomodel na pulis ang pinapadala sa Forbes Park. Figure of Speech lamang po iyon, hindi dapat intindihin ng literal.

I became CHR Chair and DOJ Secretary not because I sought those positions to which I was appointed. One can say that these were all accidents of history. It is only this position that I hold now that I chose to work hard for to get by tirelessly campaigning and eventually being elected by more than 14 million Filipino voters. Ito po ang programang dala ko ngayon, mga mahal kong kababayan na bumoto sa akin. Ninais ninyo na ito ang programang dalhin ko. Kung sa pagnanais kong isulong ang programang ito ay tatanggalin ako sa pagka-pinuno ng Komite ng Hustisya at Karapatang Pantao, ay parang hinubad na rin nila sa akin ang mahalagang bahagi ng mandatong iyon.

Kaya mahalaga po sa akin ang posisyon na ito, dahil katulad ninyo mga kapwa ko senador, pinagsikapan at pinaghirapan ko itong ipagkatiwala sa akin ng mga botanteng Pilipino. Ginagampanan ko lamang ang aking tungkulin bilang isang kandidato na humarap sa mga tao ng may plataporma ng karapatang pantao at hustisya, dahil minarapat nila na iboto ako sa pag-asang ang programang iyon ang aking dadalhin dito sa Senado.

Pero tatalima ako sa desisyon ng Senado. Hindi naman dito natatapos ang laban. Nag-iba lang ang anyo at posisyon ng mga magkakatunggali, pero malinaw pa rin ang adhikain at pananalig na sa bandang huli, ang hustisya at karapatan ng bawat mamamayan ang mananaig, hindi ang dikta ng kapangyarihan.

Sa Roma, noong unang panahon, pinagdiriwang ang mga heneral na matagumpay na sumakop ng mga ibang bayan sa pamamagitan ng isang parada, kung saan nakasakay ang Heneral sa isang karyote na hila ng apat na puting kabayo habang papasok sa siyudad ng Roma. Sa likod niya ay isang alipin, na may hawak na ginintuang koronang laurel sa itaas ng ulo ng Heneral. Sa kahabaan ng prusisyon, walang ibang ginawa ang alipin kung hindi bumulong sa tenga ng Heneral ng mga katagang

“Respice post te! Hominem te memento!”

“Tumingin ka sa likod mo, at huwag kalimutan na ikaw ay isa lamang tao.”

Hindi Diyos, tao.

Tao ka lamang.

Mr. President, my fellow Senators, on the eve of the 44th Anniversary of the Declaration of Martial Law, we must remember that all power, no matter how seemingly absolute, is fleeting. What is permanent is truth and justice.

Ang lahat ng kapangyarihan, gaano man kalawak ang nasasakupan, ay naglalaho rin sa panahon. Ang tanging nagtatagal sa habang panahon ay katotohanan at katarungan.

Iyan po ang sumpa ng mga may hawak sa kapangyarihan, katulad natin. Maglalaho din yan sa daloy ng panahon. Pero ang katotohanan at katarungan ang mananatili. Katulad po ng sinapit ng Rehimeng Marcos noong 1986, ang lahat ng diktadura ay may hangganan din. Marahil hindi ngayon, pero ang panahon ng lahat ng may kapangyarihan ay may hangganan.

Marami po sa atin ang pamilyar sa kwento na ito ng Roma tungkol sa alipin na nasa likod ng matagumpay na Heneral na mananakop. Ang hindi pa alam ng marami, na ang kinakatakutan ng Heneral ay si FORTUNA, na kung tawagin ay ang berdugo ng lasing na tagumpay: THE BUTCHER OF GLORY.

Iubetque eosdem respicere similis medicina linguae, ut sit exorata a tergo Fortuna gloriae carnifex.

“Binabadya ng mga kataga ang matagumpay na Heneral: tumingin ka sa likod, upang mapaamo mo si Fortuna, ang berdugo ng lasing na tagumpay.”

Sa mga Heneral ng tagumpay at kapangyarihan sa ating panahon: si Fortuna ay inyong kapalaran, nagbabadya na ang lahat ng hawak ninyo ngayon ay maglalaho sa panahon. Mapaamo nyo man siya, siya at siya pa rin ang kikitil sa inyong pagkalasing sa panandaliang kapangyarihan at tagumpay.

Maraming salamat po. ●


  •  Leila de Lima
  •  extrajudicial killing
  •  EJK
  •  Justice and Human Rights Committee
  •  Senate

Recent Events